Chapter 13

217 7 0
                                    

"ANONG GINAGAWA MO RITO?!" tanong ko sa kanya na medyo pasigaw.

Napangiti naman sya ng alanganin habang nakatingin kay Daddy na nagpapakainosente.

"Pinasundo ko sya Xandy. Ayoko naman na ma-bore ka the whole night."

"Oo nga naman babe." Tumayo naman sya at agad na lumapit kay Lola Bekang. "Nakalimutan ko tuloy mag-bless. Bless po Lola."  Agad naman na nagmano sya kay Lola Bekang pati na rin kila Mommy.

"Nakakatuwa ka naman bata ka. Pagkagalang-galang mo pa. Mabuti na lamang at dumating ka kanina. Aatakihin ata ako sa puso dahil sa ugali ng taong yon." Hindi makapaniwalang sabi ni Lola Bekang.

"Hindi na nga lamang ako nagsalita kanina dahil baka kung ano lamang yung magawa ko sa batang yun. Baka yung takong ng sandalyas ko naipukpok ko sa nguso nun." Nanggigigil naman na sabi ni Mommy. "Aba'y kahit na madalas kong mainis itong si Xandy hindi naman na ako papayag na mabastos lang ang unica hija ko."

"Mabuti nga't natakot ang MAYOR." Sabi naman ni Daddy.

"Carlos...." Nagbabantang sabi ni Mommy. "Ayoko ng marinig yung mga sinabi mo kanina doon sa Mayor. Nagkakaintindihan ba tayong dalawa?"

"No way."

"Yes way."

"Ayoko lang na maulit yung ganon ulit Alysa. Kilala mo ako. Kapag sinabi ko, gagawin ko. Hindi nila lubos na kilala ang pamilya natin."


"Kahit na! Carlos naman."

"Why? Wala naman mali sa ginawa ko, di ba?"

"Pero hindi pa rin dapat yun."


"Sinusubukan nila ko eh. Yabang lang naman ang meron sila. Tama na Alysa, tapos na. Okay?"

"Ewan ko sayo. Gusto lang naman namin ng tahimik na buhay. Kaya sana kung pwede lang, wag na wag mong gagamitin yung bulsa mo para lang makasakit ng tao."


"Yeah. But I can use my own hands to do so."

"Carlos!"

"Alright, alright."


"Bakit po Tito? Ano bang sinasabi ni Tita Alysa?" nalilitong tanong ni Jaspher kay Daddy.

"Oo nga po, hindi na kami maka-relate sa pinag-uusapan ninyo ni Mommy eh."

Isang tipid na ngiti lang ang binigay ni Daddy sa amin.

"Hayaan na ninyo yan. Dyan masaya ang Mommy at Daddy ninyo. Hala. Magpahinga na kayong dalawa." Utos ni Lola Bekang sa amin.

"Saan ako matutulog?" bulong sa akin ni Jaspher.

"Umuwi ka na raw." Pang-aasar ko sa kanya.

"Saan nga? Bahala ka, sa tabi mo ako matutulog." Pilyong sagot nya sa akin na mukhang hindi naman niya pinansin ang pang-aasar ko sa kanya.

"No way." Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil medyo kinikilabutan ako sa sinasabi nya. =_____= hindi pa po ako handa. Masyado pa akong bata. >//////<

Operation: A Wedding For AlexandreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon