saw-saw suka..... ( lola is gone)

Magsimula sa umpisa
                                    

..

..

..

..

..

 "mandy okay ka lang ...?" si ebony halatang takot na takot ... anong oras palang pero parang ang dilim na agad... naalalani mandy ang nangyari ... .

"sino ba talaga sila ? ... ebony .. sino sila?"  naiiyak na sabi ni mandy ... ramdam na ramdam nya ang panginginig ng kanyang kalamnan .. kung sino man un ... sino man sila bakit ganito sila ... bakit kilala nila ako ... 

"hindi ko alam ... natatakot na din ako mandy ... NUNG  pumasok tayo dito 3:30 palang pero  palang pero dumilim agad .. natatakot ako .. kanina nung hinila kita ... papunta rito sa loob ng bahay nakita ko ung taong nakaitim ... kung tao nga ba sya .... nakakatakot sya mandy .... nakakatakot sya lalo't sinabi pa nya .. bakit ka nakikisawsaw gusto mo na bang mamatay .."

"teka ... asan lola mo eh mag aalasyete na diba?"

"teka.... lang .... sinaraduhan ko kasi ung pinto at lahat ng bintana ... " ng tatayo na si ebony para buksan ang pinto ... biglang may kumatok .... 

tok tok tok 

nagkatinginan ang magkaibigan , hindi nila malaman ang gagawin dahil kung lola un ni ebony magsasalita yun o di kaya kung mga tito at tita man nya un .. may dala itong duplicate key ...  takot na takot sila dahil lumalakas ang katok ...

TOK >> TOK >> TOKKK >> TOKK.

/"mandy ..." naiiyak na sabi ni  ebony sa kaibigan 

"shhh!!! halika magtago tayo  halika .."  tapos hinila nya ang kamay ni ebony ..kahit medyo nakakaramdam sya ng kirot sa kanyang batok ... pinilit nya padin tumayo ... at magtago ... kahit alam nyang baka makita mabuti parin ang magtago sa nilalang na yun .. nakakatakot talaga ito ... ang nakakatakot na tingin nito at ang mga sinasabi nito kanina ... hindi maisipan ni mandy ang dahilan .. baka naman  napagkamalan lang ako .. nasa isaisip ni mandy  at nagtago sila sa loob ng cabinet ng lola ni mandy ...

Nang biglang padabog na bumagsak ang pinto ...   narinig ni mandy ang pigil na iyak ni ebony sa kanyang tabi ... kahit naman sya eh natatakot nadin sya .... lalo na namamatay matay ang ilaw ... hindi pala masyadong nakasara ang pinto ng cabinet dahil sira ito kaya may nakakapasok pading liwanag sa loob ng cabinet .. ngunit ngayon ay untiunti itong namamatay sindi ... at namatay na ng tuluyan ang ilaw ... 

..

..

..

"gusto nyong maglaro ? sa kadiliman masaya ... asan na kayo ? sinong uunahin ko ang nakikisawsaw o ang hindi totoong kaibigan ? ... alam ko na ...."

"SAW-SAW BU----HAY...  MAHULI  .... AY ... PATAY .... "  mga kantang naririnig ni mandy na labis nyang ikinakatakot ..... ung kantang un .... un ung nasa panaginip nya .. ngunit pinalitan ito ng buhay at patay ... sino ba talaga ang mga taong ito ... ang mga nilalang na may kaugnayan nga ba sa kanya ... patuloy ang pagkanta ng may marinig syang angil... animo'y isang tigre na gutom na gutom sa pagkain .... gusto ng tumayo ni mandy at tumakbo upang hindi na madamay ang kanyang kaibigan .. alam nyang siya ang pakay ng nilalang sa labas ... hindi man nya alam ang dahilan ngunit gusto nyang mailigtas ang kanyang kaibigan ...

"grrrrr! .. grrrr ... raaawwwrrr!"

"SAW-SAW BU---HA--AY  MAHU--LI   NAMIN AY .... PA...TAY .... " TATLONG BOSES ang kumakanta ... may tinig ng isang babae ... nakakatakot lalo ang kanta nila ... alam nyang wala na silang takas ... ngunit gusto nya pang mabuhay .. kaya't na pa sign of the cross nalang sya .. at ipinagsa itaas na lamang ang kanyang buhay ... palapit ng palapit at palakas ng palakas ang kanta sa kanilang pinagtataguan ... nanlalamig na ang kanyang pakiramdam , kahit tumulo na ang pawis sa kanyang noo ... ramdam nya ang panlalamig nga kamay ni ebony dahil hawakwak nya ito ...

"SAW-saw  BU---HAY .... ---------" tumigil ang kanta ... nakaluwag ng konti si mandy  ng marinig nya ang boses ng babae

"at may uunahin na pala tayo ... mga pakielamero kayo ... "  sino kaya ... sino kaya ang kanilang uunahin ,...  alam na ba nila na nasa loob lamang sila ng cabinet ... ??? pano na lamang kung .... kung biglang buksan ang cabinet anong gagawin namin .. tatakbo ... sisigaw ... hihingi ng tulong ... iiyak .. o mag mamakaawa na lang .. o di kayay lalaban ... nangangatal na sya .... ano mang sandali ay maaring buksan na ang cabinet ... at mamatay sila ng kanyang kaibigan ... pano na lang ang kanyang pangarap ang pangarap nilang magkaibigan ..... 

"maawa kayo!!! maawa kayo !!!" " boses ... boses ng ... ng lola ni ebony ... halos napatulala si ebony sa pagkakarinig ng pagsusumamo ng lola nya pati narin mandy ay hindi malaman ang gagawin ... ang lola ni ebony ... pano na ... kaylangan may gawin sila ... ngunit ano bang magagawa nila .. upang labanan ang mga nakakatakot na nilalang na yun .... hindi maaring magtago na lamang sila at hintayin na matagpuan sila ng mga nilalang na yun ... mahaba pa ang gabi .... marami pa ang maaring mangyari ...kaya't naglakas loob si mandy na buksan ang pinto ng cabinet at lumabas ng kwarto ng lola ni ebony ... iniwan nya duon ang kaibigan "ebony wag kang aalis ha! titingnan ko .. at susubukan kong iligtas ang lola mo " sabi ni mandy kay ebony  tumango na lamang ito ... at sinara ni mandy ang pinto ng cabinet .. dahan  dahan siyang nangapa sa dilim ..  lumbas ng kwarto at dahil sa liwanag ng buwan nakita nya ... kitang kita nya .. ang lola ni ebony ... dahan dahan inaalisan ng buhay ... ang kaawa-awang matanda .. ay tumutulo na ang dugo sa leeg na nakahadusay sa sahig at unti-unting nawawalan ng buhay ... lalo pang nahindik si mandy dahil ang babaeng nakapula ay tinusok ang kanyang mahahabang kuko sa dibdib ng lola ni ebony at kinuha ang puso nito ... at ang hayop na kulay green ay kinukuha na ang laman loob nito at kinakain .. nais nya .. hambalusin ang mga ito .. isumbong sa mga pulis ... nalulungkot siya sa sinapit ng lola ni ebony ... 

ang kaibigan niya na naiwan sa loob ng cabinet ... at siya na nakatingin sa kagimbal gimbal na nangyayari  sa lola nito ... anong gagawin nya ...baka sya ang isunod ng mga ito ... luminga linga si mandy sa paligid .. may hinahanap ang kanyang mga mata ... alam nyang ang nilalang na yun ang nandito ... ang lalaking nakaitim .. nasan na iyon ... 

"ako ba ang hinahanap mo?" nanginginig na napaatras si mandy dahil nasa likod nya lang ang lalaki na halos muka lang nito ang kita dahil itim ang kasuotan nito .. NGAYON NA BA ANG KATAPUSAN ng buhay nya ... si ebony ... kaylangan makaligtas sya ...

"handa ka na bang magbayad?" ngumisi ito ng nakakatakot .. ngunit bakit ako magbabayad wala akong utang sa kanya .. wala akong ginagawa .. ni hindi ko sya kakilala ... ani bang kaylangan nila ....... ng biglang humangin ng malakas  at lalong naamoy ang malansang amoy na naggagaling sa dugo ng walang buhay na lola nni ebony ... ... hindi malaman ni mandy ang kanyang gagawin .. ng may biglang lumitaw sa kanyang tabi .. ang lalaki kaninang umaga na nakaputi ... 

"holan! nagpakita ka muli ... ang walang kwentang kaibigan .." halatang galit ang lalaking nasa harapan ko sa dumating ... ngunit tinawag nya itong walang kwentang kaibigan ...  tumingin ang nakapula at ang hayop sa kinaroroonan ko at ng dalawang nilalang

"jemiraahhh ... lahat ng nangyari ay para mailigtas lamang siya" itinuro ako ng nakaputi .. para mailigtas ako? anong pangyayari un ? .. hindi ko sila nakikilala... ano ba talagang meron

"ngunit nagbalik sya .. para ano para ipamuka sa akin ... kay mandalia at kay eptil ang nagyari? ... nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya .. at ngayon mamamatay sya..." galit na sabi ng nakaitim .... natakot ako .. ngunit ... humangin muli ng malakas ... at tila ako'y nawawala sa ulirat ... ng mga parang humahawak sa kamay ko .... at ... iyon ay ang lalaking nakaitim .. ang kuko nya ay ibinabaon nya sa aking binti .. masakit at mahigpit ang pagkakahawak nya sakin.. at nakita kong inabot sakin ng nakaputi ang kanyang kamay .. kahit takot ako inabot ko ang kamay nito ...

..

..

..

..

..

==============================================================================

moriset tania

VOTE

LIKE AND COMMENT

:) KUNG GUSTO NYO MAG PA DEDICATE 

COMMENT LANG :)

=============================================================================

TAGU-TAGUAN MALIWANAG ANG BUWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon