How we met

1 0 0
                                    

Grade 10 INTRAMS

Nakita ko siya nung grade 10 kami. Intrams ng school namin yun and player siya ng football. Ako wala naman talaga akong planong manuod noon kasi afternoon gaganapin lahat ng sports. E kaso pinilit ako ng mga kaibigan ko na manuod and since wala din akong gagawin sa bahay nanunuod ako.

Habang nag reready ang mga players na pansin ko na siya, bad boy look at grabe ang gwapo mga sis!! Sobrang gwapo ang lakas ng appeal niya saken. Nakakakilig shemay!! Tapos ayun napuno yung phone ko ng stolen pictures niya habang nag lalaro ang hot ateee!!

Pagkauwi ko, hinanap ko faceboook niya. And tama kayo ako ng add. Sempre tamang stalk ako, tas nakita ko konti lang mga pictures niya. Nag popost ako ng about sa kanya tas nilalike niya, edi parang sign yun na crush niya ko.

Tapos first sign ko kapag nakita ko siya kinabukasan sa school destiny ko siya. And guess what mga sis destiny kamii!! Ang swerte nga e nasa ground siya nun ako, wala namang planong dumaan ng ground kaso ang daming tao sa usual na dinadaanan namin so inikot namin palabas. Ayun nakita ko siya naka smile and holy shit ang gwapo talaga ng crush koo!!

Second sign is kapag chinat niya ko. Mga sis!!! Chinat akooooo!! I know kagagahan floodlikes ko ba naman siya e kahit older photo niya ni like ko para mapansin tas tinag ko siya isa sa mga post na nakita ko sa Facebook ayun, chinat ako at ang sabi? "Thank you sa fl" abay kinilig na si ako!! At least nangyari yung sign.

Third sign kapag nakita ko ulit siya, siya na si the one at titigil na ko kaka sign. Buong araw ko siyang hinanap nun. Dumaan na ko sa room nila pero wala siya e, paulit ulit pa kaming dumaan wala padin siya. Sa canteen din dumaan na ko sa cafeteria dumaan na din ang tagal ko pa nga mag lakad e, kaso wala. Hindi ko siya nakita. Hanggang pauwi na tumambay pa kami sa tapat ng gate at tinitigan isa isa ang tao pero wala padin mga sis.

So napag desisyonan na namin ng mga kaibigan ko umuwi na. Ayun umuwi kami. Kaso may nakakimutan yung kaibigan ko sa isa naming kaibigan na yung bahay ay malapit lang sa school. Ayun bumalik kami, habang pabalik kami nagkasalubong kami. Omgg nakita ko siyaa!! Nangyari ang sign at ang mas maganda pa naka smile siya. Hindi siya iba sken mismoo so nag smile ako pabalik!! Hays nakakakilig.

Paguwi ko nag post ako na nahanap ko na yung destiny ko haha ang eme ko. Tapos paulit ulit pa ko sa kantang lintik na pagibig, parang kidlat puso kong tahimik na naghihintay bigla mong ginulat.

After ilang weeks, hiphop competition. First set sila ng sasayaw kami second. Habang nagpapractice kami sila nag hahanda na kasi sila na yung sasayaw. Umalis ako saglit nun nag cr kasi para mag paganda.

Pagbalik ko nakita ko na hinila niya yung kamay ng isang girl at pinaupo niya sa lap niya. Inisip ko na wala lang yun, na parang eme lang, pasweet na kaibigan ganun.

Pero nakikita ko na pinupunasan niya pa ng pawis mga teh! So ayun, shut up na lang ako. Broken na ganun.

Confirmed GIRLFRIEND niya yun.

Kakasagot lang sa kanya nung girl ngayong araw. Bagay sila, maganda't pogi abay bagay talaga.

Pagka graduate namin, sinabi ko sa sarili ko na nasa sti ang totoong destiny ko.

GRADE 11 first day of class

Naka graduate na ko lahat lahat. Makikita ko padin pala siya. Pareho kami ng napiling school na pag aralan itago natin sa pangalang sti. Hahaha ayun sa sti kami. Same na same pa kami ng time schedule pati vacant same. Edi lagi ko na naman siyang nakikita. Tapos kaibigan niya pa yung mga bugok kong kaibigan edi alam nila na crush ko si Res. (Yan na lang tawag natin ok?)

Dumadaan ang mga araw na hanggang tingin padin ako kasi nga mga teh may jowa ang lolo mo. Edi tamang pictures lang ako sa kanya kapag ang hot niya sa damit niya tamang ngiti lang kapag napapalapit sa sken.

Isang araw binalita saken ng kaibigan ko na classmate niya na break na si Res and Rely (code name natin sa girl) nakipag break daw si Resty kasi niloloko na lang siya nung girl. Magkaiba kasi sila ng school e. Ayun broken si Res, pero gwapo padin.

Tapos this August nag ka roon ng himala. Napansin niya koooo!!! Wooooot!!!

Nagpapicture siya saken dahil inaasar nila yung kaibigan nila na nililigawan ako na binasted ko lang. Ayun kahit trip lang may pictures na kami. Heart heart mga sis.

Tapos pagkauwi ko gusto niya na daw akong ligawan which is sabi lng ng friends ko.

Kinabukasan after ng practice namin hinintay ko muna yung mga bros ko. (Mga bros kaibigan ko na classmate ni Res) nauna na tapos yung practice namin so hinintay ko sila. Tapos aba ang mga loko pinagtabi kami ni Res at doon sinabi ni Res na liligawan niya ko. Ganto pa ang pagkakasabi mga ateee.

"Liligawan kita." Ako speechless. "Liligawan kita, hindi yan tanong kaya hindi kailangan ng sagot."

Edi aarte paba?

AND THIS STORY IS ABOUT MY REAL EFFIN LOVE STORY NA EWAN KO KUNG FAILED OR EWAN.

IKUKWENTO KO DITO ANG MGA PANGYAYARI SAMIN, WALA AKONG MAPAGSABIHAN E. SANA SUBAY SAYAN NIYO KO AT PAYUHAN HINDI PAKYUHAN.

love,
like

My everyday story with himWhere stories live. Discover now