Haaaay! But, nevermind. nakapagpasalamat na rin ako sa anak ng nagligtas sa amin at nakaginhawa na rin ako ng maluwag.

Bigla syang tumayo at nagpagpag ng pwet nya tapos tumingin sya sakin.

"Tour Me" nagulat ako sa sinabi nya pero di ko lang pinahalata. Tinignan ko lang sya habang nakakunot ang noo.

"I'm new here and its your responsible to tour newcomers in here." diretsong sabi nya habang nakatingin din ng diretso sa akin.

Abat! Sineswerte nga naman tong lalaking to.

Una ginawa akong Stalker, tapos ngayon gagawin nya naman akong Tour Guide nya?!!

Tinignan ko sya mata sa mata gamit ang cold eyes ko. Nakakainis talaga tong lalaking to.

Di naman siguro masama kung sasamahan ko sya diba? Tutal niligtas naman kami ng tatay nya.

Naglakad na lang ako at sya naman bumuntot sakin.

----------------------

Tinutour ko sya ngayon sa buong campus. Habang tinuturo ko yung mga rooms, tumatango lang naman sya at nananahimik.

Ganto ang magandang kasama, yung tahimik..

Di pareho nung Weaky na yun, masyado syang matabil. Isama mo pa yung kasapi nyang si Inigo.

"To your right, that's the gymnasium where our basketball court located and to your left thats our another gymnasium for the 2 volleyball courts." sabi ko sa kanya, Ito na yung pinakalast na spot na pinuntahan namin. sakto namang nasa Freedom Park kami ng School namin, malapit lang naman kasi dito yung Gymnasium namin.

Nakatayo kami ngayon sa gitna ng park at pinagmamasdan ang mga tao..

"Ui, teh! Ang pogi nung guy o!"

"Oo nga no? Pogi nya.."

"Girl, who's that pogi over there? OMG! He's So Gwapo!"

"I dont know girl.. Teka! Why kasama nya si Ms. Varsity Player?"

"Tol! Mukhang bagohan lang yung kasama ni Ms. Varsity Player nuh?"

"Oo nga eh, Bat magkasama sila? Diba di nasama yang si Ms. Varsity Player sa mga lalaki?"

"Boyfriend nya ata yan eh. Tsk. Pano na ko Tol? Sayang naman yung effort ko magpatangkad.!!"

Haaaay! Kumakalat nga naman yung mga chismosa dito sa campus. Bat ba kasi di pa umuupo tong lalaking to? Pinagmamasdan nya pa rin yung buong Freedom Park.

"Wanna sit?" sabi ko sa kanya. Umupo ako sa bench at umupo na rin sya.

Teka? Anong oras na ba?

Chineck ko yung wristwatch ko..

Gaaaad! 5 minutes na lang bago magtime.. Patay ako neto.

"I gotta go now. May klase pa ko" sabi ko sa kanya. habang nagmamadaling tumayo.

"Ok. Good Luck" sabi nya at tumayo na rin.

Tumakbo na ako papunta sa building namin at hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya kasi nagmamadali na talaga ako.

Matagumpay naman akong nakapunta sa room namin at umupo.. Mabuti na lang at wala pa si Prof.

[Kurt's POV]

Tsk. Tsk.

That Girl.

Baka madapa yun.

Di ko inaasahang magkikita kami ulit ha. Tss. As far as I remember, stalker ko sya. Akala nya siguro di ko sya nahalatang sinusundan nya ko.

Dapat galit ako sa kanya ngayon eh, kasi kung di dahil sa kanila nandito pa sana si Papa.

Kaya ako naging ganito, naging cold ako kasi ang papa ko ang bestfriend ko.

Pero nung nalaman kong matagal nya na pala kaming hinahanap para lang pasalamatan kami, biglang gumaan ang loob ko sa kanya, ang lahat ng galit ko sa kanila nawala.

Siguro, tama nga sina Mama na time na para tanggapin ang pagkawala ni papa.. Haaay.

Nagtampo nga ako sa kanya nung time na yun eh kasi akala ko kinalimutan nya na ko.

Napansin ko din kanina yung mata nyang walang reaksyon.

Siguro she's hurt. I can see Pain and Hatred on her eyes. Alam kong di lang dahil sa Daddy nya yan kundi alam kong may iba pang dahilan na bumabagabag sa kanya.

"Sir. Tapos na po yung papers nyo and bukas na daw po kayo magsisimula dito sa University." sabi ng secretary ko. Yup, may sarili na akong secretary kasi ako ang nagmamanage ng business namin dito sa Philippines at si Mama naman ang sa Korea. 35 yrs. old na ang secretary ko and may dalawa na syang anak.. Hehe. Tanda no?

"Ok. Lets Go." sabi ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad sa parking area habang ang secretary ko naman nakasunod lang sa akin.

Habang naglalakad ako di talaga maiwasan ang mga nagbubulungan sa gilid.

Di ko malimutan yung mga pinagbubulungan ng mga tao dun kanina sa Park habang kasama ko si?........Si?.........Sino nga yun? Di ko alam ang pangalan nya eh. Hehe. Pero Ms. Varsity Player ang tawag ata sa kanya dito kasi yun ang narinig ko kanina eh.

Pagkamalan ba naman kaming magboyfriend and narinig ko rin na hindi daw sya nasama sa mga lalaki.

She's a Man Hater? Hmm.

Sumakay na ako sa kotse ko at ang secretary ko naman ay sa sarili nyang kotse. Ngunit bago pa sya makasakay tinawag ko sya

"You remember the girl who toured me earlier?" napakunot naman ang noo nya. "The girl who I followed" sabi ko ulit sa kanya.

"Ahh, yung nakasalubong po natin kanina. Yung sikat na Volleyball player" sabi ng secretary ko na may patango tango pa.

"Yeah, that girl.. Search all informations about her. ALL" utos ko sa kanya. Diniinan ko talaga yung ALL.

"Copy that sir!" sabi nya.

Sinuot ko na ang shades ko at tinaas na ang windshield at nagsimula ng magdrive pabalik sa opisina namin.

-------------------------------------

Sorry po kung ngayon lang ako nakapag UD.

Ngayon lang kasi nagkaroon ng Net dito sa Romblon dahil kay Yolanda! T^T

Ms. Varsity Player ^^Where stories live. Discover now