Chapter 2. Ang Pinagmulan ng mga Aswang

10.9K 404 19
                                    

                                     Habang nakaupo sa may pasilyo ay tinatanaw ni Joshua ang mga dumarating na mga estudyante. 

"   Joshua pogi!" 

Napalingon si Joshua ng marinig ang pangalan niya. Nakangiting lumapit sa kanya si Mario.

" Ikaw pala Mar," bati ni Joshua sa kaibigan.

" Kandahaba ang leeg mo sa katatanaw ng mga dumarating," biro ni Mario," si Queenie hinihintay mo 'no?"       

" Hindi," sagot ni Joshua. " Si Angelo ang hinihintay ko. May usapan kaming dito kami magkikita."

" Nakita ko na si Angelo kanina," sabi ni Mario," malamang nasa canteen na naman 'yun."

" Canteen?" nagtatakang tanong ni Joshua. " Ang alam ko ikaw ang mahilig tumambay sa canteen."

" Grabe ka Josh. Palagay mo naman sa akin? Hindi na ko matakaw ngayon. Diet na ako. Umiiwas na nga ako sa canteen eh."

" Sure kang nasa canteen si Angelo?" tanong uli ni Joshua. " Puntahan ko na lang siya doon."

" Sige sabay na ako. Doon din ang punta ko."

" Akala ko ba umiiwas ka na sa canteen?"

" Sasamahan lang kita," sagot ni Mario. 

" Hindi na. Okey na ko. Baka may gagawin ka, maabala pa kita."

" Sama na ko. Balita ko bago na raw management ng canteen. Baka bago na mga pagkain dun."

' Sabi ko na nga ba eh." natatawang sabi ni Joshua. " Hindi ka rin makatiis. Siyanga pala, ano ginagawa ni Angelo sa canteen? Hindi naman mahilig sa pagkain yun."

" Ano pa eh di naglalaro ng Clash of Clans." sagot ni Mario. " Nakiki wifi  siya dun."

" Ang alam ko may password ang wifi dun para maiwasan ang maraming tumatambay sa canteen."

" Si Angelo pa! Hindi niya tinigilan yung isang babaeng crew  dun sa canteen hanggang sa makuha niya ang password."

" Tara, puntahan natin siya," yaya ni Joshua sa kaibigan.

'Sige, nagugutom na rin ako."

Habang naglalakad patungo sa canteen ay napag-usapan  ng dalawa ang bakasyon nina Joshua sa Puerto Vicente.

" Suwerte ni Adrian ano? Sa States na pala mag-aaral?"tanong ni Mario.

" Oo, isasama siya ni Dr. Robert." sagot ni Joshua. " Pagbalik dito nun, baka Dr. Adrian na rin yun."

" Di ba kasama ninyo sina Queenie at Diana? Okey ba bakasyon ninyo doon?"

" Okey lang. Nakakapagod pero masaya."

" Wala bang kababalaghang nangyari gaya ng nangyari sa atin noong nagbakasyon kayo ni Angelo sa amin sa Talisay?"

Nag-iisip ng isasagot si Joshua sa tanong na iyon ng kaibigan ng makita niya si Angelo papalabas ng canteen kasama ang isang babaeng nakasuot ng uniporme na para sa crew ng canteen.

" ayan na pala si Angelo," sabi ni Joshua.

" O, andiyan pala kayo," bati ni Angelo sa dalawa. Binalingan nito ang kasamang babae. " Sige Anne, alis na ko. Andito na mga sundo ko."

" Sige, ganyan ka naman eh.' sagot ni Anne na parang nagtatampo." Yung wifi lang yata ipinupunta mo dito at hindi naman ako."

"Hindi totoo yun. Siyempre ikaw ang number 1 na dahilan kaya pumupunta ako dito."sagot ni Angelo. " No. 2 lang yung wifi."

Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV)Where stories live. Discover now