chapter five: Lagot!!

2.4K 126 5
                                    


Hailey's POV

"Hailey sinu yang kasama mo??" Tanung ni papa lagot ako nito pati sila mama at yung dalawa kung kuya ... yung mga mata nila parang nag tatanong din. Huhuhu patay!!

"Ah papa kaibigan ko lang po siya!!" Please maniwala ka papa

"Papasukin mo hailey at dito na rin siya mag dinner " si mama

Ito si mama parang hindi naman galit mukhang kinikilig pa tsk ..

So pumasok na kami sa loob, inaalalayan kasi ako ni Ozewin na mag lakad kasi nga po masakit yung paa ko eh!! Itong sila mama kung makatingin tss.

"Bat ganyan kayo kalapit sa isa't Isa huh??" Si kuya hideo

"Ah!, Natapilok po kasi ako kanina at masakit parin po tong paa ko kaya po inaalalayan ako ni Ozewin kuya." ako baka kung ano-anu na naman kasi ang isipin nila

"Ah! Mag syota ba kayong dalawa huh ?? Hailey" si kuya Hans naman to .. Bali tatlo kasi kaming mag kakapatid .. Ito naman si kuya straightforward kung mag tanung

"Ah!!,, Hin----" putulin ba naman yung sinasabi ko , bastos talaga tong Ozewin na to

"Opo"siya oo kami--- anung kami ???

"Hoy Ozewin anu bang sinasabi mo dyan??" Tanung ko

May saltik ba to?? Oo kami peRo fake lang yun,,.. aish pinapahamak ba ako ni Ozewin yaaah kinakabahan na nga ako eh!!

"Diba tayo naman talaga" siya hindi ako makapag salita ngayon

"Kami po nang anak niyo ma'am, sir sana po wag niyo kaming paghihiwalayin mahal ko po Ang anak niyo " yaaah anung nangyayari dito Kay Ozewin na to!!, Anu Bang nakain niya at bat siya ganyan ??

"Hindi po yun totoo yun nag jojoke lang po siya joker po kasi siya he he he"aigoo kinakabahan na ako ang awkward kasi nakatingin sila sa amin

"Hailey okay lang sa amin na mag ka boyfriend ka basta wag mong pababayaan ang pag aaral mo " si papa peRo seryoso parin yung mukha niya hooo!!,, Natanggal yung pagka-kaba ko hahaha

"Opo papa"=_=

":) So boyfriend mo talaga siya anak ??" tanung ni mama

Eeh!! Tinignan ko si Ozewin aba kumindat pa ang loko tsk oo na nga ako wala na eh!! Na corner na ako..

"Opo mama" si mama naman hindi talaga siya galit naka ngiti pa nga siya eh!!..

"Ahmm iho Anu pala pangalan mo??" Tanung ni mama ..

"Ozewin Ezekiel Tan po " siya

"Oh!!, Jan muna kayo ha ihahanda lang namin yung pagkain,, tara na hail's " huh??? peRo--- tinignan ko si Ozewin peRo tumango lang siya

"Sige po ma" inaalalayan lang ako ni mama

********
Ozewin POV

(FIRST TIME haha)

Anu ba kasing naisipan ko't sinabi ko yun ?? Aish patay ako nito eeh!! peRo nasabi ko na!!.. kung tatanungin niyo ako kung bakit ko yun sinabi I have no idea basta bigla na lang yun lumabas sa bibig ko tsk

So andito kami sa may sala nila hailey mukhang iinterviewhin ako nito

"Oy Ozewin anung sport mo??" Tanung nung kuya ni hailey si kuya Hans yata to??

"Ahmm basketball po ,, ikaw po anung sport mo??" Tanung ko medyo awkward eh!!

"Basketball din.. oy kuya na lang tawag mo sakin huh?? " Sabi niya

Yung papa ni hailey tahimik lang pati yung kuya niyang Isa si hideo??

"Iho wag mo sanang saktan si hailey daHiL mahal na mahal namin yang bata na yan!!" Oh!! Ayan na yun papa ni hailey ang seryoso huhuhu haha joke

"Opo pinapangako ko po" sabi ko w/ taas kamay pa yan ah!! Bakit ba kinakabahan ako eh!!

"Wag mong sabihin.. gawin mo" Isa pa to ang serious masyado to!!,, Si hailey at kuya hans lang ata ang hyper pati yung mama niya

"Atsaka iho tawagin mona lang kami na Tito Hansel at tita haidee :) at sila naman kuya na lang Ang itawag mo sa kanila" oh !! Ayan gumaan na yung atmosphere

"Kain na,, halina kayo dito!" Si tita haidee ang bait bait nila ..

Tapos ayun mag katabi kami ni hailey ,, nag Simula na kaming kumain medyo nahihiya pa ako ng kunti peRo ayos na din... si hailey naman biglang kinurot yung kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya

"Anung sinabi sayo??" Bulong niya sa akin!..

"Wala naman" sabi ko

Natapos na kaming kumain kaya nag paalam na rin akong umuwi Gabi na rin eh!!

"Sige po tita,tito mauna na po ako atsaka maraming salamat po sa masarap na dinner :)" so ayun lumabas na ako

Sumunod si hailey sakin hanggang sa labas nang bahay nila.. tapos bigla na lang niya akong sinuntok ..,. Ang sakit nun ah ang lakas niyang manuntok eh!!

"Aray ko naman ,, bat ba bigla bigla kang nanununtok dyan ha??!" Tanung ko kunyari galit haha

"Eh!!, Ikaw kasi kung anu-anu pinag sasabi mo tsk bwisit ka"

Kaya ayun hinawakan ko yung kamay niya para tumigil na siya sa pag suntok sa akin..

"Tsk uuwi na nga ako sinusuntok mo pa ako... bye bye!!" Lumapit ako sa kanya ..

Inilapit ko yung mukha niya sa mukha ko haha ang cute niya talaga.. peRo hindi ko maintindihan kung bakit ko to ginagawa .. inilapit ko na talaga yung mukha ko hanggang mag kadikit na yung mga ilong namin peRo bigla siyang pumikit kaya hinalikan ko siya sa noo niya..

"Good night yam ko... tsk hindi kita hahalikan" sabi ko

"Tsk bakit hindi naman ako nag expect ha!!" Ayan na naman siya haha ang cute niya talaga mainis

"Pumasok ka na sa loob " sabi ko sabay pitik doon sa noo niya haha kaya tumakbo na ako baka suntukin pa ako

"Yaaah.. pabo" tsk ...

Ang bilis nang tibok nang puso ko nahuhulog na ba ako sa kanya??? Hindi baka napagod lang ako tama Ozewin!!,, Pagod ka lang.. peRo aish..

Lagot kang puso ka baka walang sumalo sayo tsk tsk...

*********
Lame po ba tong update ko ... sana po nagustuhan niyo nainspired ako kasi umuulan haha joke
Hope you like it mwuah mwuah

P.s: vote and comment po .. love yah

My FAKE Boyfriend turn to REAL!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon