Pameywang itong naglakad palapit sa amin hanggang sa makahinto kung nasaan kami.
"Hindi ka sumasama sa amin pero nakikipag-usap ka naman sa kanya," Tukoy nung babaeng iyon sa akin habang na sa likuran niya 'yung dalawa niyang kaibigan. "Hindi ka ba nag-alala na baka mamaya, ma-fall siya sa 'yo kasi baka akalain niyang interestado ka sa kanya?"

Hindi ako umimik. Wala naman na 'tong kaso sa akin dahil hindi na 'to bago.
Pero kung iisipin, bakit nga ba ako kinakausap ni Orange?

At bakit kung tingnan niya 'yung babae sa harapan niya, handa na siyang sumabog?
Bakit mo ginagawa 'yong ganyang tingin?

Tumayo 'yong tatlo kong kaibigan at lalapitan sana kami nang tumayo na ako't kinuha ang aking mga gamit. Tahimik lang akong nagmartsa paalis sa classroom.
Hindi ko na sila pinatulan dahil hindi nila ako papakinggan, alam ko na 'yon kaya hindi na ako nagsayang ng oras.

Isipin ko na lang na aso sila na tahol nang tahol sa taong 'di nila kilala.

Napatungo ako at huminga nang malalim.
Kaso gusto kong maiyak nang slight, kaya buti na lang talaga at wala na kaming klase kasi makakauwi na rin ako. Bibili lang ako ng doughnut para hindi naman ganoon ka-drama 'yong pag-iyak ko mamaya.

Nakalayo na ako sa classroom noong may tumawag nanaman sa akin. "Eclair" Tawag ni Arvin, kasama sila Richard at Kyle.

I glance over my shoulder. Patakbo silang naglalakad papunta sa akin. "Oh?" Tugon ko at hinarap na ang tingin.

Sumabay naman na silang tatlo sa paglalakad ko. "Hahayaan mo na lang ba na sabihin nila 'yon sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Kyle nang maialis iyong suot na headphone.

"You should let us defend you, 'di ka ba naiirita?" Sabay suntok ni Arvin sa palad niya na akala mo mangbubugbog.
"Nasaan na 'yung tapang mo kanina? Nawala na? Weak ka pala, eh" Walang tigil na pang-aasar ni Richard. Pero paraan lang niya iyan para mabaling ang atensiyon ko sa iba't mapikon.

Nakatingin lang din ako sa isa sa kanila nang ibalik ko ang tingin sa daan. "No, hindi naman na dapat patulan 'yung mga babae, boys." Sabi ko at umismid dahilan para tuksuin nanaman nila ako.

Si Arvin naman, pabiro akong sinuntok sa braso. Pero medyo malakas iyon kaya napahawak ako sa sinuntok niya. Ginawa nanaman akong lalaki. P*ta.

"You're the man, bro!" si Richard.
"Ganyan ang totoong lalaki." Biro ni Kyle tsaka sila humalakhak.

Tumawa lang ako nang kaunti."Hindi, ang ibig ko lang namang sabihin
...Kapag may naghahanap ng away o sinisiraan ka, huwag mo na lang patulan as long as you know na wala kang ginagawa, always remember the sayings, be kind to animals" at naghiyawan 'tong tatlo sabay akbay nila sa akin at gulo ng buhok ko.

Pumukaw ang atensyon ng mga estudyante dahil sa sobrang ingay namin na naglalakad sa hallway. "Ano ba!" Pero tawa sila nang tawa habang nagtutulakan. P*ta talaga, baka nakakalimutan niyong nakatakong ako ngayon, hayop kayo.

"Hoy hoy, ano 'yan? Bakit ang saya niyo?" bungad n ni Vince na naghihintay sa gilid ng hagdan dahil malapit lang 'yung classroom na ginamit nila sa classroom namin.

Dumiretsyo na muna kami sa canteen, hindi muna kami umuwi kahit na uwing-uwi na ako.
Umupo kami sa bakanteng upuan, katabi ko si Kyle at Arvin habang kaharap namin sila Vince at Richard.

Si Arvin 'yung nangunang magkwento tungkol sa nangyari kanina kaya siniko ko ang tagiliran niya kasi ang ingay-ingay. Hindi naman din niya kailangan ikwento 'yon pero pasmado kasi masyado 'yung bibig.

Inilipat ni Vince ang tingin sa akin na may pag-aalala sa kanyang mata, pero may guhit na ngiti sa labi niya. "Tama lang 'yung ginawa mo na hindi pagpatol, pero sabihin mo sa amin kung inaaway ka pa ng mga 'yon kasi kung hindi ka lalaban, itutuloy lang nila 'yung ginagawa nila sa'yo."

Tumingin ako sa hindi kalayuan. Edi mas aawayin nila ako kasi sinabi ko sa inyo.

"Pero mas maganda kung ikaw ang lalaban," Humalukipkip si Vince. "Pero hindi ko sinasabing gawin mo 'yung ginawa mo nung high school tayo."

Namilog ang mata ko't namula dahil alam ko 'yung tinutukoy niya.

Humalakhak si Arvin. "Gag*! Naalala ko 'yon!"
Paismid na ngumiti si Kyle. "Iyon 'yung kauna-unahan na nakakita ako nang malaking black eye. Alam pa naman natin kung gaano kasakit manuntok si Eclair."

"Pfft. Magkakapasa ba tayo kung hindi 'yan masakit manuntok?" Patanong na kwento ni Richard.

Tumungo na ako sa sobrang kahihiyan at pagkakonsensiya.
"Shut up."

Tumayo na si Kyle. "Bibili na ako ng pagkain. Ano gusto n'yo?" Tanong nito sa amin pero tumayo rin 'yung tatlo.

"Hindi ko alam 'yong sa akin kaya sasama na 'ko." si Vince.
"Ako rin." si Arvin.

Nilingon naman ako Richard habang nauna namang naglakad 'yung tatlo. "Ikaw? Alam mo na ba 'yung gusto mo? Ako na bibili para hindi ka dagdag sa pila." Wika niya.

Nakatitig lang ako sa kanya at sinimangutan siya. Hindi talaga marunong 'to makipag-usap ng normal.
"Kahit 'yung Corn Dog na lang 'yong sa akin ta's chocolate drink. Huwag lang 'yung may soya." Sagot ko.

"Matic na 'yung sa chocolate drink mo." Aniya at naglakad na paalis.
Napangiti na lang akong iniharap ang tingin. Alam na alam talaga nila kung ano 'yung gusto ko.

Naghintay lang ako sa pwesto namin noong maramdaman ko ang pagdating ng kung sino. Inaakalang sila Richard nang lingunin ko 'yung babaeng nang insulto sa akin kanina sa classroom.

"Ang lapad ng ngiti mo, ah? Dahil ba 'yan kina Richard?" Pangunguna niya kaya 'yung nakabuka kong bibig ay napatikum. Umupo ang babaeng iyon sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay. "Ito lang masasabi ko, girl, ah? Alam kong magkakaibigan kayo pero bakit nakakaamoy ako na parang pasimple ka rin namang makati?" Maarte at pang-iinsulto nito sa akin kaya mas natahimik ako kahit ramdam ko 'yong pagkulo ng dugo ko gayun din ang bigat sa dibdib ko. "Hindi naman sa kontrabida ako sa buhay mo pero," Nagkibit-balikat siya. "Nagsasabi lang ako ng totoo, ayoko kasing i-filter lahat ng sinasabi ko. Hindi kasi ako plastic."

Nag lean siya nang kaunti. "You're not actually a lesbian, aren't you?" Tanong niya na hindi ko lang sinagot. That is actually what I wanted to say but decided na hayaan na lang kasi kahit na sabihin ko pwede pa rin nilang baliktarin, hindi nila ako paniniwalaan kaya hinahayaan ko na lang sila sa kung ano 'yung gusto nilang isipin sa akin.

Tiningnan ng babaeng na sa harapan ko kung nasaan 'yung mga kaibigan ko bago niya ibinalik sa akin. Hindi ko alam ang pangalan niya dahil pinipili ng utak kong hindi alalahanin. "Hindi ka makasagot kasi totoo?" Tanong niya kaya dumiretsyo na ang tingin ko sa mata niya. Nag-iba ang ekspresiyon niya at mukhang natakot base sa ginagawa niyang mukha.

"I don't know who you are pero masyado naman yata tayong nagiging contradicting dito, ano?" Panimula ko. "You told the girl from earlier," Tukoy ko kay Orange, "na baka ma-fall ako sa kanya kapag kinausap niya ako o kinaibigan kasi understood na ang tingin mo sa akin, hindi straight, right?" Tanong ko tsaka naging blanko ang mata kong tiningnan siya. I'm tired.
"Pero inaakusan mo rin ako na makati sa sarili kong mga kaibigan."

Kumunot ang noo niya.

"Kaya hindi ko mawari kung ano ba talaga tingin mo sa akin.
Kasi for your information, iba ang bisexual sa lesbian." Pagtatama ko sa kanya kaya mas nag mukha siyang napikon.

"H-Hahh! So inaamin mo nga na patago mong nilalandi sila Arvin?" Umismid siya. "Unbelievable."

Pumikit ako sandali. "It depends kung gaano kababa ang lebel ng judgement mo." Pagtayo ko.
Mas nawawalan ako ng energy kapag nandito. Uuwi na talaga ako.

"Ano'ng sabi mo?!" Singhal niya at balak pa sanang kunin ang kwelyo ko nang marahas kong tabigin iyon na siyang nagpagulat sa kanya, nagulat din 'yung dalawa niyang kaibigan na pinapanood lang kami.

Samantalang walang gana lang akong nakatingin sa babaeng na sa harapan ko, subalit paismid ding napangisi. "What a childish way to react just because I hit the bull's eye." Sinabit ko na sa mga balikat ko ang backpack ko't nilagpasan ang babaeng iyon.

Natulala lang siya roon pero ramdam ko 'yung sobrang galit niya kaya napayuko na lang ako. 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon