TDT : Hades 015

2.1K 87 10
                                    

The Devils Tale : Hades

#015

× × ×

*Whosh*Whosh

Unti unti akong napamulat nang mata nang makaramdam ako nang lamig sa bandang paanan ko ,

Kumunot ang noo ko at saka tumingin sa paligid , madilim na...

Teka ... nakatulog na pala ako ? Nagkusot ako nang mata at saka unti unting umupo , humikab muna ako at nagkamot nang leeg , tumingin ako sa tabi at halos maningkit ang mata ko nang makita ko si Hades na balot na balot nang kumot -_-

Tumingin ako sa paanan ko , hmm kaya pala nilalamig ako wala na akong kumot , tsss ..

Nag kiss kayo .

Nanlaki nalang bigla yung mata ko nang bigla nalang magsalita yung utak ko kaya napahawak agad ako sa labi ko at tumingin ulit sa katabi ko ..

S-Shemss ... oo nga pala nag kiss kami, t-tapos ? Agad akong napatingin sa sarili ko , m-may damit pa naman ako ..

O-Omygod !!! A-Anong pinag iisip mo Perse ? Do you really imagine na m-may nangyari sa i-inyo ? Jusko .. b-bata siya Perse !!!

Agad akong umiling sa mga pumapasok sa isip ko , jusko talaga !!! Erase erase.

P-Pero hindi ko na maalala yung nangyari pagkatapos nang k-kiss .. at eto nagising nalang ako kasi nilalamig ako ..

Habang nag iisip ako naalala kong masakit nga pala ang ulo ko kanina , pero ngayon wala na , napalingon ako kay Hades na medyo nanginginig sa lamig, napakunot ako nang noo at saka hinawakan ang noo niya ..

Nagulat naman ako nang makapa kong mainit siya O_O .. m-may sakit siya ?

" Hades ... " tawag ko sa kanya pero nakapikit lang siya , nataranta naman ako kaya inayos ko ang pagkaka kumot sa kanya , b-bakit siya nagsakit ??

Agad akong tumayo mula sa kama at nagkalkal sa bag namin , tubig lang ang nandito at walang mga gamot , hindi rin naman kasi namin ineexpect na magiging ganito pala Ughh !!

Baka meron sa baba ??? Agad akong napalingon sa orasan sa gilid nang side table ,

" 3:30 am nang madaling araw ?" Medyo gulat na wika ko , pero hindi ko na yun inisip at sinuot nalang ang jacket ko , baka merong gamot yung babae sa reception desk .

Walang sabi akong naglakad palabas at saka pinihit ang pinto nagdala din ako nang flashlight just incase , kumunot pa ang noo ko nang naka lock pala yung pinto , pero binuksan ko nalang at saka tuluyan nang lumabas at tumakbo pababa ,

Tinahak ko lang ang medyo madilim na hagdan pababa hanggang sa makarating ako sa waiting area .. tumingin ako sa paligid, wala si manang sa reception?

Lumingon lingon ulit ako at napagpasyahang ako nalang ang maghanap nang gamot , tumakbo ako sa isang sulok at nahanap ko ang kusina, baka may gamot sila dito , nag bukas bukas ako nang mga cabinet at medyo nalukot pa ang muka ko nang makitang puro lawa lang yon .. puro alikabok lang ang laman nang kusina nila ..

Tsk !!gamot gamot kailangan ko nang gamot !!

" PLEASE NAMAN GAMOT! KAILANGAN KITA, MAY SAKIT SI HADES !!" Sigaw ko na parang nawawalan na ako nang pag asa .. nang -

*Whosh*

Napalingon agad ako sa likod ko nang bigla nalang akong may narinig na bumaksak sa sahig ,

Pag tingin ko madilim lang naman na paligid ang nakita ko , binuksan ko ang flashlight at saka tinapat ang ilaw doon , agad akong napatayo nang tuwid nang makakita ako nang box nang paracetamol sa sahig, tinakbo ko naman agad yun at saka pinulot,

The Devils Tale : HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon