Chapter Two : Nawawalang pustiso

1K 187 216
                                    


Louella's POV

" Anak, bilisan mong kumilos at kakain na Tayo ng umagahan nang sabay sabay " Sabi ni Tatay habang kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Susunod na po ako, tay." Medyo may kalakasan na sabi ko rito. " Sige Anak." yan na lang ang huli kong narinig na sabi nito at huminto na sa kaka-katok sa pintuan ng kwarto ko.

Nag-aayos kasi ako ng pinaghigaan kong kama na parang dinaanan nang bagyo. Lahat ng unan at kumot ko ay nahulog na sa Sahig. kaya nga ayaw akong katabi nila kuya dahil sobrang likot ko 'daw sa higaan matulog. 'Kunyari pa silang malikot ako sa kama.

Alam ko namang talagang ayaw nilang akong papasukin sa kwarto nilang tatlo dahil Hindi na sila makakanood ng 'alam niyo na. Tss! Bakit ba kasi ako nagkaroon ng Tatlong kuya na sobrang Manyakol? At hindi lang yun dahil sobrang balahura nung tatlo na UNGGOY na yun.

Oo nga pala, ako ng pala si Louella Artelle Ramos, Labing pitong taon ng nabubuhay sa mundo. Mahilig ako sa Tsokolate kahit Dark pa yan basta't wag lang tae. Mahilig rin ako sa Mentos at hilig ko rin ang Pizza. Mahal ko si Me--bwiset!

"BUNSOO! BUMABA KA NA RAW! NAGUGUTOM NA AKO! " Sigaw nung panganay namin na si kuya Ice. parang pg talaga itong kuya kong 'to Maniwala kayo O sa hindi yan ang Crying baby sa aming Apat. Sabihan mo lang yan ng masasakit na salita nguma-ngawa na. Tss.

"ETO NA ! " Balik na sigaw ko rito at lumabas na ng aking medyo may kaliitan na kwarto. " Aray!" Kainis naman naumpog pa ako sa may dingding. Kaya bumaba na ako habang hinihimas ang aking noo. At nang maka-baba na ako ay 'dumiretso ako sa aming kusina. Nakita ko silang lahat na na Naka-upo na sa kanila -kanilang pwesto sa aming pabilog na Mesa.

Halatang ako na lang talaga ang hinihintay nila. Nakita ko pa ngang nakatingin ng masama sa akin yung Tatlong ugok at seriously? Naka-pout pa, "Pfft." Pinipigilan kong matawa baka sumabog yung tatlo sa sobrang inis.

Mahirap na gutom pa naman 'tong mga ito. Baka mamaya maaga akong pumanaw. " Umupo ka na, Louella." Sabi ni Nanay .kaya agad na naman akong umupo sa aking pwesto.

"Lead the prayer, Macoy." Naku! End of the world na kapag 'yan ang nag-dasal. Halatang namutla naman si Kuya sa sinabi ni Nanay.

"Way me?" Tanong ni kuya.

Kaya napatawa naman kami nila kuya Ice at Hanz. Hindi talaga magaling mag-english si kuya Macoy kaya pag-pasenseyahan niyo na. Intindihin na lang natin.

" Wag ng maraming tanong . Simulan mo ng magdasal." Mahinahong sabi ni Nanay kaya agad kaming umayos ng upo at pumikit na sila nanay at Tatay. Kami na lang apat yung hindi.

Tumingin naman sa aming tatlo si kuya Macoy at parang sinasabi na 'kayo na lang .' look. Pero ngumisi lang kami at bumagsak naman ang balikat nito at parang pinagsakluban ng langit ang mukha.

"Ehem, Macoy." Sabi ni Tatay .kaya umaayos kami kaagad ng upo at pumikit.

" Air further." (Our Father ) Kinakabahang sabi nito . Halos mawalan naman ako ng hininga sa pagpipigil ng tawa . Da best ka talaga kuya Macoy. Naramdaman kong hinahawakan ni kuya Ice yung kanan kamay ko at si kuya Hanz naman sa kaliwa. Halos magkurutan na kami ng kamay sa pagpipigil ng tawa.

Napatigil naman kami sa aming pinag-gagawa ng magsalita si nanay.

"Susmaryosep, Ilang taon na ang nakalipas. Nasa 'Our Father' ka pa lang." Sermon ni Nanay Kay kuya Macoy.

Dear Nanay ,

Aware po ba kayo na Suot mo ang iyong pustiso? Dahil kung Oo, please lang pakisuot po.

Sana ako na langKde žijí příběhy. Začni objevovat