Scar One.

55.8K 726 67
                                    

Naglalakad kami pauwi sa bahay nang magkahawak ang kamay pero hindi nag-uusap. Dati rati naman naming ginagawa ‘to pero ngayon, LQ na naman kasi kami. 


"Bebs naman kasi eh, nakita mo namang may ginagawa pa kami eh. Sana nauna ka na lang." Reklamo ko kay Trick. Eh kasi naman, gumagawa kami ng case study namin sa bahay ng isa kong kaklase at sumama itong si Trick. Kaya lang, atat namang umuwi.

"Ano ba, Trick! Kainis naman ’to eh. Nakakahiya sa groupmates ko. Ish." Sabi ko ulit habang pinipilit kong tanggalin yung napakahigpit na hawak ni Trick sa kamay ko.

"Oh ayan! Sige, bumalik ka na don. Sorry ha. Gusto ko lang namang magpaalaga. Masama po kasi pakiramdam ko. At gusto ko sanang girlfriend ko po ang mag-alaga sa akin. Sige na, pasundo ka sa groupmate mo. Uwi na ko. Bye." Sagot naman ni Trick. Nakakainis. Hindi ko tuloy alam kung sa kanya ako maiinis o sa sarili ko eh. Bwisit.


Nagwalkout naman siya agad. Ano pa nga bang magagawa ko kundi sundin siya. Napakamatampuhin talaga nitong boyfriend ko. Hay.

"Bebs! Uy!" Sigaw ko habang hinahabol si Trick.

"Eto naman oh, Beeeee *ubo ubo*…eeebs!" Sigaw ko pa rin kaya lang medyo namaos ako kaya natigil ako sa pagsigaw. Ayun ang boyfriend ko, hindi ko alam kung babatuhin ko na ng sapatos sa sobrang layo at tinatawanan lang ako.


"Ikaw! Anong masama ang pakiramdam ang sinasabi mo dyan ha?!" Sigaw ko sabay hawak sa noo at leeg niya.

"OMG! Bakit ang init mo?! Bebs naman eh. Halika na nga, uwi na tayo!" Sabi ko at hinila ko na siya agad pauwi sa bahay nila. Ganito naman kasi talaga si Trick eversince. Hindi nagsasabi kung anong nararamdaman. Alam niyo naman diba. It took him years bago umamin. Kahit ilang years na kaming magkasama, hindi pa rin talaga siya agad nagsasabi ng nararamdaman niya.

Pagdating namin sa bahay ni Trick, inasikaso ko naman agad siya. Syempre, girlfriend eh, pero feeling nanay naman. Anong oras pa lang din naman kasi at wala pa sila Tita kaya yung kasambahay lang din yung andito.

"Bebs, matulog ka muna dyan ha. Dito lang ako, at magreresearch. Para kahit inaalagaan kita, nakakatulong pa rin ako sa groupmates ko. Online nga lang." Sabi ko kay Trick habang kinukumutan siya. Lamig na lamig eh. Kung pwede ko lang siyang yakapin muna, kaya lang kasi, nakakaguilty na umuwi ako agad eh yung groupmates ko, gumagawa ng case study naming.

"Bebs, dito ka na lang sa tabi ko please? Please?" Pacute naman na sabi ni Trick habang tinatapik yung space sa tabi niya.

Broken Arrow Season Two: BAND AIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon