Revelations

15 0 0
                                    

picture po ni Ty at yannie nung bata pa sila------------------------------------>

Mag-iisang buwan na akong nakakatanggap ng mga notes mula kay Mr. E. Habang lumilipas ang mga araw para bang unti-unting nagkakapuwang sa puso ko. Para ngang isa syang taong malapit sa akin e dahil alam nya ang mga gusto, gaya na lang nung binigyan nya ako ng stufftoy na eayore, boquet ng pink tulips, eggpie, apples.

Ngayon ngang araw ay may nakita akong tatlong HANY sa locker ko at may kasamang note na :

---Yan,

3 HANYs for you w/c means ILOVEYOU.

Pag sinagot mo na ako yan ang magiging tawagan natin my HANY.

-E

Ang galing nga e. Alam nya na  favorite kong ang chocnut na yun!! HAHA! Napapaisip tuloy ako kung sino si Mr. E? Panu nya nalaman ang mga gusto ko? Bilib ako sa source nya ah talagang kilalang-kilala ako. Hmm.. habang nag-iisip may nahagip ang paningin ko. Napangiti ako.

“Ty!” ngunit di nagtagal ang mga ngiting iyon.

“Yanie!” ginulo nya ang buhok ko.

“Not my hair Ty.” Inirapan ko nga.

“Who is she?” hinead to foot ko ang babaeng kasama nya. Actually kilala ko sya. Si..

“si Angel.. and Angel this is Yanie my bestfriend.”he smiled

“hello Angel nice meeting you.” I smiled at her and lend my hand to her. Nag-shake hands kami ngunit di maalis ang tingin ko sa mga bulaklak na hawak nya. Red Roses. So totoo ngang sya ang nililigawan ni Ty.

“nice meeting you too Yanie.” Ngumiti din sya sa akin.  So yan pala ang sinasabing sweet smile na gustong-gustong nakikita ni Tyler. Mukha naman syang mabait at matalino. Maganda rin sya lalo na sa malapita. Pero syempre MAS ako sa kanya. MAS mabait MAS matalino at MAS maganda. HAHAHA! Syempre di ko pede i-down ang sarili ko noh.

“By the way Yanie next week na yung Foundation Day. Manood ka sa Evening Concert. ”

*

Dumating na ang araw ng Foundation Day! Madaming booth na makikita sa freedom square ng University namin. Puro kaen lang ang ginawa ko kasama ng mga kablockmates ko. Halos mabutas na nga ang bulsa ko sa kakadukot ng pera kada may kainan kaming nadadaanan. Magtatanghali na at di ko pa din nakikita si Tyler. Siguro busy sya sa pagpapractice para sa concert/ pagpopropose nya kay Angel. Tsk. Kunyari pa syang ngayon nya ipapakilala yung nililigawan nya e obvious naman na si Angel yun. Duh. Di naman ako tanga noh. Grabe sya. Nirequest nya pa talaga na dapat andun ako sa pagtatapat nya. Walang puso..buti pa ang saging meron. HahA! Kidding aside, di ba nya naisip na nasasaktan ako. Ay oo nga pala lihim pala itong pagtingin ko sa kanya. So eto na nga pinag-iisipan ko kung pupunta ako mamaya.-- Gabi pa kasi gaganapin yung concert.

Pag di naman ako pumunta di naman siguro nya mapapansin anu? Sa dami ba naman ng taong pupunta e. Kaya after 2757575647686

 DI NA LANG AKO PUPUNTA.

Wala naman akong gagawin dun kung di PANOORIN SYANG MAGTAPAT SA TAONG MAHAL NYA. Anu ko bali?? Suicide lang ang peg?? Pumunta na ako ng locker ko para kunin ang mga book na kailangan ko for our feasibility study. Nasa tapat na ako  ng locker ng may nakita na naman akong sticky note.

Yan,

“It’s been said that you only truly fall in love once, but I don’t believe it. Every time I see you, I fall in love all over again

Punta ka sa freedom square mamayang concert night para makilala mo kung sino ako. See you Hany.

-E

BestFriend ♥♡Where stories live. Discover now