"Marunong ka pa sa akin," malungkot na sabi ko at bumalik ulit ang tingin ko sa halaman.
"Kesa naman mapunta siya sa iba 'di ba?"
"Pabayaan mo siya. Kung doon siya nakatakda. Eh di, doon!"
"Kaya mo?" panghahamong sabi nito.
A big NO!
"Oo naman!" pagsisinungaling ko dito.
Bigla kong naisip. Kung magkakaroon na si Axel ng girlfriend, ibig sabihin may nililigawan ito at hindi ako yun! I should forget about this damn feeling. I should entertain someone who will come along. Pero ang tanong, kaya ko ba?
Pagkatapos naming mag-usap ni Jade at nang makauwi na ito, agad akong pumunta sa kwarto ko. Para akong timang na nakatulala lang at pabiling biling sa higaan ko. Minsan pa, naglalakad lakad din ako. Nang mapatingin ako sa cellphone ko ay agad ko iyong dinampot. Nahuli ko nalang ang sarili ko na nagtatype ng message for Axel.
To: Axel
Hey!
Agad naman itong nagreply.
From: Axel
Yep?
To: Axel
Can you open a topic?
From: Axel
About what?
To: Axel
Anything.
From: Axel
Why?
To: Axel
Hmp. Nothing. Tell me about your lovelife nalang.
From: Axel
Bakit?
To: Axel
Interesting.
From: Axel
How?
To: Axel
Dami mong tanong.
From: Axel
Haha. I only had three past relationship.
To: Axel
Aware na ko dun ee !
From: Axel
Haha. I'm inlove.
To: Axel
Okay.
From: Axel
K.
Loka! Itanong mo kung kanino? Sino yung babaeng tinutukoy niya?
''Ayoko nga! Tapos ano? Kapag nalaman ko yung name girl ay ipapakulam ko? O kaya ipapa-salvage? O ipa-gang rape o buhusan ng likido?! Ilibing ng buhay? Litsunin? My gosh ! Di nalang. Baka itakwil na ko di pa man din ako nakakarating sa gate ng langit!" sagot ko sa isip ko. In short, kinakausap ko sarili ko. Lakas maka-selfpity ng drama ko.
Linggo ngayon, non-working holiday para sa akin. Bukod sa day off,wala rin akong pasok tuwing linggo. Kung hindi panonood ng TV o pagsa-soundtrip, tiyak pa sa malamang na nasa loob ako ng aking kwarto. At iyon nga mismo ang ginagawa ko sa mga oras na ito. Hanggang sa kumatok si Mommy.
"Claire, naandiyan si Gino. Ikaw ang sadya."
"Ahm ok mom. I'll go downstairs na po. Just tell him to wait," sagot ko naman kay Mommy at hindi na din naman nagtagal si Mommy. Umalis na din ito matapos mangamusta.
Sa tutuusin, iyong araw na iyon na ang huli naming pagkikita ni Axel. Mag-iisang linggo na din ang nakalipas. Hindi na din kami nagkakatawagan o text man lang. Wala man lang ni HA o HO.
Kaya nitong huli, si Gino nalang ang lagi kong nakakausap especially after my job. Nasabi nito sa akin minsan na nag-aapply palang ito ng trabaho.
Pagkababa ko, nadatnan ko itong nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo. Napatayo ito pagkakita sa akin.
"Pasensiya ka na hindi na kita na-text. Nakaistorbo pa ata ako," hinging paumanhin nito at ibinaba sa lap ang hawak na diyaryo.
"No, it's ok. Actually kanina pa nga ako naboboring eh!"
YOU ARE READING
WRONG SEND (For editing)
Teen Fiction" KAPAG NAWRONGSEND AKO SAYO , MAAARiNG NAMiSS KITA O SA MAS MADALiNG SABi MAHAL NA PALA TALAGA KiTA :) " Kapag nawrong send ako sayo , ibig sabihin MAHAL KiTA :) that was exactly the text message that I received, reason for me to get inspired and w...
Chapter 4
Start from the beginning
