Hope #4

21 0 0
                                    

Pag-Asa
ni Joyleen Mae Gallano Barieto

Minsan nga sa buhay mo ika'y madarapa
Karimlan na nais mo'y di mo makuha
Ngunit kumapit ka sa agos ng buhay
Dahil ang liwanag ay naghihintay

Sa buhay na bigay ng maykapal
May mga pagsubok talagang daratal
Nais mong magpatiwakal
Nais wakasan ang iyong buhay

Ngunit paggising mo sa umaga
Isa na namang mainit na sikat ng araw ang sayo'y bubulaga
Nagpapahiwatig ng isang mumunting Pag-Asa
Na buhay mo'y meron pa ngang halaga

Magpasalamat ka sa Diyos para sa bagong umaga
Dahil hatid nito'y bagong sigla at pag-asa
Marami ka na namang matatamong pagpapala
At ang lahat ng ito ay sa Diyos nga nagmula

Huwag mapapagod kung may kabiguan
Huwag ibaon ang sarili sa kawalan
At loob mo'y wag panghinaan
Upang ika'y magtagumpay sa nais mong makamtan.

Hope,Trust and Destiny Poem CompilationWhere stories live. Discover now