Chapter 32 - mahika negra

640 36 8
                                    

" soddom! gomor! dinggin ang aking tinig..mula sa inyong himlayan kayo ay gumising!"

Biglang gumalaw ang lupa..at nagkaroon ng bitak ang aming kinatatayuan..gumuhit ito hanggang lumitaw ang dalawang malaking tumpok ng lupa na parang punso

Carlo: aba...at nagtawag ng nuno si bangungot..magtatawag ka lang ng kakampi mga duwende pa..saglit lang yan samin..durog yan!

Efialtis: hahahaha! Masyado kang mapagparangalan bata..tingnan natin kung masasabi mo pa ang mga bagay na yan..

biglang gumalaw ang punso at sabay na may lumabas na dalawang kamay galing sa punso..unti unting may lumalabas na nilalang mula sa dalawang punso..

Mula sa lupa dalawang nilalang ang kasalukuyang nakatayo sa aming harapan..

Isang lalaki at isang babae

Parehas naagnas ang kanilang mukha at kalat sa buong paligid ang nakaririmarim na amoy ng nabubulok na karne..

Kaiba sa mga nakaharap naming mga zombies kanina ang dalawang nilalang na nakatayo sa aming harapan..kung yung kanina mga patay na bumangon lang sa hukay at talagang pang horror movies ang dating... Ang dalawang ito ay kakaiba ang mga kasuotan..mga mukhang mandirigma ang itsura nila..isama mo pa ang mga sandatang hawak nila..

Yung babaeng zombie na mukang amazona may kambal na katana sa kanyang dalawang kamay..

Yung lalaking zombie na mukang cast sa warcraft the movie na medyo may hawig kay durotan..yun nga lang agnas na version..meron naman syang napakalaking maso..siguro ambigat nun..

Parehas walang itim ang kanilang mga mata at puro puti lang..

Efialtis: masdan nyo ang aking nilikha..ang aking mga alagad na tatapos ng buhay nyo! Hahahaha! Ito ang kambal na maninila...sila ay likha ng aking mahika negra..

Carlo: kambal yan?!! parang wala namang pagkakamukha..maliban na lang sa parehas amoy patay na daga at parehas naagnas....hanep!!!! yung babae pang tim burton na pelikula..corpse bride...mas matindi yung lalaki..pang walt disney..

Kulas: huh? Don't tell me si prince charming yan?

Carlo: hoy!! hindi ah!! Nu ka ba kulas! tingnan mo nga! parang kaharap natin si shrek..yun nga lang zombie version ni shrek..pero ang sandata pang thor..hammer of gods...astig db..ang sandata pang bida sa avengers pero ang mukha....mukhang kalaban ng avengers...hahahaha!!!!

Kulas: loko ka talaga carlo..mamaya marinig ka ni thanos..hahahaha!!! sabay kaming nagtawanan ni carlo

Efialtis: mukang ginagawa nyong katuwaan ang aking mga kampon..tingnan natin kung sisilay pa ang ngiti sa inyong labi kapag nakalaban nyo na sila..soddom! Gomor! Ipakita nyo ang bangis ng kambal na maninilaaaa!!!

Parang mga di susing manika na sumunod si soddom at gomor..

Pinagkiskis ni soddom ang kanyang kambal katana na parang hinahasa sabay ngiti sa amin na parang nagbabanta na di na kami sisikatan ng araw..at si gomor naman ay malakas na ibinayo ang kanyang sandata sa lupa na lumikha ng malakas na pagyanig..

Kulas: hala ka carlo! ginalit mo yung tatay nung kambal..

Carlo: sino si bangungot? Kahit naman hindi sya galit yung mukha nya muka pa ring galit..

Ulley: tama na nga yang kalokohan nyong dalawa..hindi biro yang makakalaban natin..mukang bihasa sa pakikipaglaban ang dalawang ito..kailangan nating bumuo ng plano..dahil nasa ilalim sila ng mahika negra walang kamatayan ang mga yan..ang kailangan nating matalo ay si Efialtis..ngunit mukang hindi magiging madali..panigurado poprotektahan sya ng kambal

Superpower Village Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang