"Tsk. Don't mis understood everything. This is just a normal dinner." Then Jin rolled his eyes tsaka nauna nang maupo kaya naman naupo na din si Anya.

"Ganito pala magdinner ang mayayaman.." sinakyan nalang ni Anya ang trip ni Jin. Grabe lang. Napaka bipolar ng isang to.

Wala silang kibo hangang sa matapos silang kumain. Tumayo nalang bigla si Jin at pumunta sa kwarto. Agad din syang lumabas na may bitbit na towel at damit. "Magshower ka na, ipapaligpit ko nalang yan." Natulala pa saglit si Anya pero sumunod na din sya sa ipinapagawa sa kanya. Hindi nya inaasahan ang damit na ipinasuot sa kanya ng boss nya. Isa iyon tshirt at pajama. Sobrang layo sa kulang sa relang maid's uniform na ipinasuot sa kanya noon. Napangiti pa si Anya bago lumabas ang bathroom. Nagulat pa sya nang paglabas nya ay naka abang lang pala ang boss nya.

"Go straight to my room.." grabe sobrang lapit ng mukha ni Jin sa kanya, muntik na syang mabuwal sa sobrang husky ng pagkakasabi nito. Namalayan nalang nya na wala na ito sa harapan nya. Pumasok na ito sa bathroom para magshower. Malinis na ang paligid. Napalinis na siguro ng boss nya. Tanging yung tequila nalang ang naiwan kaya kumuha sya ng baso ang inistraight nya iyon. Shet lang kailangan nya ng pampalakas ng loob. Dinala nya ang buong bote ng tequila sa kwarto ni Jin. Pagkatapos ay binuksan nya ang tv. Panay ang lipat nya sa hanggang sa narinig nya ang isang pamilyar na boses. Napatitig sya sa tv screen. Hindi sya maaring magkamali.

(Heartless by The Fray)

*In the night I hear 'em talk,

the coldest story ever told

Somewhere far along this road

he lost his soul

To a woman so heartless*

Si Damien! Si Damien nga ba? Pero hindi naman kumakanta si Damien dati! Ang alam ni Anya mas gusto nito ang pagda-drums! Pero sobrang ganda pala ng boses nya.

*How could you be so heartless?

How could you be so heartless?

How could you be so cold?*

Nakakatunaw ang titig nito. Kahit nasa tv lang pero dama ni Anya ang mga emosyon nito na tila nakatitig din sa mga mata nya.

*As the winter wind when it breeze

yo, just remember that you talkin' to me though

You need to watch the way you talkin' to me though

I mean after all the things that we've been through

I mean after all the things we got into

Yo, I know of some things that you ain't told me

Yo, I did some things but that's the old me*

Ewan ni Anya pero ang weird ng pakiramdam nya. Sobrang nakamove on na sya ang tagal na kaya! At isa pa itong lalaking ito ang dahilan kaya nawala ang virginity nya dahil na din sa katangahan, but anyway, past is past.. there is nothing we can do to change the past. Ang importante ang present and future, so far alam na naman ni Anya ang present nya, sana lang pati future sya na din. Napatungga ng alak si Anya sa bote ng tequila sa naisip.

"Singer pala sya.." halos mabuga ni Anya ang ininom na alak nang biglang magsalita si Jin. Kailan pa sya nakapasok sa kwarto.

"Ngayon ko lang din nalaman.." alanganing sagot ni Anya. Kinuha naman ni Jin ang bote ng alak at lumagok din doon.

"Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakamove on sa kanya kaya ka umiinom?"

Natawa pa si Anya.. "boss ilang taon na ang nakakaraan..dahil nga dyan sa hayup na yan kaya nawala ang virginity ko eh. Buti nalang ikaw ang nakakuha..sobra kong iniingatan yun! Swerte mo kaya!"

"Talaga? Eh bakit ka umiinom?" Inis na tanong ni Jin.

"Ang cute mo kasing magselos boss.." wala sa sariling sabi ni Anya. Tumayo pa sya at inilambitin ang magkabilang braso batok ni Jin. Ayan lumakas na nga ang loob nya. Salamat sa tequila.

"Ako?! Bakit ako magseselos?" Maang ni Jin na sinalo ang bewang ni Anya ng isang kamay habang hawak naman ang bote ng alak sa isa pang kamay.

"Ewan ko? Bakit nga ba?" Sinalubong ni Anya ang mga tingin ni Jin.

"Tsk..Stop saying non sense.." kumalas sa pagkaka-kapit si Anya.

"Fine.. uuwi na nga ako."

"Subukan mo. I'll kill you.."

"Patay agad?"

"Ano ba nakalagay sa card kanina?" Ang card sinasabi ni Jin ay yung nasa flowers.

"Akala ko ba hindi yun para sakin?" Ganting tanong ni Anya.

"Aisshhh! Ang kulit! Umuwi ka na nga!" Inis na sabi Jin pero nang paalis na si Anya sa harapan nya ay agad naman nya itong hinila at siniil ng halik.

"That is insubordination Antonia. Now, face your punishment.." he said while smirking. Tinungga ni Jin ang tequila..Then again he claim her lips..

To be continued...

A/N: sobrang gusto ko pa sana talaga magtype ng kasunod nito kaso kulang talaga sa time kaya sensya naman! Lol..

Nga pala baka magkaron ng meet up before xmas ^0^

Follow me on twitter!

Thanks!

Mudrakels,

Shey

It's Him! My Jerk Boss!Where stories live. Discover now