Daldal siya nang daldal, pero hindi ko siya pinapansin! Hanggang sa makalabas na kaming dalawa ng company! “Marie!!” Sigaw niya saka hinawakan ang kamay ko at hinarap ako sakanya.

“Fine! I’m sorry!” Sigaw niya! “Mag usap tayo ng matino hindi yung ganito, trabaho lang walang personalan.” Aniya saka marahan na binitawan ang kamay ko, humugot ako ng isang malalim na hininga.

“Paano ako makakasigurado? Hindi ba ikaw ang unang namersonal.” Naiinis na sabi ko sakanya, napapikit siya ng mariin. “I’m sorry, hindi na mauulit. I need you Marie, kailangan ko ng tulong mo para dito..” Bulong niya, ngayon mas malumanay na ang boses niya, “Paano ko maibibigay ang tulong ko sayo kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan?” Mariin na tanong ko sakanya, “Alright, makikinig na ako. Pero, kailangan mo rin ng opinion ko.” Aniya, tinignan ko muna siya at tumango ako, tahimik kaming bumalik ng opisina niya pero yung mga kasamahan ko hindi natatahimik.

“Baka ibinigay ang sarili kaya hinahabol siya ng boss natin, hindi ba kalat na kalat ang video niya?” Nagpantig ang tenga ko  sa narinig ko, h’wag mong pansinin Marie. “Yuck, ang cheap talaga.” Mas binilisan ko ang lakad ko pero kahit anong gawin ko rinig na rinig ko pa rin ang pag uusap ng dalawang iyon! “Tsk, malandi.”

Pagkapasok na pagkapasok namin sa opisina naming dalawa, “Bakit hindi mo sila labanan? Hindi ba matapang ka?” Tanong niya, umiling ako at pilit kong pinatatag ang boses ko kahit na pakiramdam ko kahit anong oras mababasag na ang boses ko dahil sa pinipigilang iyak, dammit. “Hindi purket nananahimik ako duwag na ako, minsan ang pananahimik ko ang nagpapalakas ng loob ko sa lahat ng ‘to.” Bulong ko saka umupo na sa table ko at nagsimulang mag ayos, ramdam kong tinititigan niya ako pero hindi ko nalang iyon pinapansin. Ang bigat bigat pa rin ng  pakiramdam ko sa tuwing makakarinig ako ng masasakit na salita mula sa mga mapanghusga na tao.

“Ihahatid na kita!” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Tom Andres, nandito na ako ngayon sa parking lot, sa tapat mismo ng kotse ko. “Hindi mo ba nakikita? May auto ako.” Walang ganang sagot ko at binuksan ko na ang kotse ko, tapos na rin ang oras ng trabaho  ko sakanya, mag aalas-siyete na ng gabi, tinext ako ni Drake na susunduin niya ako pero tinanggihan ko rin siya, sinabi kong gusto ko munang mapag isa kahit ngayon lang.

“Kahit ngayon lang?” Suhestiyon niya, umiling lang ako. Inilagay ko lahat sa back seat ang mga folders ko, “No.” Mariin na sagot ko saka iniwan ko na siyang nakatunganga doon.

Nakakainis sumabay pa ‘tong traffic, napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong tumatawag si Drake, isinaksak ko ang earphone ko at sinagot iyon. “Yeah?” Untag ko, narinig kong huminga siya ng malalim, “Is everything alright sweetheart?” Tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang husky niyang boses, mukhang kagagaling lang niya sa pagtulog. “Yes.” Plain na sagot ko, narinig kong parang may hinila siya. “Liar. Boses mo palang alam ko na, bakit ayaw mong magpasundo saakin? May ginawa ba sayo yung asungot na yon?” Galit na tanong niya, “Wala Drake, sige na nagdadrive ako mamaya na tayo mag usap. Saka pagod ako.” Walang ganang sagot ko saka pinatay ko na yung tawag niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko magmula kanina, naisip ko lang palagi ba akong susundan ng anino ni Leo? Palagi bang madidikit ang pangalan ko sa mga paninira nila. Pakiramdam ko ang baba ko na, sobrang baba ko na hindi ko na alam kung paano ko ulit itataas ang sarili ko.

Wala pang twenty minutes magmula nang tumawag si Drake nakatanggap naman ako ng text mula sakanya.

From Drake

 

Buksan mo yung radio mo, 94.0 sweetheart.

Napakunot ang noo ko pero kaagad ko din sinunod ang sinabi niya, inilipat ko sa 94.0 ang station ng radio nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Biglang nag red lights kaya naman huminto ako.

--Alright! Napakinggan niyo ang Wonderwall by Oasis, ang next song natin ay Fix You by Coldplay.. This song was requested by Drake Cortezano, para daw kay Kei Marie ang sabi niya sa text ‘hey sweetheart, this song is for you. Mahal kita, ganun lang kasimple yon.’ You know what guys, bihira nalang sa panahon ngayon ang gumagamit ng endearment na yan ha! Kung sa iba ang korni pakinggan, well walang korni pagdating sa pag ibig, dahil hangga’t nandiyan yan lahat ng pinaka-korning salita magagamit mo para lang maiparamdam sakanya kung gaano mo siya kamahal. So, here is it, hey Kei Marie if you’re listening, mahal ka daw ni Drake Cortezano ganun lang kasimple yon..This is Dj Jenica  and you are listening to 94.0 Sweet’s Radio ayos!—

Napanganga ako pagkatapos kong marinig iyon, sobrang bilis ng pintig ng puso ko nang magsimula na ang kanta.

~~ When you try your best but you don't succeed
When you get what you want but not what you need
When you feel so tired but you can't sleep
Stuck in reverse~~


Nag-e-echo pa rin sa isip ko ang mga sinabi ng Dj kanina. Parang may kung anong pumipilipit sa loob ng tiyan ko at nagsisimula nanamang magkarera ang mga kotse sa puso ko, nagpapaunahan nanaman sila Finish line, lahat sila gustong makarating doon.

~~When the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone but it goes to waste
Could it be worse? ~~ 

 

Para akong timang na tulalang tulala ngayon, para bang nag slow motion sa pagtawid yung mga tao, at bawat sasakyan na umaandar sa kabilang kalsada bumibilis ang andar..

~~And high up above or down below
When you're too in love to let it go
But if you never try you'll never know
Just what you're worth~~ 

 

Napahigpit ang kapit ko sa manibela ko, at pilit kong kinakalma ang sarili ko sa nararamdamang pagloloko ng abnormal na tibok ng puso ko. Napapitlag ako nang marinig kong may bumusina mula sa likod ko!

“Dammit Marie...” Wala sa sariling bulong ko, mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko.

Napakunot ang noo ko nang humina ang tugtog muli ko nanamang narinig ang boses ng Dj, at mas lalo akong nawala sa sarili nang mapakinggan kong mabuti ang sinasabi niya.

--Kei Marie, he wants to see you tonight. Same place, kung saan daw kayo madalas umiyak at tumawa. ‘Sweetheart, yayakapin kita hanggang sa mawala na lahat ng stress sa katawan mo!’ Ohh my god, I really can’t believe this man! Seriously, tumitindig ang balahibo ko sa kakornihan niya, you really love her Kuya ha!--

****

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now