"They're officially ON!" sabi ko at in-emphasize ang salitang ON. Tumingin ako kay Axel at malapad ang ngiting ibinigay ko dito. Hindi ko naman malaman kung tama bang tumingin ako dito. Paano? Nakatingin din ito sa akin at nagkatitigan kami. Wah! Ang lapit lang ng mukha namin sa isa't-isa.

"So?" tanong nito sa akin at nakatingin pa din sa akin. Urgh. Ang puso ko. Sumimangot nalang ako kunwari at inalis ang pagkakadantay at sandal ko dito. I crossed my arms and lean on the sofa. Ginawa ko lang ito para di mahalata ni Axel na distracted ako.

"Nevermind," napasimangot ako lalo.

"Arte naman," nakangiti at malambing na sabi nito. Kinurot nito ang tungki ng ilong ko. Maging ang buhok ko ay hindi din nito pinalagpas. Ginulo kasi nito ang buhok ko na parang isang bata.

"Kasi naman! Wag mong guluhin buhok ko!" palag ko kunwari pero ang totoo, kilig na kilig na ako sa ginawa nito. Natawa naman si Axel sa akin.

"Mas maganda ang sasabihin ko," nakangiting sabi naman nito sa akin kalaunan.

"Ow?"

"Oo nga."

"Ano naman yun?"

"Tanggap na ko sa firm na inapply'an ko," malapad ang ngiting sabi nito. At ang galak nito ay kitang kita abot sa mata nito. This time, gulat na gulat naman ako sa ni-reveal nito. Hindi ko din malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Halo-halo. Parang yung nabibili sa mga tindahan. Joke.

"Paano?! Bakit?!" malakas na tanong ko. Imbes magulat si Axel sa ginawa ko ay natawa pa ito.

"Simply because I passed the board exam then nag-apply nga ako. That's it! Success naman."

Nang magsink-in na sa akin ang sinabi nito, nagtitili ako at hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin si Axel. Hahalikan ko pa sana, kaso tinamaan ako ng hiya. Chos.

"Whoa. Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Wala lang."

"Ikaw talaga," masayang sabi ko at pinisil ang pisngi nito. Tumingin sa akin si Axel at nag-eye to eye contact ulit kami. Nandito na naman ang isang nakakaaddict na pakiramdam. Parang kilalang kilala na ng sistema ko ang ganitong feeling kapag nasa malapit si Axel.

Maya-maya, nahuli kong ngumunguso si Axel sa harap ko. Nagdodoble ang pagririgodon ng puso ko. Wah! Eto na ba iyon? This is it, pansit! Pipikit na sana ako para magready kaso naramdaman kong bigla nitong hinipan ang mata ko.

"Ay! Ano ba naman yan?!"

"Baka kasi mapuwing ka na. May dumi ba ang mata ko?" anito at humalakhak.

"Heh!"

"Sungit."

"Hindi noh!"

"Bakit ang sungit mo?" anito at nakipagtitigan ulit ito sa akin. Magkaharap na naman ang mukha namin.

"Hindi nga."

"Hindi daw?" tinaas taas nito ang kilay at ngumiti. Napapalunok nalang ako.

"Hindi naman talaga," sabi ko at nag-iwas nalang ng tingin dito.

"Alam mo kung bakit ka masungit?"

"Ewan ko."

"Kasi malapit ka nang maging Old Maid."

"Excuse me! I am only 21 years old."

"The question is, MAY MAGKAKAMALi BA?" nanghahamong sabi nito. Tinignan ko ulit si Axel.

Oo! Kaso dapat ikaw!

"Siyempre," nakangising sabi ko.

"Ows?!"

WRONG SEND (For editing)Where stories live. Discover now