Kabanata 29

153K 2K 186

Dedicated kay @CzarinaAmurao hahaha kalerkey siya, bakit daw pinapahirapan nila Marie ang sarili nila? Ang sagot ko, HINDI KO PO ALAM. #NapolesZoned hahaha! Salamat po sa pagbabasa! :) Thank you rin sa mga nagcomments sa previous chapters! Pati  sa mga nagvotes! :) maging sa paghihintay ng update salamat ng marami! Busy kasi ako kaya matagal akong mag UD huhuhu. Thanks ulit!

Happy Birthday pala kay @cutedhang08 o mas kilala bilang Ivy sa facebook! :) Hello! Thank you sa suporta mo sa mga stories ko! God Bless you!




Kabanata 29



Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto namin ni Mateo nadatnan ko siyang nakahiga lang. Aba, eh diba madaming pinapagawa sakanya si Tom Andres? "Mateo, sarap ng higa mo ah?" Natatawang pang aasar ko sakanya, kaagad naman siyang naupo at nag-flip hair, nakakawala talaga ng stress itong bakla na 'to. "Girl, naloloka na ako sayo. Bakit ang haba ng hair mo?" Nakangising sabi niya, napakunot ang noo ko sakanya, ngumuso naman siya at napansin kong nakaturo ang labi niya sa coat ni Tom Andres, nakalimutan ko palang isauli sakanya!




Kaagad kong tinanggal iyon sa balikat ko at ipinatong sa sandalan ng upuan. "Alam mo ba kung anong nakasulat sa mga papel na ibinigay saakin ni Sir.Tom?" May halong pang aasar ang tono niya, "Ano?" Pagtataka ko sakanya.



"Wala. Puro blangko yung papel, my gosh girl! Kainis ginawa niya akong tanga para masolo ka niya.. Huhu, girl alam mo bang nababaliw na ako kanina dito.." Nanlaki ang mata ko, kinuha ko yung envelope na nakapatong sa table at tinignan iyon, tama nga wala ngang nakasulat doon. "Sinadiya niya girl! Kalerkey, tapos makikita kita na suot yung coat niya, ano kayo nasa isang drama? My gosh.." Natawa nalang ako sakanya, "Bakla, nag usap lang naman kami tungkol sa buhay namin." Nakangiting sabi ko, ewan ko ang gaan gaan kasi ng pakiramdam ko ngayon, para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. "Wow, getting to know each other lang? Sinasabi ko sayo girl, team Drake ako." Sumeryoso ang boses niya, tumayo siya at lumapit saakin.




"Kasi alam mo ba girl, nung first time ko siyang makilala diba naiwan kami sa car niya, tinanong niya ako kung bakla daw ba talaga ako?!!" Natatawang sigaw niya, nanlaki ang mata ko at napanganga ako. "H'wag ka nang ma-shock girl. Naloka ako, sabi niya baka daw kasi nagpapanggap akong bakla para mapalapit sayo. My gosh edi ibig sabihin pala nung una naming pagkikita hindi niya ako gusto na kaibigan mo dahil baka nagpapanggap ako." Humahalakhak na kwento niya saakin, maging ako natatawa na rin sa mga ikinukwento niya, naiisip ko kasi ang itsura ni Drake habang tinatanong iyon kay Mateo. "Tapos, ayon na nga. Hinarana ka niya, actually alam ko din yun girl.. Haay, kainggit. Tapos ngayon may Sir.Tom ka pa! Kainis ka!" Sigaw niya saka hinampas pa ako sa braso ko! Hahampasin ko sana siya kaya lang biglang may kumatok, "Ay wait girl ako na!" Hiyaw niya saka tumungo sa pintuan.



Dumiretso naman ako sa cr para mag shower na, binuksan ko na ang shower saka tumapat ako doon.



Ipinikit ko ang mata ko at nakita ko ang gwapong mukha niya, yung mata niyang napakalalim ng titig saakin, yung labi niyang masarap humalik. Kung papakinggan ko ang puso ko, may mababalikan pa kaya ako? Pagkatapos ko siyang ipagtulakan, makuha pa kaya niyang balikan ako pagkatapos ko siyang saktan?



Pagkatapos kong magshower, nadatnan ko na nakaupo sa mahabang sofa si Mateo at may tinitignan siyang maliit pero mahabang box na parang lagayan ng alahas. Lumapit ako sakanya at umupo ako sa tabi niya, "Girl, sabi nung receptionist ng hotel may nagpapabigay nito sayo." Napakunot ang noo ko, kinuha ko sakanya yon at dahan dahan kong binuksan iyon.



At halos magwala ang puso ko nang makita ko ang laman nito, nanginginig ang kamay ko nang kinuha ko ang kwintas. "Ang ganda." Bulong ni Mateo, totoong maganda yung kwintas, white gold ito.. Pero hindi iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko, kundi ang pendant nito, isang shell na may maliit na diamond sa gitna. Kaagad akong napatayo at tumakbo palabas ng kwarto namin!



"Girl!! Naka-robe ka lang!!" Hiyaw saakin ni Mateo! Pero hindi ko siya pinansin! Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang ground floor.



Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko ngayon sa lobby dahil sa suot ko! Hingal na hingal na ako sa pagtakbo at medyo nararamdaman ko na ang pagkirot ng puso ko, humawak ako sa dibdib ko. "Sht.." Bulalas ko at humugot ako ng malalim na paghinga, lakad takbo ang ginawa ko palabas ng hotel, pero ni anino niya hindi ko nakita.



"Bakla!!" Narinig kong sigaw saakin ni Mateo, kaagad niyang ipinatong sa katawan ko ang dala dala niyang blanket at inalalayan na akong maglakad pabalik ng kwarto namin.



"Bakit ka ba tumakbo? Ano ka ba naman girl, hindi mo ba alam na ang daming manyak diyan sa labas.. My gosh.." Sermon niya saakin ngayong nakahiga na ako sa kama, nakapagpalit na rin ako ng damit at tinititigan ko pa rin ang kwintas. "Nandito siya Mateo..nandito si Drake.." Bulong ko, napatakbo siya sa tabi ko.



"Huwat?! Truelalu ba yan girl?!" Excited na sigaw niya, tumango ako sakanya, sea shell? Napaka espesyal nito saakin, bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari saamin dun sa bahay bakasyunan nila, ultimo pinakamaliit na pangyayari nakatatak sa isip ko.



"Mag-sho-shopping muna ako teh, alam ko namang magdidinner kayo ni Sir.Tom.." Paalam saakin ni Mateo pagkatapos na pagkatapos ng board meeting. Tinanguan ko lang siya, inikot ko ang swivel chair na inuupuan ko ngayon habang hawak hawak ko ang kwintas na suot suot ko ngayon. "Tatanggapin mo naman ulit ako diba?" Bulong ko, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko tuwing maaalala kong nandito siya kagabi, pero bakit hindi niya ako hinarap. Sinubukan ko siyang tawagan kagabi pero hindi nagriring ang cellphone niya, kanina ring umaga sinubukan ko ulit pero hindi ko na talaga siya macontact pa.



"Are you ready?" Muli kong inikot ang upuan ko at nakita ko ang ngiting ngiti na si Tom Andres, "Tom Andres, nakita mo ba si Drake kagabi?" Yan kaagad ang tanong ko sakanya, napakunot ang noo niya. Isinara niya ang pintuan ng pansamantalang opisina namin ni Mateo dito sa China saka tuluyan siyang pumasok. Humalukipkip siya at tinignan ako, "Bakit? Nagpunta ba siya?" Pagtataka niya, mukhang hindi niya rin naman alam, umiling nalang ako sakanya saka tumayo na. "Tara na?" Anyaya saakin Tom, tumango ako at lumabas na kami.



"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya, "Kahit saan.." Nakangiting sagot ko sakanya, "Sa restaurant nalang ng hotel? Para kahit magkwentuhan tayo magdamag malapit lang ang paghahatiran ko sayo." Suhestiyon niya, at napapitlag nang hawakan niya ang kamay ko at inilagay iyon sa braso niya. "Nakakahiya naman kung hindi ko aalalayan ang babaeng katulad mo." Pagbibiro niya.




Kumakain na kami ngayon, seafoods lang ang inorder ko dahil medyo busog pa naman ako. "May gusto ka pa bang isuggest para masmaging successful yung project natin?" Tanong niya saakin, "Ah, yes of course meron. Mas maganda siguro kung magkakaroon tayo ng tv ads para mas madaling makilala yung new products natin. Maganda rin siguro kung sikat na artista ang gagamitin natin para sa commercial." Suhestiyon ko sakanya, napangiti naman siya. Ibinaba niya ang kubiyertos niya saka uminom at pinunasan ang bibig niya.


"Parehong pareho kayo ng kapatid mo. Napaka brilliant niyong mag isip." Manghang manghang pahayag niya, napatawa naman ako ng hindi oras. Hindi inlove saakin ang isang 'to, marahil nakikita niya lang saakin si Kei. Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko at mariin ko siyang tinitigan. "What?" Natatawang tanong niya saakin nang mapansin niya ang titig ko.



"Are you still inlove with my sister?!" Panunuya ko sakanya, and with a second biglang namula ang mukha niya! "Hahaha! Oh my god Tom Andres! Hindi ka pa rin nakakamove on sa kapatid ko?!" Pang aasar ko sakanya, tumawa siya ng marahan at napailing iling.



"At may balak ka pang gawin akong panakip butas ha?" Bulyaw ko sakanya, nandito na kami ngayon sa bar counter ng hotel. Nakaupo kami sa bar stool at umiinom. Ngumiti naman siya. "Not exactly. Pero kapag nakikita kasi kita, parang kasama ko na rin siya." Tapat na sagot niya, "Eh bakit mo ako hinalikan?! Trip mo lang? Sira ulo ka talaga!" Hiyaw ko sakanya saka hinampas ko ang braso niya, kanina pa ako tawa ng tawa sakanya dahil sa buong pagkukwentuhan namin tungkol sa kapatid ko ay kumikinang ang mga mata niya.. "Haha, I'm sorry. Hindi ko naman balak na halikan ka talaga, pero bullsht. Namimiss ko ang kapatid mo, at dahil nga kamukhang kamukha mo siya mas lalo akong nababaliw sakanya dahil pakiramdam ko iisa kayong dalawa kahit na alam kong hindi." This time nabasag na ang boses niya, tumungga siya ng rum. Napansin ko ang pagkuyom ng panga niya at ang pag galaw ng adams apple niya dahil sa sunod sunod na paglunok niya, it looks like na nagpipigil siya ng iyak.



"And yes, you are fcking right Marie I'm still inlove with your sister, pero anong magagawa ko? Masaya na siya ngayon. At pinangako ko sa sarili ko na magiging masaya na rin ako para sakanya, kahit putangina yung sakit dito tumatagos." Mariin na sabi niya atsaka itinuro ang kaliwang dibdib niya, hinaplos ko ang likod niya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot para sakanya, lahat talaga ng tao may kanya kanyang dinaramdam, at depende nalang yon kung paano nila ito dadalhin. Napalingon siya saakin at halos mapaawang ang bibig ko nang biglang tumulo ang luha niya, isan Tom Andres Santos ang umiiyak ngayon sa harapan ko. Hinila niya ako palapit sakanya at ikinulong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko yung mainit na paghinga niya dahil sa pag iyak niya. "Do something Marie, it hurt's like hell.." Paos na ang boses niya at nanginginig pa ito, hinaplos ko ang likod niya.



"Anong gagawin ko dito?" Tanong niya saakin habang hawak hawak ang isang shell, nagpunta kami sa isang convenience store para bumili lang ng napkin my ghad bigla kasi akong nagkaron. Pero napansin ko ang isang malaking shell doon at bigla kong naalala ang ginawa namin ni Drake para iwanan lahat ng sakit na dinadala ko, bumili ako ng isa non at binigay ko kay Tom Andres.



"Isulat mo lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon diyan sa shell na yan, at magsulat ka rin ng isang kahilingan mo." Paliwanag ko sakanya, kinurot ng kung ano puso ko nang maalala ko kung sino ang nagturo saakin non. "May mapapala ba ako dito Marie?" Natatawang tanong niya saakin, kinurot ko siya sa tagiliran niya! "Aray!"



"Sundin mo nalang! Wala namang mawawala sayo kung gagawin mo diba?!" Bulyaw ko sakanya, huminga naman siya ng malalim at nagsimulang magsulat na, tinitigan ko siya habang nagsusulat at napangiti ako nang makita ko ang sensiridad sa mukha niya. "Pagkatapos ito ang glue stick at lighter. Idikit mo diyan sa pader!" Nginuso ko ang pader ng convenience store, napanganga naman siya sa sinabi ko sakanya."Umamin ka nga saakin Marie, ginawa mo ba 'tong kalokohan na 'to?" Kunot noong tanong niya, "Oo." Diretsong sagot ko sakanya, mariin niya akong tinitigan na para bang binabasa ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim at sumakay na ako sa kotse niya, kalokohan? Para saakin hindi kalokohan yon, dahil espesyal yung bagay na yun, kung hindi lang ako naaawa sakanya hindi ko ishe-share sakanya yan, dahil dapat saaming dalawa lang ni Drake ang bagay na yan.



Napansin kong dinidikitan na niya ang shell, marahan niya ring idinikit iyon sa pader bago sumakay. "Mukhang bad mood ah? Dahil ba yan sa period mo?" Pang aasar niya, hinampas ko naman siya! Humalakhak naman siya bago pinaandar ang sasakyan niya.




"Ohh, sinong may birthday?!" Usisa ni Tom Andres pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto namin ni Mateo, bumili kasi ako ng cake at may sindi ngayon ang kandila nito. Inimbita ko kasi siya, espesyal ang araw na 'to. "Dahil ba babalik na tayo s Pinas mamayang gabi?" Pang aasar ni Tom Andres saka dinutdut yung cake! Hinataw ko ang kamay niya! Napaka nitong lalaki na ito, oo uuwi na kami mamayang gabi dahil tapos na ang isang buwan na pagtatrabaho namin dito pero hindi lang yon ang dahilan.



"Ahh.. Sir.Tom, birthday po kasi ni baby Ria." Bulong ni Mateo, tinititigan ko ngayon ang tatlong kandilang nakatusok sa cake, napapangiti ako sa liwanag nito, kung nandito siguro si Ria, siya ang magboblow ng candles na yan. "Sino si baby Ria?" Usisa ni Tom Andres, tumingala ako. "Anak ko. Every year talaga binibilhan ko siya ng cake tuwing birthday niya.." Bulong ko, natahimik si Mateo at narinig ko nanaman ang pagsinghot singhot niya, hinawakan ko ang braso niya. "Bakla naman eh, bakit ba umiiyak ka nanaman." Suway ko sakanya, taon taon din umiiyak yan si Mateo. "Wala naman girl, masaya lang ako kasi kahit wala na si baby Ria mo, hindi mo pa rin kinakalimutan ang birthday niya." Maluha luhang sabi niya, "Wala na siya?" Biglang tanong ni Tom Andres, nginitian ko siya at tumango. Bigla namang lumalim ang tingin niya saakin, kaagad kong iniwasan iyon. Ibinigay ko nalang ang party hat sakanilang dalawa at nagsimula na kaming kumanta ni Mateo, nung simula hindi sumasabay si Tom Andres, pero nung tumagal ay narinig ko na rin ang malaking boses niya.



Pumagitna saamin si Mateo at inakbayan kaming dalawa ni Tom Andres saka tumungo. "One, two, three blow!!" Hiyaw ni Mateo at sabay sabay naming hinipan ang kandila. "HAPPY BIRTHDAY BABY RIA!" Hiyaw naming dalawa ni Mateo, pero napatigil ako dahil titig na titig saakin si Tom Andres.




Pagkatapos naming kumain hinatid ko na sa tapat ng elevator si Tom Andres. Medyo naiilang pa ako dahil yung mga titig niya parang nanlalamon nanaman. Hinarap ko siya at hinila ko siya sa gilid ng elevator. "Bakit ganyan ka makatitig?" Natatawang tanong ko sakanya, ngumiti siya at napahawak siya sa batok niya. "I..I don't know. P-pero you look different." Seryosong sabi niya, kumunot ang noo ko. "Bakit? Nag iba ba mukha ko?" Natatawang tanong ko, ngumisi naman siya at umiling. "No, I mean. Aish, ang hirap i-explain but when I look at you kanina, parang ang saya saya mo." Nauutal na pahayag niya, huminga ako ng malalim. "Masaya ako ngayon dahil birthday ng anak ko. Alam ko hindi ko pa nakukwento sayo lahat, pero ito ako. May anak na ako at nawala siya dahil sa tatay niya, masakit pero tanggap ko ng wala siya. Maaari ngang patay na siya, pero mananatili siyang buhay dito sa puso ko." Paliwanag ko sakanya, mas lalong lumalim ang titig niya saakin, napapikit ako nang halikan niya ang noo ko at niyakap ako. Sa loob ng isang buwan mas lalo kaming naging malapit ni Tom Andres, naging mabuting magkaibigan kaming dalawa, kung minsan isinasama na rin namin si Mateo sa mga lakad namin.



"I'm sure, masayang masaya si baby Ria dahil ikaw ang Mommy niya.." Bulong niya bago humiwalay ng yakap saakin, tinitigan niya ulit ako at napanganga ako nang magsalita nanaman siya.



"Para tuloy gusto kong maging ina ka ng mga magiging anak ko."


***

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!