Chapter 7

1.5K 34 3
                                    

EVAN’s POV

“Evan---”sabi ni Belle na bakas ang pagkagulat.

“Shhhh.. pabayaan mo muna ako magsalita. Baka mawala nanaman ang lakas ng loob ko” putol ko sa sasabihin nya.

“I’ve loved you eversince the day i’ve met you. I’ve planned to tell it to you someday. And i’ve wished that you will feel the same way.” nasimula nang pumatak ang luha ko.

“Alam ko na simula palang sinabi mo na sakin na hindi ako pwedeng magkagusto sayo. Na si alex ang mahal mo. Sorry, wala akong magawa eh, ang kulit ng puso ko, ikaw talaga ang gusto nya eh.” ngumiti ako ng mapait.

“Simula nung sinabi mong gusto mo si alex, nawasak mo na ang puso ko. Hindi ako lumayo sayo hindi dahil sa pangako ko, hindi ako lumayo dahil umaasa ako na isang araw mare-realized mo na ako yung taong nagmamahal sayo. Na ako nalang yung mamahalin mo.”

“Pero hindi eh. Habang tumatagal kasi, ako yung nagkakaron ng realization na nagpapakat@ng@ ako para sa wala. Belle, alam ko kung gano mo kamahal si alex. At alam ko na ipaglaban ko man tong feelings ko para sayo, wala na, talo na ako hindi pa nagsisimula ang laban. Kasi, kahit katiting na pag-asa dyan sa puso mo wala ako.”

“Ang sakit-sakit dito belle.” saka ko tinuro ang puso ko.

“Kaya sana pabayaan mo nalang akong lumayo sayo. Umiwas sayo. Napapagod na ako belle. Lagi mo nalang akong nasasaktan. Hindi kita sinisisi, kasalanan ko to na nagmahal ako ng taong kasing manhid mo. At nagmahal ako ng taong alam ko sa simula palang may mahal nang iba.”

“Hindi ikaw yung problema belle, ako. Ako yung may problema. Kasi yung puso ko, ayaw sumuko sa pagmamahal sayo. Kahit gano ko pa hilingin na sana ako nalang, hindi talaga eh. Wala naman kasi akong laban sa kanya. Pero ngayon, suko na ako belle. I’m letting go of this b*ll$h!t feelings na walang patutunguhan. And i’m letting you go. I love you belle, good bye.”

Pagkasabi ko non ay naglakad na ako at nilagpasan sya.

Nang nasa pinto na ako. Nilingon ko sya.

“bukas na ako magpapractice kasama ka. Medyo masama na ang pakiramdam ko. Mag-practice ka muna dito mag-isa, siga bye. ”

Binigyan ko sya ng pilit na ngiti saka ko sya iniwan ng nakatulala.

Nang makarating ako sa bahay. Saka ko binuhos lahat ng emosyon ko. Lahat ng sakit. Iniyak ko lahat.

Grabe talaga tong love na to, nakakabakla, lagi nalang akong umiiyak ng dahil dito. Baka madehydrate na ako.

Maya maya nag ring yung cellphone i. Si chelle. Haaaaaaaaaaaaay... kahit kailan talaga tong babae na to, marunong tumayming eh.

“Hello.”

(“nasan ka na ba?”)

“I’m not in th mood for chitchat. Bukas na tayo mag-usap. bye”

Saka ko sya binabaan.

Sorry chelle, i just need some time alone.

Saka ako nahiga at pinikit ang mga mata ko.

Naalala ko nanaman yung gulat na gulat na reaksyon ni Belle kanina.

Manhid talaga. Wala talaga syang idea sa feelings ko para sa kanya.

May kumawala nanamang luha sa mga mata ko.

Itutulog ko na nga lang to. Baka sakaling pag gising ko mabawasan man lang yung sakit.

Then, i passed out.

Pag gising ko, 5 pm na. 6 hours akong nakatulog.

Nang i-check ko ang cellphone ko. Puro text at miss call galing kay Chelle at Mae.

I'm Inlove With Who? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon