WYBHBM ~~ EPILOGUE

Magsimula sa umpisa
                                    


Ang masasabi ko tungkol sa tunay kong ina ay puro magagandang katangian. Wala akong maipipintas sa kanya. She's lovely inside and out. An epitome of a good and loving mother. Napakaswerte ko na magkaroon ng nanay na tulad nya.


Lagi kaming nag-uusap, nagkwekwentuhan ng kung anu-ano. Walang araw na hindi kami nag-ba-bonding. Masaya ako dahil sa wakas, nararamdaman ko na ang kalinga ng isang ina.


My biological father's name is Jared. A protective but loving father. Tahimik lang si Daddy at laging seryoso. Nung una,natatakot ako sa kanya dahil baka isang oportunista o manloloko ang tingin niya saken. Pero noong araw na siya na mismo ang lumapit saken, nawala ang pag-aalinlangan ko. That was the first time I saw him cry. He apologize for being so careless. Kasalanan daw niya ang matagal kong pagkakawalay sa kanila. Pero agad akong kumontra, hindi niya kasalanan iyon. Hindi ko din naman masisisi ang kahit na sinong miyembro ng pamilya ko dahil hindi naman din nila ginusto ang lahat ng nangyari.Hindi din naman kasalanan ni Dad kung bakit may mga masasamang tao.


Ang mahalaga nakabalik ako sa kanila.


Nagpapasalamat na din ako sa mga tunay kong magulang dahil hindi sila nawalan ng pag-asa na makikita pa nila ako. Hindi sila nag-alinlangan na iparamdam sa akin ang buong pagmamahal nila. Nagpapasalamat din daw sila sa taong nagligtas at nag-aruga sa akin. Hindi na sila nagsalita tungkol sa pagtatago ni Papa ng katotohanan. Wala din naman akong maramdamang sama ng loob kay Papa dahil pinalaki naman nya ako ng tama at kahit hindi ako lumaki sa karangyaan, natutunan kong maging kontento at masaya. Siya ang tumayong ama at ina ko kahit hindi naman nya ako tunay na anak. Doon palang, sobra-sobra na ang dapat kong ipagpasalamat sa kanya.


Narealize ko din na masaya ang magkaroon ng malaking pamilya. Ang magkaroon ng mga 'kuya' na sobrang istrikto at minsan nakakainis na ang pagiging dominante pero mararamdaman mo na mahal na mahal ka naman nila ako. Feel na feel ko na din ang pagiging ate ko. Kung meron man akong masasabi, siguro request na lang para magkaroon ako ng kapatid na babae. Lahat kasi ng kapatid ko ay lalaki. Sobrang namangha nga ako ng malaman ko na may kuya akong kambal. Si Kuya Harren at Kuya Hale. Kambal sila pero hindi naman magkamukha at mas lalong hindi magkaugali. Maliban sa parehas sila ng edad at apelyido, parehas din silang gwapo. Yun lang ata ang common sa kanilang dalawa eh.


Isa pang kuya ko ay si Arqus. Ayaw niyang magpatawag na 'kuya'. Okay na daw ang 'Arq or Arqus' total magkalapit naman daw kami ng edad.


Ang bunsong kapatid ko ay si 'Harvs' short for Harvy James. Napakatahimik. Minsan di ko na maintindihan although I find him sweet in his own way. Minsan kasi bigla na lang siyang magbibigay ng kung anu-ano, mostly chocolates and bears. He calls me 'ate Heaven'. Even my parents call me by my true name. Ang mga Kuya ko lang ang tumatawag saken ng iba't-ibang endearments like 'princess'. I didn't mind.


No one calls me 'Heira'. Nakakamiss din pala ang matawag sa dati kong pangalan. 'Heaven' naman talaga ang pangalan ko kaya wala naman akong reklamo kung tatawagin ako ng pamilya ko sa pangalan ko na iyon.


Ngayong araw, pormal akong ipapakilala bilang Lincoln. Dapat maging masaya ako pero . . .tama nga bang maging masaya sa lagay ko ngayon?


Muling bumalik ang lungkot ,natabunan ang saya ko sa aking pamilya ng maalala ang aking kalagayan.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon