Chapter One : Mentos Stealer

1.3K 198 226
                                    


Louella's POV

" Ang bagal naman! Kasalanan 'to nung Tatlong ugok na yun eh, yari sila sa akin pagkauwi ko sa bahay." Inis na bulong ko habang Naglalakad.

Naglalakad ako ng Mas mabagal pa sa pagong. Alam niyo kung bakit ? Eh, paano ba naman Puro Matatanda na ang nasa Harapan ko. Hindi naman ako makasingit dahil nagunguna yung Caro ng patay sa amin.

Nakakabanas! Hindi naman sana talaga ako makakasama sa Prosisyon ng patay kung Hindi dahil sa magaling kong Tatlong Kuya. Iwanan ba naman ako sa Gitna ng kalsada? Tsk!

" Ineng, Kaano-ano ka ng patay?" Napatingin naman ako dun sa matandang babaeng katabi ko.

Napakamot pa ako sa ulo bago sumagot.

" Kaibigan po niya."

Yun na lang ang nasagot ko pero kumunot lang yung noo nito ? T-teka, may nasabi ba akong mali?

"Sure kang kaibigan mo yan ?" Tanong nito ulit.

" Apat na taon na po kaming magkaibigan, Lola." Yun na lang nasabi ko para wag ng mangulet. Hindi ako makaalis sa Prosisyon dahil puro kotse rin ang nasa gilid namin.

Pero malapit lapit na rin namang lumuwag kaya konting tiis na lang.

"Sure ka talaga?" Tanong nito ulit.

Kaya nagtitimping tumingin na lang ako rito dahil unang una ayoko sa lahat eh, yung makukulit .

"Oo nga po."

" 'e, pano kayo naging mag-kaibigan. Three months old baby pa lang ang apo ko? " Sabi nito.

Napanganga naman ako sa sinabi nito.

"Ah...eh.." wala na akong masabi at sakto naman at maluwag na yung Dinadaanan. Kaya dali dali akong tumakbo palabas dun sa kumpol ng tao.

Nakakahiya! Badtrip talaga!

" Hoo! " Bumuga pa ako ng hangin at naglakad na papunta sa aking destinasyon. Ang aming munting Junkshop sa encarnacion Market. Dun sa may likod makikita mo dun ang Ramos Junkshop.

Si Tatay ang nagbabantay dun samantalang si mama ay nagbebenta ng isda sa palengke. Minsan nga Ako nagtitinda ng mga isda ni Nanay. Dahil Minsan inaatake ito ng hika niya dahil Suffocating naman kasi rito sa Market.

Nakakairita pa nga yung mga katabi ni Nanay na nagtitinda rin ng mga isda. Lalo na si aling betchay ang yabang bilasa naman yung mga kanyang paninda. Minsan nga kaamoy pa niya yung tinitinda niyang isda.

Kinapa ko yung bulsa ko dahil gusto kong kumain ng mentos . At sa wakas may natira pang isa sa aking bulsa. Kaso nung bubuksan ko na yung pinakamamahal kong mentos ng may lalaking tumatakbo papalapit sa akin.

"Pigilan niyo yung tumakbo! "

" Hoy! Bumalik ka rito ! "

" Tinalo ako ng gago na yan sa Dota! "

Parang may Narinig akong Anghel na umaawit sa paligid habang papalapit siya sa akin. Ang kulay abo niyang mata na bumagay sa hugis Puso niyang mukha. At ang mala gatas niyang kutis na mas maputi pa kay Jungkook my loves ng bts bumagay rin sa 'kanya yung kulay Brown gold niyang buhok.

Ang yummy pa ng katawan at ang kinis ng kanyang leeg na Medyo pawis. Hindi ko namalayan na nasa Harapan ko na ito at kanina ko pa siya pinagpapantasyahan sa aking Isipan.

"Tsk! What a Stupid woman." Sabi nito pero hindi ko narinig yung sinabi niya. Naintindihan ko lang yung 'tsk kuno 'nya.

Naiwan sa ere yung kamay ko habang binubuksan yung candy ko. "Excuse me, miss." Cold nasabi nito sa harap ko kaya natataranta akong pumunta sa gilid para makadaan siya .

Sana ako na langOù les histoires vivent. Découvrez maintenant