Chapter 4

3.4K 73 3
                                    

Blanko ang isip ko nang makarating ako sa tapat ng malaking bahay ni Itay. Nilingon ko pa si Samuel sa hindi kalayuan na nakangiti pang kumaway sa akin kaya napayuko na lamang ako at buntong hiningang pinindot ang door bell.

Galit na mukha ni Inay ang sumalubong sa akin at hindi pa man ako nakakapasok ay hinawakan na niya ang buhok ko at marahas akong kinaladkad papasok sa malawak na bakuran.

"Malandi ka! Saan ka nang-galing!" Napapikit na lamang ako at tinanggap ang mabigat na kamay ni Inay na may hawak na sinturon na tumatama sa katawan ko. Tahimik akong lumuluha at hindi na ininda ang anumang masakit sa akin.

Kinabukasan ay parang walang nangyari sa akin, pumasok parin ako sa school kasama si Paulyn na tahimik lamang sa tabi ko. At kahit na mainit ang panahon ay nakasuot parin ako ng jacket dahil sa mga pasang natamo ko kagabi.

Umakyat kami sa building kung saan ang classroom namin at tahimik na naupo sa upuan na nakalaan sa amin. Kinuha ko sa bag ko ang ilan sa mga libro ko at pinatong sa armchair saka sinubsob ang mukha ko doon dahil sa antok na nararamdaman ko, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako at nagising na lamang sa mahihinang tapik ni Paulyn.

"Sapphire..."

Iniangat ko ang ulo ko at kinusot ang mga mata ko saka tinignan siya.

"Umuwi na tayo, walang klase ngayon dahil may faculty meeting." Aniya kaya tumango ako.

Pinapanuod niya lamang ako habang binabalik ang ilang libro ang bag ko saka sabay kaming tumayo ng matapos ako at lumabas sa classroom. Kapwa parin kami tahimik hanggang sa makalabas ng building.

"May problema ba, Pau?" hindi ko maiwasang itanong sakanya. Napatigil naman ito at mataman akong tinignan sa mga mata na ikinatakha ko.

"Bakit?"

"Nakita kitang sumama kay Samuel, Sapphi. Bakit mo iyon ginawa kahapon? Ang akala ko ay kakausapin mo lang siya kung pwede niya tayong tulungan."

Natigilan ako at inalala ang nangyari kahapon. Kung paano ako napapayag na sumama kay Samuel, nang ikwento ko sakanya ang buhay namin sa poder ng mga sindikato at ang nangyari sa amin. Hindi ko maintindihan kung papaano ako bumigay sakanya ng ganon kadali at pagsisihan ko man ay hindi na iyon maibabalik pa.

Napabuntong hininga ako at tinignan siya pabalik, "Kailangan kong kuhanin ang tiwala niya, Pau."

"Para kasing may mali, Sapphi."

"Anong mali?"

Hindi siya nakasagot at nagpalinga-linga hanggang sa hawakan niya ako sa braso at mabilis na naglakad. Sinabayan ko na lamang siya hanggang sa mapahinto ang mga paa ko dahil biglang lumitaw sa harapan namin si Samuel. Seryoso itong nakatingin sa amin na hindi ko maintindihan kung bakit.

"Sapphire halika na," bulong sakin ni Paulyn kaya napalingon ako sakanya.

Tinitigan ko siya at tila hindi siya mapakali dahil nasa harapan namin si Samuel.

"Mag-usap tayo, Sapphire." seryoso namang wika ni Sam sa amin. Nagpalit-palit ang tingin ko sakanilang dalawa saka bumuntong hininga.

"Uuwi na kami, Samuel. Sa susunod na lang." Sabi ko saka bumaling kay Paulyn na hindi mapakali. Hindi ko na siyang hinintay magsalita at tumalikod na. Hanggang sa makasakay kami sa van na magdadala sa amin sa Mansyon ay tahimik lamang si Paulyn.

"Ano bang nangyayari sayo?" Agad kong tanong nang makapasok kami sa kwarto namin.

"Nakita ko kayo kagabi ni Samuel, Sapphire, nang ihatid ka niya at nakita ko din na kinausap siya ni Itay! Malakas ang pakiramdam ko na kasali siya sa sindikato. Maling tao ang hiningian natin ng tulong!"

Sapphire's Obsession (Precious Ladies Trilogy #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon