Dilim

62 11 1
                                    

Dilim

- malungkot na katotohanan, hindi malinaw, hindi sigurado, kawalan ng pagsalig, salimuot, itim, misteryoso

.

.

.

.

.

Nasa langit na ang buwan. Rinig na rin ang mga tunog ng kuliglig at mga ibon na kung gabi lang gumigising. Malamig ang simoy ng hangin. Pati ang mga dahon at sanga ng mga puno ay nakikisabay sa direksiyon na pinupuntahan ng lamig. Parami na ang mga lamok na animo'y pinag-piyestahan ang bata na halos kasing-tangkad ng damuhan sa paligid.

"Tatay, bakit po may ganiyan?" Sabay turo ng bata sa isang bahagi ng gubat na may mga bakod na gawa sa pinag-sama samang kahoy.

Mabilis na ibinaba ng ama ang kamay ng anak. Hinigit siya nito at tuluyang nag-lakad papalayo sa lugar. At ng makalayo, nilebelan nito ang anak. Niyapos ang mukha at inayos ang buhok.

"Ipangako mo kay Tatay na huwag na huwag kang pupunta sa lugar na 'yon."

Kumunot ang noo ng bata. Hindi maintindihan ang sinabi ng ama. "Bakit po?"

Marahang tumingin ang ama sa mata ng anak. Desidido sa sinasabi na maaaring ikapahamak ng bata. "Delikado...basta ay hindi tama ang isinisigaw ng lugar na 'yon."

Tumingin ang bata sa tinahak nilang daan kanina. Kahit na hindi na niya nakikita pa ang naka-barikadang lugar na iyon ay malinaw ang pwesto sa kaniyang isipan. Babalik siya. "May nakatira po ba doon?"

Matagal bago mag-salita pabalik ang ama. Naiisip niya ang binabalak gawin ng bata. Hindi niya 'yon nagustuhan. Lingid sa kaalaman ng anak ang madugong katotohanan sa lugar na iyon. Ayaw niya itong i-kwento dahil sa musmos pa nitong edad.

"Alisa, ipangako mo kay Tatay." Seryoso nitong saad.

Itinaas ng bata ang kaniyang kaliwang kamay. Ibinaba ang lahat ng daliri maliban sa hinliliit.

"Pangako, Tatay." Ngumiti ang bata. Binuhat siya ng ama at pinaliguan ng halik sa noo. Umuwi sila sa kanilang tahanan na malapit sa bukid. Sinalubong sila ng kanilang ilaw ng tahanan. Masayang kumain ng hapunan at hindi na pinag-usapan pa ang barikadang lugar.

.

.

.

.

.

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime.

All rights reserved.
- Wondierektion

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Nov 22, 2021 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

DilimOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz