Chapter 1 - Break Up

9.4K 56 3
                                    

Siguro sa lahat ng tao ngayon ako yung pinaka-swerte. Hindi dahil nasa akin na ang lahat, kundi jowa ko si Ken Gonzales. Yes, si Ken Gonzales, isang magaling na model din kagaya ko at oo, nagkakilala kami sa Shadow Inc. Lahat ng babae naglalaway sa kanya, kahit yung mga maid namin. Minsan nakikita ko silang nagnanakaw ng picture tuwing dadalaw si Ken dito. Etong si  Ken naman, gustong gusto naman ahat ng atensyon sa kanya. Bakit kaya naging byfriend ko si Ken? Di koa alam, basta ang natatandaan ko, kinuha niya number ko. 

Nagising ako ng maaga dahil sa isang tawag. Malamang si Ken to, ang hilig niya kaya mang-trip.  Kinuha ko yung phone ko, time check, 8:45am. Naka-ilang misscall na si Ken. Weird, pero bakit andami? Bago ko pa naman mailagay sa gilid ko ang phone, nag-ring ulit. Parang importante yata to. Ay oo nga pala. 1st Anniversary namin ngayon. Baka may surprise. Sige na nga. Sagutin ko na lang.

"Oh? Ba't ang aga aga tumatawag ka na love?"

"Magkita tayo. Sa Hudson Park. Please."

"Bakit? Anong meron?" As if di ko alam na may surprise. Of course, 1st anniversary kelangan may surprise.

"Basta, magkita na lang tayo dun." At binaba niya na yung phone. Ganito pala yung mapapala ko. Badtrip. May kakaiba talaga, I swear. Tapos yung boses niya parang ang lamig eh. Hindi kagaya ng mga previous conversations namin.

~ ~ ~

"Hoy Lexie Defferd! Gumising ka na! Alam ko may lakad ka! Tumawag si Ken!" Sabi ng kuya Franz ko mula sa baba. Wow ha? Gumagamit ka ba ng microphone kuya? Lakas ng boses mo ah. Parang tinawag mo yata si Zeus.  

Siyempre, matigas ulo ko. Tulog lang ng tulog. Internet lang ng internet. Kain lang ng kain kapag walang photoshoot o TV guestings hanggang sa maging isang dakilang lobo na ako.  

We own a five-storey house. At yung kwarto ko sa 4th floor. Ewan ko rin kung paano magawa ni kuyang sumigaw mula 1st floor hanggang 4th floor.  

"Oo na! Andyan na ako!" Nakasimangot kong sinabi.

Bumangon na ako, nag toothbrush, naligo, nag-ayos. Siyempre dapat maganda. Ayan lagay ng powder, konting lip tint. Di ako mahilig sa make-up, andami ko na ngang sponsorship mula sa iba't ibang brands pero ni isa di ko naman ginamit. Minsan binibigay ko na lang sa mga maid namin. Spoiled ako, matapang at maldita pero pagdating sa mga taong mas mababa ang estado sa buhay kesa sakin, eh mabait naman ako.

"Ay? Gising ka na? Akala ko matutulog ka na naman hanggang bukas." Sabi niya habang kumakamot ng ulo niya. Kuya, dami mo nang kuto siguro. O dandruff lang? Di. Signature move niya yan. Tinawag niya pang "Fresh Like Franz" Yuck ampanget naman niyan.

"Paano di ako gigising ang lakas ng boses mo." Sabi ko naman habang kumukuha ng gatas mula sa personal refrigerator ko. May sarili kaming ref para iwas agaw. Tapos every saturday and sunday naggo-grocery kami ni dad kasama si kuya. Buti wala namang paparazzi na sumusunod sa amin. Parang pinapasara yata ang buong grocery store tuwing nandoon kami eh

"Umalis ka na nga. Ang ingay mo. Nanonood ako eh."

"Ewan ko sayo!"  

"Hoy kayong dalawa. Tigilan niyo yan. Malaki na kayo pero parang bata pa yung mga utak niyo." biglan sulpot ni daddy.

"Pagsabihan niyo kasi ang magaling niyong panganay. Okay? Bye." At sa wakas, nakaalis na rin ako sa mala-impyernong bahay namin. Heaven na sana eh kaso may demonyong nakatira. si kuya yun. 

~ ~ ~  

Dito na ako sa park. Wala masyadong tao kasi parang uulan any time. Pero sa buong 20 minutes kong nakaupo dito, so far wala pa namang lumalapit sakin. Siguro sanay na rin yung mga tao dito na makita ako. Sa isan malayong distansya, nakita ko si Ken, pero parang may kasama yata siyang ibang babae. Pamilyar sakin pero di ko masydo makita yung mukha niya. Nung malapit na sila, namumukhaan kong si Clarisse yung kasama niya.

Amnesia LoversDonde viven las historias. Descúbrelo ahora