Haha. Pero mahangin. Gwapo na sana eh, mahangin lang talaga.

Napailing na lang ako sa mga naisip ko.

Wala akong klase ngayon kase wala yung prof namin at heto ako naglilibot sa campus.

Makakasalubong ko yung Dean ng school namin, may kasama syang babae, siguro nasa 30's yung age tapos may kasama pa syang lalaki na nakatingin sa akin ng matalim at pamilyar yung mukha nya sakin.

I think I saw him somewhere.

Teka, si Kurt ba yun?

Si Kurt nga yun sigurado ako.. Yung mata pa lang nya, alam ko ng sya na yan..

Kaya pala pamilyar sya eh.

Biglang nagsmirk si Kurt sakin nung nagkasalubong kami habang ako naman ay nagpanggap na walang paki alam at nagkunwaring walang narinig.

Tsk. Ano bang problema nya?

Siguro pinaghihinalaan nya pa rin akong stalker nya? Tss. Nakakainis naman oh.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa likod ng school kung saan ako madalas magtambay at kung saan nakita ko si Weaky at yung girldriend nya.

Umupo ako sa bermuda grass at sumandal sa puno habang pinagmamasdan ang soccer team na nagprapraktis.

"Nice Place" nagulat ako dun sa boses at agad akong lumingon para tignan kung kanino yung boses na yun.

And to my surprise, it's Mr. Kurt Lee Fajardo.

Ang lalaking pasasalamatan ko.

"I know" sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa soccer field.

Umupo sya sa tabi ko pero medyo malayo sa akin.

Pasasalamatan ko na ba sya ngayon? o bukas na lang?

Eh kung bukas pa baka di ko na makita ang lalaking to at baka hahanapin ko nanaman ulit ito.

"Thanks" biglang sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa soccer field.

"For?" tanong nya naman sakin.

Kailangan ko naman atang mag explain neto.

"I know you and your father. Matagal ko na kayong hinahanap. I just wanna say thank you for saving us" sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa soccer field.

"O, thats the reason why you've been stalking me last Saturday Night. Ok. That explains everything." patango tango nya pang sabi. Iniinsist nya talagang stalker nya ko ha. Magsasalita sana ako kaso inunahan nya na ko.

"Say thanks to my father. I'm not the one who saved you" sabi nya sakin, napatingin naman ako sa kanya.

"Your connected to each other and he's not in here and thats the reason why i'm saying thank you to you." sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kanya at sya naman ay nakatingin pa rin sa field.

Bumuntong hininga ako at pinanood na lang din ang mga soccer players na nagprapraktis.

Habnag nanonood ako, bigla akong nagsalita.

"And this time, I wanna say thank you to you for comforting me during that time.. Siguro pag wala ka dun baka nagpanic na ko dun kasi nasa panganib ang pamilya ko but when I heard your comforting words, naramdaman ko na safe na ako." sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng hinawakan nya ang chin ko at iniharap nya ako sa kanya. Kinuha nya ang panyo nya sa bulsa nya at pinunasan ang pisngi ko.

Napaiyak na pala ako, di ko man lang namalayan.

Aigoo~~

"Okay" maikling sabi nya. Tsk. Pambihira nga naman tong lalaking to, sa kinahaba haba ng speech ko, OKAY lang yung magiging sagot nya? Salamat ha.

Ms. Varsity Player ^^Where stories live. Discover now