“Hindi ako mag oopisina dito, naiintindihan mo yun?” Pagdidiin ko, kumuyom ang panga niya at sumama ang tingin niya saakin, iniangat niya ang telephone sa lamesa niya at itinapat iyon sa tenga niya, napanganga ako nang makita kong denial niya ang number sa opisina namin ni Mateo, the hell! Paano niya nalaman yon?! Geez, kaya ba sobrang aga niya dahil inalam niya ang mga numero dito? Tsk.

“Hello Mr.Delameo, pakiakyat lahat ng gamit ni Ms.Gonzales dito sa opisina ko... Yes, lahat.” Yun lang at ibinaba na niyang ulit ang telephone, dammit Tom Andres!! Padabog akong umupo sa single couch niya at nag cross arms ako!

Maya maya lang dumating na si Mateo na nagtutulak ng dalawang kahon, “Ang dami naman niyan!” Gulat na gulat na sabi ni Tom Andres, tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ba yan naman ang gusto mo? Well, ganyan karami talaga ang gamit ko. Thank you Mateo,” Mapang asar na sabi ko saka tinulungan si Mateo, ipinatong ko lahat ng gamit ko sa isang table at padabog na nag ayos,malungkot na umalis si Mateo ng opisina nitong Tom Andres na ‘to. Nakakainis, hindi ko na makakasama masyado si bakla, pero pwede ko pa rin naman siyang isama sa mga seminars na pinupuntahan ko.

Inaayos ko na ngayon yung mga papeles na ibigay saakin ni Mr.Go para ipakita kay Tom Andres, lumapit ako sakanya na ngayon ay abalang abala sa pagbabasa at pagpirma ng kung ano ano.

“Here, pag aralan mo lahat ng yan. Kailangan mong makuha ang taste ng mga investor’s para sa next product na gagawin ng company natin. Soap and shampoo ang balak ilabas ng company natin this year, ang Cortezano Group of company ang leading ngayon,” Paliwanag ko sakanya, napansin kong napakunot ang noo niya, “Hindi ba masyado ng common ang soap and shampoo? We need something new.” Aniya, pinagtaasan ko siya ng kilay. “For your information Sir, ang sabon at shampoo ang ginagamit ng mga tao sa araw araw, may iba ka pa bang naiisip na product na pwedeng mapakinabangan ng mga tao?” Naiiritang tanong ko sakanya, tumikhim siya at padabog na hinila saakin ang presentation papers.

“This is trash.” Aniya saka inilipat lipat ang pages ng mga ginawa ko, nag init nanaman ang ulo ko! Hindi ba niya alam na dalawang buwan kong tinapos yang presentation na yan?! Ghad, bago ako umalis dito sa company na ito tinapos ko yan! Tapos sasabihin niya basura lang! Padabog kong kinuha sakanya iyon at umalis ako ng opisina niya, napaka-insensitive niyang tao!

Bago pa man ako makasakay ng elevator ay naramdaman ko nang hinila niya ang braso ko! “You don’t have the right na talikuran ako, I’m your boss! Sinasabi ko ang pagkakamali mo!” Sigaw niya saakin! Naglabasan sa mga opisina nila ang mga kasamahan ko at naki-isusyo. Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at nag cross arms ako at tumingala para matitigan ang pagmumukha niya! “Well sorry SIR! Ayoko mang talikuran kayo pero yon ang gusto kong gawin! At anong sabi niyo? Basura ang ginawa kong presentation? Nakakahiya naman sa inyo dahil kung ang tatay niyo nga inaprubahan yung ginawa ko tapos ikaw hindi? Samantalang baguhan ka palang dito! Hindi ba ang trabaho ko dito maging secretary at assistant mo na magtuturo ng mga dapat mong gawin?!” Sermon ko sakanya, yeah right I’m acting like a boss here! Hindi ko na talaga matiis ang ugali niya!

“At ganyan ang pag trato mo sa boss mo?!” Bulyaw niya saakin, nakakatakot ang mga mata niya pero hindi ko ipinapakita na nasisindak ako! “You know what?! I quit!!” Hiyaw ko saka ibinato ko sakanya ang I.D ko sa company at nagmadaling sumakay ng elevator! Pero sumunod din siya saakin!

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now