TDT : Hades 001

6.1K 136 21
                                    

The Devils Tale : Hades

#001

× × ×

* SLAPPP *

" A-ACKKKK !!" Napangisi ako nang todo nang marinig ang ingay na iyon mula sa kanya , para itong musika saakin panrinig ,

" P-Panginoon .. p-parang awa niyo na po .. " Pagmamakaawa niya saakin , mas lalo akong napangisi ..

Gusto ko yun .. gusto kong marinig na nagmamakaawa sila .. gusto kong marinig na nasasaktan sila , gusto kong marinig na umiyak sila at sumigaw sa sakit !! GUSTO KONG UMIYAK SILA NANG DUGO HANGGAT SA MAGSAWA AKO !!! HAHAHAHHAHA ...

" ISIGAW MO !! HINDI KITA MARINIG !!!" Masayang sabi ko sa kanya at muli siyang hinampas nang latigo .. tinignan ko lang siyang unti unti nang umiiyak , ang mga luhang iyon !! Ang nagpapasaya saakin , ang makita silang nahihirapan !!! Ang makita silang namamatay !! Ang saya !! Ang saya saya !!!!!!!!!!!

" HADES !" Agad akong napatigil sa ginagawa kong pagpapahirap sa isang kaluluha nang bigla ko nalang marinig ang matigas na boses ni Zeref .. taka akong napalingon sa kanya at inis siyang tinignan,

" Anong kailangan mo ? Hindi mo ba nakikitang naglalaro ako ?" Inis na wika ko sa kanya , malamig niyang tinignan ang kaluluhang hindi na makadilat sa dami nang sugat niya sa muka .. it's priceless! And i love it !

" Kelan mo titigilan ang pagiging isip bata mo ? Ang parusang mapunta dito sa impyerno ay sapat nang kabayaran sa mga kasalanan nila noong nabubuhay pa sila .. hindi tamang pati sa kabilang buhay ay pahirapan mo pa sila .." Agad akong naggitgit nang ngipin sa sinabi niya , heto nanaman tayo, pangangaralan niya ako sa mga bagay na hilig kong gawin ,

Humarap ako sa kanya at inis siyang tinignan , nakatingin lang din siya saakin nang diretso ..

" Paano mo natatawag ang sarili mong panginoon nang mga demonyo kung napaka lambot niyang puso mo !! Ay .. teka meron ka pa nga bang puso ???? " Pang aasar ko sa kanya at saka siya nginisihan , pero gaya nang mga nakaraang sagutan namin ay hindi siya nagpapa apekto , napasimangot ako at nilingon ang laruan kong hindi na ata makilala ang muka dahil sinira ko na iyon ..

Ngumisi nalang ako at sinabit na ang latigo sa bewang ko ,

" Lucifer .. Satan .. Itapon na ang kaluluhang iyan , ipakain niyo sa diablo !!" Masayang utos ko na tinanguan lang nang dalawa at walang imik na tinalian sa leeg ang kaluluhang iyon at saka hinila palayo saakin ..

Hayyy .. hindi pa ako nakukuntento .. gusto ko pang maglaro , kung wala lang sana itong isang to dito ay makakapag laro ako nang matiwasay ..

" bakit ka nga pala umuwi dito ? Akala ko gusto mo na manatili sa mundo nang mga taga lupa ?" Malamig na tanong ko sa kanya nang maalala ko kung saan siya lagi nagpupunta ..

" Wag natin pag usapan ang bagay na iyan ngayon , bumalik ako rito dahil sa mga nababalitaan kong pagpapahirap mo sa mga kaluluha .." Malamig parin na wika niya , agad akong napairap sa kawalan , nag aapoy rito sa impyerno pero kung makapag salita siya mas malamig pa ata sa langit .. tss

" At bakit hindi ? Impyerno ito !! Ano sa tingin mo ang matatanggap nang mga taong makasalanan rito ? Magpakasarap ?" Tawa ko sa kanya at tinignan ang kamay kong puno nang dugo .. my favorite color ..

The Devils Tale : HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon