Chapter 18. Ang Ikalawang Pakikipaglaban

7.7K 340 28
                                    

                                   Naunang pinapunta sa gitna ng Paupasan si Joshua kasama ni Isung. Naiwan naman malapit sa tarangkahan sina Paula at Butung dahil si Paula na ang susunod na lalaban.

" Josh, ingat ka," mahinang bulong ni Paula ng dumaan sa tabi niya si Joshua. Ayaw niyang iparinig kay Butung na sinabi niya iyon sa binata.

Iang sandali pa ay pumagitna na ang tagatawag.

" Ang susunod na maglalaban ay ang alaga ni Isung na si Pogi at alaga ni Balung na si Kulaw."

Nagsigawan ang mga manonood ng makitang papasok na sa Paupasan si Kulaw. 

" Ayan na siya! Makakakita na naman tayo ng lasug-lasog na mababang-uri."

" Pogi, ngayon mo ipakita ang galing mo. Tingnan natin kung mauulit mo ang ginawa mo kay Purko!"

" Tingnan natin kung uubra ka kay Kulaw!"

Sa pagpasok ni Kulaw sa loob ng Paupasan ay saka lang nakita ni Joshua ang kanyang makakalaban.

Isa itong bang-aw, kalahi ng mga nakalaban nila  ni Angelo sa Bundok Mari-it.  Malaki ang pangangatawan  nito na nababalutan ng makapal na pulang balahibo. 

Ang isang kapansin-pansin sa pagpasok ni Kulaw ay ang kakaibang ayos nito. Hindi gaya ng karaniwang nakikita na mga lalaban na pumapasok sa Paupasan kung saan pakaway-kaway pa ang ilan sa mga manonood, si Kulaw ay nakakulong sa isang hawla na yari sa matibay na kahoy. 

" Bakit siya nakakulong, panginoon?" tanong ni Paula kay Butung.

" Lubhang mapanganib kung pakakawalan si Kulaw. " sagot ni Butung. " Wala siyang kinikilala maliban sa kanyang panginoon. Kapag pinakawalan mo siya sa labas ng Paupasan, lahat ng naririto ay susugurin niya."

" may tumalo na ba sa kanya?" muling tanong ni Paula.

" Wala pa." sagot ni Butung. " ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na may naghamon sa kanya. Iniiwasan namin ang labanan siya dahil bukod sa napakalaki niya ay masyado din siyang bayolente. Hindi ko nga alam kung bakit hinamon ni Isung si Balung. Lubhang maliit si Pogi para labanan nito si Kulaw. "

" Parang kilala na siya ng mga manonood," 

" Oo , tama ka. Makailang beses na rin kasing nakakawala sa kanyang kulungan si Kulaw at bawat makasalubong nito ay kanyang ginugutay. "

" Kahit po ang kagaya ninyo, panginoon?"

" Hindi kami kayang  patayin ng isang bang-aw lang," sagot ni Butung. " Ang sinasabi kong ginugutay niya ay ang mga alaga din na kagaya niya lalo pa ang mga kagaya mo na mababang-uri na mababagal tumakbo."

Hindi na kumibo si Paula. Parang bigla siyang kinabahan para kay Joshua.

Nang maipasok ang kulungan ni Kulaw sa loob ng Paupasan ay naglabasan na ang mga bumuhat sa kulungan pati na rin ang tagatawag. Tanging  si Balung, ang Ugrit na nagmamay-ari kay Kulaw ang natira sa loob para siya ang magbukas ng pintuan.

Halos magiba ang pintuan ng kulungan dahil sa malakas na pagyugyog dito ni Kulaw. Tila gustong-gusto na nito lumabas upang sugurin si Joshua.

" Umpisahan na ang laban!" sigaw ng tagatawag mula sa labas ng Paupasan.

Hinatak ni Balung ang pintuan ng kulungan. Hindi pa man gaanong nabubuksan ito ay nagmamadali na sa paglabas si Kulaw.

" Sige Kulaw, gutayin mo rin ang alaga ni Isung!," sigaw ni Balung sa kanyang alaga.

Agad na sinugod ni Kulaw si Joshua. Sumisingasing ito at tila galit na galit.

Agad niyang hinablig ng kanyang malalaking kamay ang binata na mabilis naman nakailag agad. 

Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon