p.s. i’m wearing blue statement shirt saying i’m yours.

Duh! Yannie kaya name ko hindi HANY. Anu ba tong Mr.E na’to?! Sarap kutusan. Ayoko ngang manood ng concert mamaya e tas mamaya pa sya magpapakilala sa akin. Kakainis. Kung di lang ako curious kung sino tong Mr.E na to di ako aattend e. Hay Lord,anu po bang masamang ginawa ko at pinaparusahan ako ng ganito?? Can i just die? Ang oa ko na.

Dumating na ang start ng concert. Ang daming tao. Panu ko makikita si Mr.E dito? Hay di na lang kasi nagpakilala kanina e. Inaantok na kaya ako. Iginala ko ang aking paningin. Nagbabakasakali na makita ko sya—si Mr. E ah. Hindi si Tyler. Kaso no signs of a guy wearing a blue statement shirt saying “Hany”. Baka naman nantitrip lang tong E na to? Ang malupit pa nikita ko pa si ANGEL. Pagminamalas ka nga naman oh. Gusto ko na sanang lumabas sa freedom square at umuwi na dahil wala ako mapapala dito kung di kabiguan. Kaso di na ako makalabas dami kasing mga tao at mukhang mag-u-umpisa na ang program. Narinig kong may nagsalita mula sa stage.

“Good evening guyz!”

kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Napatingin ako sa stage.

Naka..

nakakulay

itim syang polo na tinernohan nya ng maong na pants..

Shemay! Ang gwapo nya. Sigawan at tilian ang maririnig mo sa apat na sulok ng freedom square. E di ikaw na Tyler Ethan Domingez! Ikaw na gwapo. Ikwa na karismatic. Ikaw na love ko. HaHAha. Ang landi ko lang?

Matapos ang tatlong kanta nagsalita sya.

“Salamat sa pagdating nyo sa concert na ito. Actually di lang ito isang ordinaryong concert dahil naiis ko sanang ipakilala sa inyong lahat si YANNie ISANG MAGNANAKAW!” sabay turo sa akin. Lumiwanag ang lugar na kinaroroonan ko. Nakatapat na kasi ang spot light sa akin. Nagtakip ako ng mukha. Nakakahiya.

Nagtaka ang mga tao. Ang ilan ay na pa-oh.. ang iba ay nagbulong-bulungan. Ang ilan na nakakakilala sa akin ay mapanghusga ang tingin ang ilan naman ay tinatanong kung sinu daw yun? Yung mga katabi ko naman na malapit sa akin ay napapalayo. Naku! Lagot ka talaga sa akin TYLER pagkatapos ng kanta mo. Nako! Bugbug-sarado ka sa akin!POTEK!! Ang kapal ng mukha nito ah! Pumunta na nga ako dito kahit masasaktan ang puso ko tapos ipagsasabi pa nyang MAGNANAKAW AKO!! Ngunit ilang sandali lang ay nagsalita sya ulit.

“...NINAKAW nya kasi ang puso ko.” Sabay ngumiti at nakatingin sa akin.

Napalitan ng tilian ang kaninang mapanghusgang atmosphere. Bumilis ang ibok ng puso ko.

HALA! HANUDAW?! Shet! Paki-ulit parang nabingi ako e. Tinanong ko yung katabi ko kung anu yung sinabi ni Tyler. Pero men, di ako nabingi kasi ang sabi ni ateng pinagtanungan ko.

“..NINAKAW mo daw kasi yung puso nya. Ayieee! Kakilig naman ate!”

Shemay! God anu pong nagawa ko pong kabutihan at ganito ang blessing na binigay nyo sa akin? kinikilig ako! thank you God! Muah! Muah! Tsup! Tsup!

“...Ayannie Marie Benitez ang nag-iisang taong pinahahalagahan ko at matagal ko ng minamahal! Para sayo itong kantang to... ” nag-umpisa ng tumugtog ang banda nila.

Edi ako na ang kinikilig! Pero anu na naman kayang pakulo nyang ito? Akala ko ba ngayon ang matamis na “OO” ng taong iniibig nya? E bat may ganito? Dont tell me.......???

Nagulat ako dahil inalis nya ang suot nyang polo at naka-  blue statement shirt saying “Hany”.  napanganga ako. as in LITERAL na nga-nga. what is the meaning of thiz?!

So sya si..

..si.

..... Mr. E?

Panu nangyari yun?? Then it came to me.. he is Tyler Ethan Domingez

BestFriend ♥♡Where stories live. Discover now