Chapter 47: Dahan

2.3K 76 6
                                    

AXEL

"Dude!" tawag sa akin ni Stefan at sunud-sunod silang pumasok dito sa live room nina Dane, Kevin at Julian. Ako ang naunang dumating dito at mukhang sabay-sabay naman sila.

Huling rehearsal na namin ngayong gabi rito sa studio bago ang dry run sa mismong arena bukas kung saan gaganapin ang concert. This will surely be a long night.

"Axel," tawag sa akin Julian habang nakatayo sa harap ko.

"Oh?" sabi ko naman habang nanatili akong nakaupo itim na couch. Naupo sa magkabilang arm rest nito sina Stefan at Dane, si Kevin naman ay naupo sa stool na nasa likod ng drum set niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong niya.

"Alin?" walang interes na tanong ko. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng lyrics sa itim na notebook na hawak. Ayaw ko talagang makipag-usap kahit kanino tungkol sa amin ni Addie.

"Axel, alam na nila. Sinabi ko," sagot ni Kevin at do'n lang ako tumigil sa pagsusulat para harapin sila.

"I don't need your pity," mariin kong sabi. "This is a rehearsal, not a pity party."

"Gago. Sino nagsabing naaawa kami sa'yo?" sabi naman ni Dane sa tabi ko. "Ang problema kasi sa'yo, sina-sarili mo ang lahat ng problema."

"Tang ina. Alangan namang mag-chismisan tayo?" sagot ko at napailing naman silang apat. "Ano nga, gusto niyo bang mag-chismisan?"

"That's not the point," iling naman ni Stefan. They're all trying to be more patient with me this time. "Dude, sinasabi mo kasi na hindi ka namin naiintindihan pero ayaw mo namang magpaintindi. Labo, eh. Ang tagal na nating magkakaibigan, para namang wala tayong pinagsamahan kung hindi mo kami maaasahan sa mga problema mo."

"May magbabago ba kung nagsabi ako sa inyo?" tanong ko sa kanila. Huminga ako nang malalim bago ko ibinaba ang notebook na hawak ko. "Wala na, hayaan na natin. I deserve this. Gago naman talaga ako, gago ako dahil nasaktan ko si Addie."

"Hindi mo naman ginusto 'yon, Axel. Ginawa mo 'yon para sa kanya. Paulit-ulit ko nang sinabi sa'yo na hindi mo kasalanan," punto ni Kevin. "Hanggang kailan mo ba paparusahan ang sarili mo dahil sa nagawa mo noon?"

"Hanggang sa mapatawad ako ni Addie," sagot ko. Diretso akong tumingin kay Kevin habang nakasandal siya sa pader. "Alam na rin ba niya? Sinabi mo ba?"

"Oo," sagot niya.

"Kaya nasa ospital si Addie? Sumama ang loob niya?" tanong ko.

"Kailangan ko nang sabihin, bro. Paikot-ikot na kayo—teka, paano mo nalaman na nasa ospital si Adds?" gulat na tanong niya.

"Sinabi ni Ethos sa akin. Nagkita kami kanina sa SU noong susunduin ko si Kailyn," maikling paliwanag ko. "Tang ina niyo, wala man lang nagsabi sa akin. Pati si Brent, hindi rin sinabi."

"Ayaw nina Zia na ipasabi sa'yo, hayaan daw munang mapahinga si Addie," paliwanag ni Julian. "Sa tingin ko, may alam na si Ethos tungkol sa inyo ni Adds kaya siya ang nagsabi sa'yo."

"Alam na niya. Napag-usapan namin kanina," pagkumpirma ko. "Nagpunta ako sa ospital, Jul. Sabi ko sa sarili ko, ayaw ko na. Pero putang ina, isang sabi lang ni Ethos na nasa ospital si Addie, balik na naman ako. Tanga na naman ako. Wala na naman akong pakialam kahit lumalagpas na ako sa limitasyon ko. Pero wala, eh. Sumilip ako sa kwarto niya, kayakap niya si Ethos. Sabi niya kailangan niya si Ethos."

"Axel..."

"See? Alam niya, alam niyo na, pero walang nagbago," punto ko. "Hindi pa rin ako kaya kailangan ko na 'tong tigilan."

Steal Your HeartWhere stories live. Discover now