Si Agean. Magkasama sila?

"Hayyy! Akala ko naman nag papatayan na kayong dalawa diyan e. Nakaistorbo bako?" Napakamot ng ulo si Agean.

"Oo nakaistorbo ka." Sabi ni Mara.

"Bakit kayo nakaupo diyan sa sahig? Wala kabang upuan diyan Erin?"

Lumapit samin si Agean at itinayo niya kaming dalawa ni Mara.

"Ano na okay naba kayong dalawa?"

"Ewan ko sayo Gean." Nag roll eyes si Mara.

"Para kayong bata! Erin patawarin mo na bespren ko. Wala talaga siyang alam sa nangyare."

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at kinuha din niya ang kaliwang kamay ni Mara at pinag dikit ito.

"Okay na? Okay na kayo ha?"

Parang gusto kong matawa sa ginagawa ni Agean. Ang awkward kase. Ni hindi ako makatingin ng diretso kay Mara.

"O-okay na nga kame! Ang baduy mo Gean ha!"

Teka? Okay naba talaga? Paano ung pinaguusapan namin kaninang dalawa? Ung tungkol kay Cheska?

"Mauna nako sa kotse." Sabi ni Agean. Lumabas na siya sa apartment.

Ang awkward! F*ck! Pareho kaming nakatayo dito. Nakaka bingi ang katahimikan.

"Erin.." Hinawakan ni Mara ang kamay ko.

"Oh?"

"Wag mo kong iiwan please? Hindi ko kaya."

"Pano si Cheska? Paano kung may gawin nanaman siya?"

"I don't care! As long as you're with me magiging okay ang lahat."

Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko yon.

Tumango nalang ako then hinila niya ang aking bewang at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin. Nakaramdam ako ng init. Unti unti naglapit ang labi namin. Napakalambot talaga ng mga labi ni Mara.

"Magpahinga kana Erin. Masyado nang late." Pinisil niya ang pisngi ko.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil gusto ko pa siyang makasama. Pinilit ko nalang na ngumiti.

"Ingat kayo ni Agean."

"Oo...Namiss kita ng sobra." Ngumiti siya sa akin at alam ko na may halong lungkot din ang mga ngiting yon. Parang gusto niya din na makasama pa ko.

Niyakap niya ko at niyakap ko din siya pabalik.

"Tulog kana ha?" Utos niya sakin.

Tumango nalang ako.

Lumabas na siya ng apartment ko. At ako naman ay nilock kona ang pinto at Bumalik ako sa kama ko.

Niyakap ko ang aking unan. Hindi ako makatulog. Ano bang nangyayare? Naguguluhan nako!!

- - - - - - - - - - - - - -

Trisha's POV

Halos wala na kaming tulog dito sa campus. Dahil ako ang nag pre prepare para sa darating na Christmas Party! Syempre dapat bongga ang party dahil ako ang mag aayos.

8am na pala?! Kaya pala nakaramdam na ko ng gutom.

"Wilson!" Tinawag ko ung isa sa mga tumutulong saken sa pag aayos ng party.

"Bakit?"

"Bili na kayo ng breakfast natin. Pasama ka kay Princess. Eto pera. Bili kayo sa Starbucks ha? Sige ingat kayo."

Umalis na sila.

Haisshh kapagod.

Chineck ko ang phone ko saglit baka kasi nag text na si baby.

Himala? Wala pang

Goodmorning baby! I love love love you so much. Kain ka ng breakfast mo ha? Wag papagutom. I love you!

Hmmm. Bakit kaya? Tulog pa siguro.

"Ang sweet nila no?"

"Mas bagay talaga sila!"

"Oonga mas bagay sila kesa kay Trisha."

Bigla akong napatingin sa dalawang nag chi chismisan sa likod ko.

"Hoy! Kayong dalawa!"

"P-po?" Lumapit silang dalawa sakin.

"Anong pinag chi chismisan niyo diyan?!"

"N-nakita po kasi namin si Lira at Mara na magkasama at magka holding hands."

Pakiramdam ko ay sasabog ako sa narinig ko.

Ano bang pinag sasabi ng dalawang to?!!!

"PWEDE BA LUMAYAS KAYO DITO AYOKO NA KAYONG MAKITA DITO KAHIT KAILAN OKAY?! MGA WALA KAYONG MAGAWA EH NO?!"

Napatakbo sila palabas sa takot sakin.

Paano naman nila magagawa sakin yon?

Haish! Mga chismosa!

Teka. Pero bakit parang hindi ako mapakali. Hindi naman ako dapat mag duda dahil kaibigan ko si Mara.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mara.

Nag ri ring lang ito at hindi niya sinasagot.

Kaya tinawagan ko nalang si Lira.

Sumagot ito ka agad

[Baby napatawag ka?]

[Uhm baby asan ka?]

[Nandito sa bahay. Bakit?]

[Sure?]

[Oo naman. Bakit ba?]

[W-wala. Sige I love you. Puntahan kita mamaya.]

[Sige. I love you too.]

Call Ended

Bwisit na mga chismosang yon! Napa buntong hininga nalang ako.

Bumalik nako dito sa pag aayos para sa Party.

- - - - - - - - - - -

Hi guyss!!! Hanggang dito muna po!! :)) Thanks for reading!

Tagal kong di nakapag update ah?

Diko na po inedit ha kaya sorry po sa mga errors

Vote? Comment? Thank you po! :)

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now