Chapter 30: Regalong Padala

Depuis le début
                                    

Habang hinihila ko ang aking kaibigan, at naglalakad pa rin kami ay hindi ko namalayan na napunta kami sa school gate sanhi sa sobrang seryoso kong makatakas sa nangyari kanina. Tumigil na kami sa may labasan at binibitawan ko na si Rouie. Inikutan ako ng mata ng aking kaibigan dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Bakit mo ko hinihila na parang trolley bag?" pananaray ni Rouie habang nakahawak sa kanyang baywang.

"Paanong hindi ko gagawin sa'yo 'yun? Mahuhuli ako na tinitignan ko si Dakilang Zean at pati na rin ang mga kasama niya. Baka isipin tuloy sa akin ay isa akong dying hard stalker. Nandoon kasi ako, o iniisip na tinutunaw ko siya sa aking mga titig." pangangatwiran ko. Nakita kong ngumisi si Rouie at sinimulan niyang tusok-tusukin ang aking tagiliran.

"Sus, pakipot ka pa! Alam ko naman na gusto mo siya kaya tinitignan mo nang maigi ang iyong beloved seatmate na halos malusaw na parang icecream." pang-aasar niya sa akin habang pinagpatuloy ang ginagawa sa akin, at dinamay pati ang aking braso.

"Adik!" sigaw ko, at pinalo ko ang kanyang kamay para tumigil sa kanyang ginagawa.

Asaran, chikahan, at harutan ang ginagawa namin sa aming pwesto pero may pumigil sa aming kinikilos. May batang lalaki na 8 years old ang lumapit sa amin para kausapin kami. Hindi ko lang alam ang dahilan kung bakit pumunta siya sa amin.

"Ate na may ribbon sa ulo, may nagpapamigay po sa iyo 'to." sabi ng bata, at inabot niya ang kulay ube na kahon sa akin. Sumalubong ang dalawa kong kilay sa nangyaring eksena na hindi ko alam kung ano meron.

"Ah, thank you! Bata, kanino galing ito?" pagtatakang tanong ko, at kinuha ko na 'yung kahon na hawak ng esudyante.

"Ate, hindi ko po siya kilala. Basta, sabi po niya na ibigay ko raw po sa'yo." paliwanag ng bata sa akin na nanenerbyos ang kanyang itsura.

Si Mysterious Person kaya ang tinutukoy niya? Siya lang naman ang nagbibigay ng kakaibang regalo sa akin. Kapag nalaman ko kung ano ang itsura niya ay posibleng malaman ko na kung sino siya. Sana lang na sabihin ng bata kung ano ang kanyang anyo. Sigurado na isa rin siyang high school student at dito rin nag-aaral.

"Pero, alam mo ba ang itsura ang taong nag-abot sa'yo? Natatandaan mo ba?" diretsuhan tanong ni Rouie sa bata. Mukhang gusto rin makilala ng aking kaibigan ang tunay na pagkatao ni Mysterious Person.

"Mga Ate, hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo baka suntukin at sipain po ako. Mukha siyang monster, at tinakot niya po ako na huwag magsalita tungkol sa kanya." kinakabahan na wika ng bata habang nanginginig ang mga tuhod. Isang big deal na tao pala si Mysterious Person, dahil sobrang natakot ang bata sa kanya.

"Sige, maraming salamat sa inabot mo sa'kin." ngiting tugon ko sa bata.

"Wala 'yun po, ginawa ko lang 'yung utos po. Mga Ate, kailangan ko na pong umalis, bye-bye!" pagpapaalam ng bata habang kumakaway. Ngumiti siya sa amin, at umalis na siya sa kanyang pwesto para pumunta sa ibang destinasyon.

Nang nawala na ang bata sa harapan namin ay bigla kaming napatingin sa hawak kong kahon, at nag-usap kami tungkol sa taong nagpadala nito. Patay na patay na rin kami sa kuryosidad kung sino si Mysterious Person, dahil nagtatago pa rin ito sa dilim. Wala talaga kaming lusot sa kanya para makikilala kung sino talaga siya; playing safe ang kanyang ginagawa.

"Sa tingin mo Tuesday, sino naiisip mo sa sinabi ng bata?" pagtatakang tanong niya sa akin at nilagay ni Rouie ang index finger niya sa kanyang labi na parang nag-iisip.

"Si Jy?" hindi siguradong sagot ko sa kanya, at kumunot ang aking noo. Siya kasi ang taong pumapasok sa isipan ko kapag sapakan at away ang usapan. May pagka-bully kasi ang ugali ni Jy na kinakatakutan ng lahat sa school.

45315454 1351919175Où les histoires vivent. Découvrez maintenant