Sabi ng Lolo ko. pagnakita ka raw ng Shooting star, Dapat raw magwish ka at matutupad daw. Kaya daw shane ang pangalan ko dahil hiniling daw nila mama't papa sa may shooting star na magkaroon ng isang ako. Paanong matutupad ang hiling mo ng dahil lang sa may star pero umaasa parin ako na magkakatotoo yung aking hiling. Batayan ko ang aking mga magulang tungkol sa shooting star wish.
Shane - Pinalanding pagbigkas ng Shine. Hahaha
Simula pa sa tanang buhay ko hindi pako nakakakita ng shooting star. Siguro kung may shooting star man na lumalabas tuwing gabi nasa loob ako ng bahay o natutulog.
"Wala naman ata ngayong lalabas e." Sabay kamot ko sa ulo ko
Simula nung nag-Forth year High school ako. Lagi ko ng hinihintay yung Shooting star na yun. May hihilingin kasi ako na matagal ko ng hinihintay matupad.
"Shane. Ano ginagawa mo dyan?"
Napatingin ako bigla sa may likod ko kung sino yung nagsalita. Isang lalake nakajacket na itim nakasout na panjama Medyo katangkaran na singkit at may hawak-hawak ng isang tray.
"R-Ron? Ikaw pala yan. Hahaha" Nauutal kong sabi kay Ron.
"Pwede maki-share?" Tanong nya.
"Sure!"
Nakangiti sya nahalos hindi na makita ang mga mata sa sobrang singkit habang nilalapag sa lamesa ko yung tray nyang hawak.
Eto nanaman ang puso ko halos lumabas na sa may dibdib ko.
Sya Si Ron Agustin. Sya dahilan kung bakit tuwing gabi hinihintay ko yung shooting star. Kaklase ko ngayon sa pinapasokan kong school. Yung bahay namin ay nakasentro sa may town house namin dahil meron itong coffee shop sa baba at bahay naman sa taas. Madalas si Ron rito kaya madalas ko sya makita tuwing gabi dahil kadalasan dito nya ginagawa ang kanyang assignment o kung ano man gawain namin sa school. Malapit lang naman yung condo nila sa coffee shop namin.
"Bakit parang may hinihintay ka na lumabas sa langit?" Nagtatakang nyang tanong sakin.
"A-Ah? Wala naman. May Nabasa lang ako sa may libro ko kaya ayun. Wag mo nalang intindihin." Pagdadahilan ko.
"Ano ba kasi yung libro na yun?" Tanong nya.
"Nabasa ko lang to sa may wattpad e." Sabi ko nalang.
"Hindi kasi ako mahilig dyan e." Sabi nya.
Hay! Hindi nya hobby magbasa. Hindi kami parehas.
Biglang may tumalon sa binti ko na akala ko kung ano si Star lang pala.
"Mahilig ka pala sa aso." Sabay hawak nya sa ulo ni Star.
"Hindi naman gaano, Regalo kasi to ni lolo ko."
"Ako din may aso e. Kulay Brown na may halong white naman sya." May halong pagmamayabang.
"Talaga? Anong name?" Masigla ko sabi.
"Kyrie. Hahaha. Minsan dalin ko sya dito. Gusto mo?" Nawala nanaman mata nya.
"Sigee. Hahaha."
Kung ano-ano na napagkwentuhan namin tungkol sa mga aso. Kung gaano nya kamahal yung aso nya. Andami pala namin common pagdating sa mga aso. Ang dami-dami pa nyang kiwento that night at ako naman habang nakatingin sa kanya. May side saakin na sana ako nalang yung aso nya. :/
'Lalo sya gumagwapo pagnakangiti sya. Hindi nakakasawa'
Simula noon, Medyo nagiging close ko sya. Ang lalaki akala ko ay napakatahimik na tao pero madaldal pala pagnaging kumportable na sya sayo. Unting-unti na akong nahuhulog sa lalaking ito.
DU LIEST GERADE
Shooting Star
KurzgeschichtenSabi nila pagnakakita ka daw ng shooting star. Humuling ka daw dahil matutupad ito. Itong kwento nato ay tungkol sa Isang Babae na naniniwala magkakatotoo ang hiling nya ng dahil lang sa isang shooting star. Hiling na minsan na sinukuan nya. Ang...
