Chapter 1 - Fail Attempt

63 1 0
                                        

A/N:

Herro po! :3

Yups, alam kong may on-going story pa ko pero kasi kailangan ko talaga ito isulat. Nanyari po kasi talaga siya in real life so sayang naman kung hindi gagawan ng istorya at hindi maituloy. Putol po kasi ang kwento in real life :D Kaya kailangan ituloy dito, at gawan ng bonggang ending, bwahahahaha!

Anyway, short story lang po ito, ukie? Siguro maximum na kapag umabot ng 15 chapters :D

AJA, AJA, fighting!!!

-----

 Chapter 1 

--- Fail Attempt ---

[VEE's POV]

“Huy Sharmaine camera dali! Baka umalis na tong si kuyang pogi.. bilis camera!” Sabi ko habang niyuyugyog ko tong bff kong si Sharmaine. Ang bagal kasi kumuha ng camera, eh ang dami ng nakapila dito kay kuyang pogi na magpapapicture eh!

“Oo na! Pwede saglit? Hindi ko makita yung…. Nasaan na ba kasi.. kainis!”

“Yung ano? Yung camera? Harujusko naman! Ang tagal! Vince camera mo nga, peram dali”

“Ha? Wala akong dalang camera adik ka ba. Cellphone lang dala ko” ay badtrip! Baka umalis na tong si pogi na nagcocosplay eh. Waaaah kaylangan ko magpapicture sa kanya!

“Kahit cellphone dali peram!” atat na ko eh T_T

“Lowbatt.”

T_________T BADTRIP! MALAS!

“Sharmaine!!! BILIS!!! CAMERA!! Magpapicture na tayo!” hinila ko na siya papalapit dun sa kumpol ng mga babaeng naghihintay magpapaicture kay i-don’t-know-who-he-is-basta-pogi. Masikip. Mainit. Pero keri pa din.

Binigay ni Sharmaine kay Vince yung camera para makapagpapicture kaming 2 ni Sharmaine with this handsome dude. Buti nalang kasama namin si Vince at may taga-picture kami. Pero ang problema….

“Sabihin mo na!” Sabay palo sa akin ni Sharmaine sa braso. Halatang excited.

“Bakit ako? Ikaw na!! Bilis oh, baka umalis na siya!” Sabay tulak ko sa kanya ng mahina sa kumpol ng mga babae.

“Eh ikaw tong atat na atat kanina eh!”

“Anobanamanyan! Sige na sige na, ako na!” Oh em..

Lumapit ako sa kumpol ng mga fangirls netong cosplayer na poging to. Lumunok ng konti at huminga ng malalim. Nahihiya talaga ako, seriously. Pogi siya oo pero kita niyo naman yung dami ng mga babae dito. Baka imbis na matuwa ako, mapahiya pa ko -_-

Pero hindi naman niya ko kilala diba?

So what.

Carry on lang!

Nagpunta naman kami dito sa KPOP gathering to enjoy and have fun! And for sure pagkauwi namin mamaya, wala ng makakaalala ng mga nakakahiyang pinaggagagawa naming tatlo kanina.

Lakad.. forward.. lakad pa ng konti.. Aray! grabe naman tong mga babeng to! Nambubulya! Akala mo papatay ng tao, eh magpapapicture lang naman.

“Ang pogi pogi talaga ni Mir! Tao ba yan jusko kapoging nilalang!!”

“Oo! Grabe first time ko lang siya makita! Nakita ko na siya sa Facebook dati tapos alam mo ba inaccept niya yung Friend Request ko!! GRABE KAKILIG TALAGA!”

“Ay friend request lang? Ako nga kinausap pa niya sa comment eh! Mainggit ka!”

“So? Ano naman pake ko?”

“Wala.. iniinggit lang kita!”

“Ahhhhh ganun ah!!!”

Jusko po. Ang mga tao sa paligid ko… Ang mga tao sa paligid ko. Kumalma kayo please T_T Hindi naman siguro santo etong nasa harap ko or what diba. Pwede bang hinay hinay lang muna.

Hindi ako makalapit sa kanya dahil kasalukuyan pa siyang may kaakbay at nagpapapicture pa sila. Yung babae, bakas na bakas sa mukha niyang tuwang-tuwa siya. Si poging cosplayer naman, nakaakbay dun sa babae. Aba, magaling sa fanservice tong si kuya! Pogi na nga, umakbay pa :3

Puro “Waaaah si Mir” at “Ang pogi niya talaga! Geez” ang nairirinig ko.

 Ang dami ding mga babaeng may hawak ng digi cams at SLR nila at kumukuha ng stolen shots netong si cosplayer.  Humarap ako sa likod para tignan si Sharmaine at Vince at binigyan ko sila ng help-me-please look pero ang mga gaga, binelatan lang ako at kinindatan. Kainis talaga!

“Miss, excuse me nga” biglang may bumangga sa akin mula sa gilid ko. Isang babaeng medyo chubby at may hawak na napakalaking DSLR.

“Uh, sorry.”

Lumapit ako ng mas malapit pa sa kanya hanggang sa ako nasa hrapan ko na siya. Hinihintay ko nalang siya matapos dun sa nagpapapicture sa kanya at maaaya ko na siya magpapicture! SA WAKAS!

Sinenyasan ko na si Vince at Sharmaine na lumapit na sa akin dahil makakapag-papicture na din kami sa wakas dito sa sikat na cosplayer na to na hindi ko alam ang pangalan. Wait… Narinig ko kanina… Mir? Mir tama ba? Ah ewan ko basta pogi siya! Medyo nahirapan pa nga sila Sharmaine na lumapit sa akin at ilang nakakatakot na irap pa ang natamo ni Vince dahil puro fangirls lang ang nandito sa kumpol. Nagtataka siguro sila, LOL.

“Pagka-alis nung babae, kalabitin mo agad ah! Tapos ayain mo agad nang matapos na to!” Bulong sa akin ni Sharmaine.

1...

2…

3…

At naka-alis na yung babae!!!

At ako na ang susunod!!

Naglakad ako papunta kay Mir at saktong kakalabitin ko na dapat siya sa napaka-kintab niyang costume ngunit…

“Mir, make-up na daw. Malapit na daw kayo mag-perform. Backstage, ASAP.”

Biglang may lumapit na babae sa kanya na siguro na sa 30+ ang edad. Pagkasabi niya nun, napahinto agad ako sa kinatatayuan ko, pati na rin ang ibang mga babaneg naghihintay ay Mir.

“Okay. Bbye guys!! Thankyou!! Thankyou Ba--… Excuse me.. “ Kinaway-kaway niya yung kamay niya sa mga fangirls niya na naghuhudyat na aalis na siya. At ayun nga! Umalis na siya! Nahirapan pa siyang makalabas doon sa kumpol dahil ang dami ngang nagbabakasakaling makapag-papicture pa sa kanya.

"Malas." 

Kasalukuyan kaming naka-upo at nanunuod ng mga sumasayaw at nagpeperform na mga cover groups. Tulala. 

"Malas talaga."

"Ang tagal niyo kasi! Ayan tuloy umalis kaagad. Tsk tsk, mga kawawa!"

"Manahimik ka nga diyan Vince!! Kainis ka! Ikaw may kasalanan eh." Sabay palo ni Sharmaine ng bote ng tubig niya sa braso ni Vince. 

"At bakit ako?"

"wala lang," 

MALAS.

MALAS TALAGA.

BADTRIP.

It Started With A PICWhere stories live. Discover now