'Makapang-asar ka ah! Bakit may girlfriend ka ba?" nanghahamong tanong ko.

"Wala."

"Kita mo na. Mang-asar ka kapag meron ka na!"

"Pikon," dumila pa ito sa akin at humalakhak ulit. Okay, sabi ko nga. Baliw din si Axel. Hay. Umismid nalang ako dito.

"Umuwi ka na nga!" pagtataboy ko. Mahirap na, baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili kong pikutin ito. Mapatunayan na hindi pagiging old maid ang future ko.

Maya-maya ay nagpaalam na din itong uuwi na. Ibabalita pa daw nito sa family nito ang balita about his work. Mas nauna pa kasi nitong sinabi sa akin kesa sa family nito.

Nang palabas na ito sa gate, lumingon pa ito sa akin at may pahabol na sinabi.

"Basta, malapit na akong magka-girlfriend. Hanap ka na!"

Natigilan naman ako sa sinabi nito. Bigla akong nanlumo. Parang biglang gumuho ang mundo ko.

"A-ano kamo?" nauutal na tanong ko.

"Secret. Bye!"

Sa inis ay dumampot ako ng bato at binato ko ito. Tawa naman nang tawa ang mokong. Ang sarap tuloy pumatay at tumiris ng insekto! Sinong babae :kaya yun? Ipapapak ko kaya sa surot? Okay. Bad idea.

"Anong minumukmok mo diyan?" tanong ni Jade ilang minuto ang nakalipas. Hindi ko namalayang bumisita pala ito. Paano, nakayuko lang ako dito malapit sa isang paso sa terrace.

"Ha?"

"Di ka ba naaawa diyan sa halaman? Balak mo pa atang kalbuhin?"

"Ah. Wala lang," malungkot na sabi ko.

Tinabihan ako nito.

"Huu, Anong problema?"

"Wala naman."

"Imposible. Kilala kita."

'Wala nga."

"Bahala ka diyan. Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi."

Patuloy pa din na pangungulit nito sa akin.

"May nililigawan na ba si Axel?" out of nowhere na tanong ko maya-maya.

Mukha namang nabigla si Jade sa tanong ko at tumawa pa.

"Yun lang ang dahilan ng pagmumukmok mo?"

"Eh ano naman?"

"Edi inamin mo din."

"Hmp. Meron nga ba?"

"Aba ewan ko. Kayo 'tong close eh. Saka ano namang masama dun?"

"Wala naman."

"Akala ko ba crush mo lang. Bakit affected ka?"

"Hindi noh! Nagtatanong lang eh!"

"Umamin ka na kasi. Wala namang mawawala eh."

"Eh hindi nga kasi."

"Hindi nga ba? O baka naman di mo maamin sa sarili mong higit pa sa crush yang nararamdaman mo?"

Kung makapagtanong si Jade, akala mo totoo. Masyado kasing seryoso eh.

Siyempre aminado ako!

"Alam mo best, kung ako sayo aminin mo na. Kahit wag na sa akin o sa iba. Sa kanya nalang," anito at napatingin ako dito. Nakatingin ito sa akin at halatang sincere si Jade sa suggestion nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Confess what you really feel. Confront him."

Hay. Kung madali lang sana ang sina-suggest ni Jade. Palibhasa, napakadaling sabihin. Ang hirap naman gawin.

WRONG SEND (For editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ