Chapter 1: I am marrying who?

59.4K 737 25
                                    

Chapter 1 : I’m marrying who?

Christine’s POV

“Girl! Look, eto , Yum, bago kong ka-penpal, isang Kano.”

“Kano? Eh mga manloloko yang mga yan, eh Bessie baka kapag, naging kayo at nag-break kayo pupunta ka sakin na ngangawa-ngawa ah? Ay nako, sasapakin na talaga kita.”

“Eto naman si Christy, napaka-cold! Huwag mo akong itulad sa pagiging man hater mo ah, nako, gusto ko pang magka-boyfriend.”

“Tsk! Ay nako sinsabi ko sayo,”

Kumuha ako ng magazine saka nagkunwaring nagbabasa. Ayokong marinig ang mga sermon niya. naasar lang ako.

“Hello, Bessie? 3rd year college palang tayo, i-enjoy mo kaya ang sarili mo? Iniwan ka lang ng first boyfriend mo on the day of your wedding—“

“Shut it, I don’t want to recall that stupid day.”

Yeah, I supposed to be married with my boyfriend, Jean, pero siya pa yung nag-ala runaway bride or should I say runaway groom to be precise at sumama sa classmate ko, a slut.

Mga manloloko lang naman ang mga lalake eh, they don’t deserve to be loved. Parang si Daddy? He left us and sumama sa kabit niya. I know na hindi dapat ganun ang trato ko pero masisisi niyo ba ako? Katulad lang ni Jean at ni daddy ang lahat ng lalaki.

“Hoy Bessie! Tulala ka nanaman.”

Winagayway niya ang palad niya sa tapat ng mga mata ko kaya nabalik ako sa huwisyo ko.

“Sorry.”

Natuon ang atensiyon namin ni Carla nang marinig na may kumatok. Bumukas ito at dahan dahang pumasok si Mommy sa loob.

“Christy, pwede ko ba kayong ma-istorbo ni Carla?” Pagpapa-alam niya.

“Sure Mommy, may kailangan ba kayo?”

“Actually we have some visitors downstairs and we want to talk to you.”

Kumunot ang noo ko. Biglaan naman yata?

“Ngayon na? Wait mag-bibihis lang po ako.”

Wala akong nagawa kundi ang tumayo. Inayos ko ang sarili ko para naman maganda ako tingnan sa harap ng mga bisita. Kung sino man sila.

“Sasama ako, Bessie.”

Singit naman ni Carla saka tumabi sakin at nag-ayos na rin ng sarili.

“Sige aantayin ko nalang kayo sa baba.”

Lumabas naman agad si Mommy. Nagpalit ako ng damit ang naglagay ng light make-up to look more presentable.

“Bessie, tingin mo sino yung mga bisita niyo sa ibaba?”  Tanong ni Carla.

“Baka mga investors lang sa business ni mommy,” Sabi ko habang naglalagay ng lip gloss.

“Eh bakit pati ikaw kelangang kausapin?”

Napa-ismid ako. Ipinanganak ba siyang walang common sense?

“Hay nako Carla, malamang I’m at my legal age para ma-involve sa business ni mommy.”

Inilapag ko ang lip gloss saka inayos ng kaunti ang buhok ko.

“Oo na, kinakarir mo na yan ah.”

“I’m finished,tara baba na tayo,” Pagyayaya ko.

Bumaba na kami ni Carla saka pumunta sa sala, nang makita ko ang mga bisita, napansin ko na mukhang mag-asawa sila and they’re looking at me at nang magkatama ang mga mata namin, nginitian nila ako.

Marrying that Casanova (MTC)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora