Chapter twenty four.

Magsimula sa umpisa
                                    

"So meaning..hindi na pala talaga kami makakalaya sayo ng anak ko? Ganun? Franco..yung totoo, sira naba yung ulo mo?" I asked him, he just give me his unfamous smirk. Ghad! Maslalo akong naiinis! 

"Yeah..simula ng umalis ka. Baliw na ako....nabaliw sayo." Sabi niya ng titig na titig sakin habang naka-smirk. Ohghad! My life is great. Yung dating hinahabol ko tapos sinaktan lang ako..eh nandito sa harapan ko..pilit na gustong magpakasal sakin. Tapos sasabihan akong mahal niya..tapos ngayon naman..baliw sakin. Yeah..what a great life. 

"Yeah. Whatever. Umalis na tayo, madami pa akong gagawin." Sabi ko sabaya talikod. Ayokong ipakita sakanyang apektado na ako sa mga sinasabi niya. Ghad Jam! Kapag nagpaloko kapa ulet, papatayin kana ni Michie. So you better..stop this! 

Sinenyasan nalang niya yung mga tauhan niyang tumabi para makalabas kami. Ano nalang mangayayre sa buhay namin ng anak ko kung parating ganito? But one thing's for sure...I won't commit the same mistakes I've done before. Tapos na ako doon..tapos na akong masaktan...tapos na akong mahalin siya at pahalagahan. 

————-

Nakarating kami sa Café ko ng hindi nag-uusap. Inaayos ko pa yung bag ko bago ako lumabas ng sasakyan niya, nauna nang lumbas si Franco sa akin..akala ko maghihntay na siya sa labas pero binuksan niya yung pintuan sa side ko. Tinignan ko naman siya ng nagtataka. 

"Ako na magbubuhat kay Kielle." Sabi niya sabay kuha kay Kielle. Hinayaan ko nalang siyang kuhain ang anak ko..napatitig naman ako sa mag-ama ko..wait..mag-ama ko? Am I seriously thinking that way? No..siyempre hindi. Erase..erase. 

Sumunod ako sakanila at pumasok kami sa loob ng Café ko. Nakita ko naman sila Mang, caloy at yung tatlong babae na nagkukumpulan at ng makita nila ako bigla silang lumapit sa akin. 

"Omayghad bruha! Nakita mo na si Kielle?!" Tanong sakin ni Angel habang yung mukha naman ng tatlo eh halatang nag-aalala parin. Sabagay hindi ko naman sila masisisi...halos mamatay na kaming lahat dito kahapon sa kakahanap sa anak ko. Buti nalang natawagan ko na kagabi sila mama. Hindi ko na sinagot si Angel..lumingon nalnag ako sa likod..tinignan din nila kung ano ang nasa likod ko...doon namin nakita ng sabay sabay na pumasok...ang mag-ama. 

"Sino siya?" Tanong naman ni Shasha. Tinignan ko siya bago sumagot. "Unfortunately..he's the father of my child."Sabi ko ng walang emosyon. 

"Naku Ma'am..pasensya na po talaga dun sa nangyare kahapon..hayaan niyo po babantayan ko na ng mabuti si Kielle kapag nandito." Pag-aantala naman ni mang Caloy sa usapan namin..ngumiti nalang ako sakanya. 

"Okay lang po yun manong..pasesnya nadin po kung nasigawan ko kayo kahapon." Sabi ko sakanya. "Naku wala po yun ma'am..balik na po ako dun sa labas." Sabi niya..tinanguan ko nalang siya bago siya tuluyang umalis. Tinignan ko ulet sila Franco at nakita kong naglalaro na isla ni Kielle sa isang bakanteng table.

Tumalikod na ako at nag-simulang mag-lakad papunta sa opisina ko..nang makarating ako..hindi ko namalayan na nakasunod pala sakin yung tatlong bruha. 

"HOY! GAGA KA! MAGPALIWANAG KANGA!" Sigaw ni Sophia..ang pinaka maingay sakanilang tatlo. Umupo muna ako sa swivel chair ko, humarap sakanila bago sumagot. 

"Anong ipapaliwanag ko?" Tanong ko naman sakanilang tatlo na naging dahilan para mag-mukha silang mga ewan. 

"Hoy! Yung gwapo dun sa labas! Ipaliwanag mo yun! May pa-unfortunately unfortunately he's the father of my child kapang nalalaman diyan! Ipaliwanag mo yun oy!" Sabi naman ni Angel. Umling-iling nalang ako bago sinimulang magkwento. Kwenento ko sakanila simula umpisa..hanggang sa nangyayare ngayon. Naantala lang ang kwento ko ng biglang pumasok si mang Caloy. 

"Uhm...excuse me po ma'am madami na pong nag rereklamong customer sa labas." Sabi ni mang Caloy. 

"Ay putspa! Oo nga pala may trabaho tayo! Mga gaga tara na!" Sigaw ni Shasha. Ay anak ng tipaklong naman talaga. Nagsitakbuhan na silang lahat palabas...pero bago lumbas si Shasha bigla siyang humarap sa akin...nagtaka naman ako. 

"Haynaku girl! Wag mong sabihin na unfortunately siya naging ama ng anak mo noh! Kasi jusko po! Ang gwapooo nun! Havey na havey!" Sabi niya bago sumunod sa dalawa. Napiling-iling nalang ako. 

Nagulat naman ako ng biglang magbukas ulet ang pintuan ng opisina ko..tinignan ko naman kung sino ang pumasok at doon ko nakita ang si Franco na buhat buhat si Kielle. Hindi padin ako makapaniwala..na magkasama na silang dalawa ngayon. Magkamukhang-magkamukha pa. 

"Ano bang ginawa niyo at nagalit yung mga customer mo?" Tanong niya ng umupo siya sa sofa ko sa loob ng opisina ko. Napailing nalang ako..wala ba'tong trabaho? Eh sa sobrang busy neto sa pagkakaalam ko eh imposible naman yun. 

"Wala kanang pakialam doon." Sagot ko nalang sakanya at pinabayaan ko sila ni Kielle na naka-upo doon at tinuon ko na yung atensyon ko sa mga ginagawa ko. Ayokong sagutin yung tanong niya...ano namang sasabihin ko na kwinento ko sa mga tauhan ko yung so-called love story namin? Napabuntong hininga nalang ako at tinuon yung atensyon sa mga gagawin ko.  

Maya-maya pa. 11:36 am..tingin ko sa orasan ko. Tinignan ko naman kung anong ginawagawa nung dalawa at biglang nanahimik..kanina kasi sobrang ingay nilang dalawa..tinuturuan kasi ni Franco magsalita si Kielle. Minsan nga hindi ko mapigilan mapangiti ng patago. Napabuntong hinnga nalang ulet ako.

Pagkatingin ko sakanilang dalawa..nakita kong natutulog sila..nakahiga sa sofa si Franco habang nasa ibabaw niya si Kielle..napangiti naman ako ng makita kong parehas pa islang naka-nganga..pero kahit naka-nganga na ang gwapo padin. 

"Hello Sha..padala naman kami ng Lunch dito..bilhan mo ako ng dalawang meal. Thank you." Sabi ko sa kabilang telepono ng sagutin ako ni Shasha. 

"Okay ma'am." Sabi niya naman sakin. "Siraulo! Ma'am kadiyan!" Sabi ko naman sakanya bao magpaalam..hindi kasi ako sanay na tinatawag nilang ma'am..madalas kasi 'bruha' 'girl' 'oy babae' ang tawagan namin. Tropa tropa chill lang kasi dito samin. 

Maya-maya pa ay pumasok na si Shasha na dala dala yung Lunch namin..napatingin naman siya sa mag-ama na natutulog. 

"Ay havey! Kahit tulog na naka-nganga yummy padin. Swerte mo girl!" Sabi niya. 

"Gaga! Lumabas kana nga! Magtrabaho ka dun uy!" Sabi ko sabay bato sakanya ng ballpen ko. 

"Sus! Madamot kalang ipakita sakin yung yummy mong asawa ee! Diyan kana nga! Babush!" Sabi pa niya bago umalis. "Hindi ko siya asawa!" Sigaw ko bago pa masara ng tuluyan yung pinto. Asawa? Tsk...hindi ko siya asawa at hinding hindi ko sa magiging asawa. 

—————-

Gabi na...tapos nanaman ang isang buong araw ko. Inaayos ko nalang ang mga gamit ko. Pagkatapos kong mag-ayos..lumabas ako naabutan ko ang tatlong babae na nag-aayos nadin para umuwi. 

"Kayo nalang magsara mang Caloy huh?" Sabi ko kay Mang Caloy..tinanguan nalang niya ako. Lumbas na ako at nakitang naghihintay sa labas si Franco habang buhat-buhat si Kielle na kakatulog lang ulet. Lumapit naman ako sakanya. 

"Uuwi na kami Franco..Umuwi kana din." Sabi ko habang kinukuha sakanya si Kielle. 

"No. Uuwi tayo." Madiin na sabi niya sakin. 

"Hindi pwede Franco! Uuwi na kami!" Sigaw ko sakanya. 

"No! Una palang sinabi ko na sayo na mahal kita Jam! At ganito ako magmahal..na mawawala ka palang sa paningin ko pakiramdam ko iiwanan mo nanaman ako!" Sigaw niya pabalik sa akin...

At sa pangalawang pagkakaton..napatulala nanaman ako sa  mga sinabi niya.

———————-

Intense! 

Author's note: Pasensya na sa late update. Salamat sa lahat ng nagpagaan ng loob ko! Love you guys! You know who you are if you're one of them! Hihi. Xoxo :* 

Dedicated to: PrincessVale. Hi dear! Thanks for reading! xx Ps: kinilig ako dun sa Mrs. Teng. Hihi :"> ♥

Vomments please :))

|Ifitsmeanttobe| Jeron Teng's ♥

Desperate Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon