P R O L O G U E

193K 4.2K 521
                                    

"This is Alexiu—I mean Leo. My c-cousin." Aniya nung lalaki na kasing puti ng espasol. Seryoso, ang puti niya tapos ang gwapo pa.

Nalipat ang tingin ko sa batang buhat-buhat nito. Sa tingin ko nasa tatlong taon pa lang siya, ang cute ang nakakagigil ang maala siopao nitong pisngi. Kagatin ko kaya? Charot lang.

"Hello!" kinawayan ko ito. Tila ba nainis ito sa ginawa ko dahil bigla itong ngumuso.

"Ah miss, pwede bang ikaw muna ang mag-alaga sa kaibigan namin—este! sa pinsan ng kaibigan namin. " sabi naman ng isa sa mga lalaking kasama ni espasol guy.

Kumunot ang noo ko. "Nasaan ba magulang ni baby Leo?" tiningnan ko si baby leo. Napangiti ako nang mapansin ko ang pamumula ng pisngi nito. Kyutie!

"A-ah! ano nasa ibang bansa, n-nagt-trabaho?"

Teka nga!

Nameywang ako. "Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo? atsaka bakit hindi ikaw ang mag-alaga kay baby leo? Pinsan ka niya hindi ba?"

Pinsan niya tapos ayaw niyang alagaan, tsk!

"K-kasi ano hindi ko kaya atsaka baka m-madisgrasya lang siya kung ako ang mag-aalaga sa kanya."

Napabuntong hininga ako. May tama naman siya, baka mapano lang 'tong cute na batang 'to kung siya ang mag-aalaga kay baby leo baka mapahamak lang ito.

"Oo na—HOY!" Bigla na lang kasing pinabuhat sa akin si baby Leo, mabuti na lang at nahawakan ko kaagad ito ng maayos.

"Ipapadala na lang namin 'yong gamit niya. S-sige! Mauna na kami!" Nagulat ako nang bigla silang tumakbo palayo.

Nagtutulukan pa sila, may muntik pa ngang madapa. Tinawag ko sila pero hindi sila lumingon. Pagbalik nila pagkakaltukan ko sila sa bunbunan nila. Ni hindi ko man lang sinabi kung anong pangalan nila. Jutko, sana lang talaga pinsan niya 'tong si baby Leo mamaya kidnapers sila, madamay pa ako.

Binaling ko ang tingin ko kay baby leo na nakatingin din sa akin ngayon. Ang kyutie niya talaga!

"Hello baby Leo! Ako si ate Eris." kinurot ko 'yong pisngi niya. Napahagikhik ako nang ngumuso ito. Humikab ito bago sumandal sa dibdib ko.

Aba ang bata-bata pero marunong ng dumamoves.

Kumunot ang noo ko nang makita ko itong ngumisi. Umalis siya sa pagkakasandal. Nanlaki ang mga mata ko nang dumapo 'yong kamay niya sa dibdib ko.

"Hway ith it tho plat?"

Ohmygoly!

The Billionaire BabyWhere stories live. Discover now