Hope #8

6 0 0
                                    

I Can't (short story)
by: aryanelisck19 (Gian Nicole Villamayor)
Genre: Tragedy

They say that to love and be loved by someone is the happiest feeling ever. But then, there will be always struggles in your way.

"Uyy bro! Kanina ka pa tulala dyan ah? May problema ba?" Tanong sakin ni Clark. My best friend since then. The one that made me fall so deep.

"Wala naman akong problema bro.. I'm just wondering why bro pa ang tawagan naten" natawa ako.

Ngumiti siya sakin. Nakakainlove talaga si Clark.. Ang gwapo niya.. Mas lalo ko pa syang minamahal

"Hay nako Mark. Mas okay na yun. As long as we love each other"

Keleg ang lola mo!

"Tara na nga. Umuwi na tayo. Baka hinahanap ka na sa inyo" hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papauwi sa bahay namin.

"Mark uwi na rin ako ah? Ingat ka nalang bro!" Sabi niya sakin pagkatapos niya akong maihatid.

Nang nawala na siya sa paningin ko, pumasok na ako ng gate.

Bumungad naman agad sa may pinto si Dad. Mukhang pagod na pagod siya. Bakas rin ang galit sa kanyang mukha.

"San ka nanaman galing? Nakipagdate ka nanaman sa best friend mo ha?!" Sermon sakin ni Dad nang makapasok ako.

Yumuko nalang ako. Kahit kelan, hindi siya pumayag sa nais ko.

"D-dad, alam nyo namang mahal ko si-"

Pinutol niya agad ang sasabihin ko. "SHUT UP!! Wala akong anak na bakla! Salot ka sa lipunan! Ipatutuloy ko na ang engagement nyo ni Krishna!" Sigaw niya.

"Dad! Hindi ko kayang pakasalan si Krishna! Si Clark ang gusto ko!" Nangingilid na ang luha ko. Best friend ko si Krishna at hanggang doon lang yon.

"Tomorrow. Pumunta ka sa bahay ni Krishna! Doon gaganapin ang engagement party nyo! Subukan mong pumalag at paghihiwalayin ko na kayong tuluyan ni Clark!" Sigaw niya sa akin.

Umakyat ako sa kwarto ko at doon umiyak. Kelan ba niya ako matatanggap? Hindi pa ba sapat na nakikita niyang nahihirapan ako?

Hinanap ko ang phone ko at tinawagan si Krishna.

Ringing..

Sinagot niya agad.

"Sister! Why ba you napatawag to me?"

"Sister.. Tuloy na daw ang engagement natin.. Gogorabels daw ako dyan bukas.." I said between my sobs. "Sister.. What should I do? Ayaw ni Dad magpapigil to me.." I cried.

"Shhh.. Tahan na you sister.. Susubukan kong kausapin si Papa okay? Tahan na be.. Everything's going to be fine"

"How I wish sister.. Hindi ko keribels na mawala saken si Clark my loves.."

"Sige sister.. Kakausapin ko si Dad okay? Tahan na you sister.. Mahahagard ang iyong beautiful face"

"I'm dyosa pa rin naman sister eh! Insekyora lang you.. Sige byelalu na sister.." I ended the call.

Is this my fault? Kasalanan ko ba talagang lumambot yung puso ko? Mahal naman namin ang isa't isa. Two years na kaming nagmamahalan. Bakit ang daming hadlang samin??

Nakatulog ako dahil sa pag-iyak.

~°~°~°~°~°~°~

"Hoy! Gumising ka na! Magbihis ka na. Pupunta na tayo kila Krishna!"

Masyadong lutang na ang utak ko. Hindi ko tuloy makilala kung sino to..

"Givenchy mo ako five minutes" sabi ko habang antok na antok.

Hope,Trust and Destiny Poem CompilationOnde histórias criam vida. Descubra agora