Chapter 14. Ang Pangalawang Pagdadaanan

7.4K 354 41
                                    

                                       Tapos na sila mag-usap ni Leslie ay  nakatitig pa rin sa celphone si Luigi. Napansin niyang nanginginig pala ang kanyang mga kamay. 

Parang nanlalambot ang kanyang pakiramdam at tila nawalan siya ng lakas.

Dahan-dahan siyang napaupo sa isang upuan at patuloy pa rin na nakatitig sa hawak na telepono. 

Isang katanungan ang bumabagabag sa kanyang isip.

Tama ba ang ginawa niya?


                                          Ibinalik ni Leslie ang celphone sa bag makaraang mag-usap sila ni Luigi. 

" Ano Les, ano sabi ni Luigi?" tanong ni Diana.

" Okey lang daw sila," sagot ni Leslie. " Kaya lang hindi ko nakausap si Kuya Josh. Umalis daw sila ni Angelo eh."

" Umalis sila na hindi kasama si Lugi?"

" Siguro, kasi sabi ni Luigi wala daw sila dun. Baka mamaya pa daw gabi bumalik. Siguro gumala na naman yung dalawa. Alam mo naman ang mga yun, parehong lagalag."

" Sige , salamat," sagot ni Diana. " Sabihin ko na lang kay Queenie."

" Sige , salamat din sa number," sagot naman ni Leslie." Pauwi na rin ako."

" Sige , ingat ka."

Habang tinatanaw si Leslie na naglalakad palabas ng school ay iniisip ni Diana ang mga pangyayari.

Kung okey naman sila Joshua at Angelo, ibig sabihin ay hindi sila nagpunta sa Igbanglo at nasa San Jose ang mga ito.

Masyado lang sigurong nag-alala si Pitta dahil sa mga nangyayari kaya naisip nito na baka nadamay sa kaguluhan sina Joshua at Angelo sa Igbanglo.

Kailangang sabihin niya ito kay Pitta upang mabawasan ang pag-aalala nito.


                                                    Makaraan ang ilang saglit ay tumayo na si Luigi at nagpunta sa kusina. Kumuha siya ng plato at nilagyang ng kanin at ulam ito. Kumuha rin siya ng isang baso at nilagyan ito ng tubig.

 Wala ang kanyang mga magulang at mga kapatid dahil nagbakasyon din ang mga  ito sa  probinsiya ng tatay niya sa Visayas.

Hindi siya sumama dahil ang nasa isip niya ay yayain ang mga kaibigan na magbakasyon dito sa kanila. 

Sa kanila ang bahay at walang makikialam sa kanilang gagawin.

Sigurado siyang enjoy sila sa bakasyon.

Hindi niya inaasahan ang mga nangyari.

Dinala ni Luigi ang dalang pagkain sa isang kuwarto sa bahay nila.

" Angelo, kain ka na." 

Naroon si "Angelo", ang makulit niyang kaibigan, na ngayon ay tulalang nakaupo sa gilid ng kama. 

Ganito din ang posisyon nito ng iniwan niya kanina.

Ibig sabihin ay ilang oras na itong hindi gumagalaw sa kanyang pagkakaupo.

" Ano ba talaga nangyari Angelo?" tanong ni Luigi sa kaibigan habang sinusubuan ito ng pagkain.

" Tumawag kanina si Leslie, hinahanap kayo ng kuya niya." patuloy na pagsasalita ni Luigi. " Hindi ko naman puwedeng sabihin ang nangyari sa 'yo hanggat hindi bumabalik si Joshua. Siya ang nakakalam kung ano talaga ang nangyari sa inyong dalawa."

Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV)Where stories live. Discover now