Chapter 1: I am marrying who?

Start from the beginning
                                    

“Oh, Christine come and join us,” Pag-aanyaya ni mommy samin ni Carla.

Umupo kami ni Carla sa tabi ni mommy saka pumirmi. Siyempre dapat may manners. Wag lang sanang sumpungin ng pagiging retard itong si Carla. Mahirap na.

“So siya na pala iyan? Wow, hindi ko akalaing mas maganda siya sa personal,” Nakangiting sabi ng babaeng may edad na rin.

“Thanks for complementing my daughter. Alam niyo na, mana sa ina. Mr. and Mrs. Collin, are you sure na siya na talaga?”

Hindi ko maisip kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila kaya sumingit ako.

“Excuse me, pero what do you mean na ako na?”

“Hindi pa ba nai-kwe-kwento ng Mommy mo sayo ang napagkasunduan namin?” Sagot naman ng bisita naming lalaki na may edad na rin.

“Sorry sir but I have no idea about this,” sabi ko.

Nagpalitan sila ng tingin kaya mas lalong lumaki ang tanong na nabuo sa utak ko. Anong kasunduan and tinutukoy nila at bakit ako nasama?

Hinarap ako ni Mommy saka hinawakan ang dalawa kong kamay.

“Listen Christine, you are going to marry their son,” Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Napatayo ako sa couch at hindi ko na napigilang hindi mag-react.

“I’m WHAT?! Mommy, you know how much I hate boys and you-“

“Listen carefully, mahina na ang sales ng business natin since this past three years at alam mo naman na hindi nakatulong-basta alam mo na iyon. I met Mr. and Mrs. Collin, tinulungan nila akong maibalik ang sales ng Shoe Business natin, infact mas napataas pa nila ang sales natin, napag-kasunduan rin namin na i-merge ang business natin sa business nila in one condition. Ipapakasal kita sa anak nila. Don’t worry, hindi gurang ang mapapangasawa mo, kasing edad mo lang siya, nakita ‘ko na ang mga picture niya at sobrang gwapo niya!”

Halata sa mga ngiti ni Mommy kung gaano siya kasaya. Ako lang ang hindi dahil naiinis ako!

“Eh kung na-gwa-gwapuhan ka sa kanya, bakit hindi nalang ikaw ang magpakasal?” Naiinis na sabi ko kay Mommy.

Alam niya naman diba? Isang taon palang naman nung huli akong nasaktan dahil sa pagpapakasal ko pero ngayon ipapakasal niya ulit ako?!

“Christine naman eh,” sabi ni Mommy.

“Don’t worry Hija, hindi ka mag-sisisi sa anak namin,” nakangiting tugon ni Mrs. Collin.

“Sige na Bessie! Para rin naman to sa business ng Mommy mo eh, nasa legal age ka nanaman na.”

Nagulat ako dahil biglaang pag-singit ni Carla sa usapan.

“Carla, pati ba naman ikaw?!” Sigaw ko.

Oh great! Palagi nalang business! Business at business, hindi ba pwedeng magpakasal ako dahil gusto ‘ko?!

“Sige na hija, pumayag kana, Ikaw nalang ang natitira naming pag-asa para sa anak namin,” Pagmamakaawa nila.

Umiling ako at napapikit. Hinigit ko ang kamay ko at inalis ang pagkakahawak ni Mommy.

“No, ayoko,” matigas na sagot ‘ko.

Tumayo ako sa kina-uupuan ko at umalis.

“Where are you going?” tanong ni mommy.

“Sa labas magpapalamig lang.”

Walang lingong-lingong sabi ko kay Mommy.Iniwan ko na silang apat sa loob at lumabas.

Marrying another man? Not again, not a chance! Ayokong maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko nung araw ng kasal ko!

Marrying that Casanova (MTC)Where stories live. Discover now