The Hidden Truth/Lorelei's Past

6.7K 202 5
                                    

Jasper's POV

"J-Jasper? K-Kanina ka p-pa ba d-dyan?" halata sa boses niya na kinakabahang ano siya. Ako rin naman eh, lalo na ng marinig ko ang boses niya. Kaboses niya si Angelica... kahit ba humming lang iyon, dahil yon ang hina-hum niya ng magkita kami sa park...

"I-Ikaw ba yung nag-ha-hum at tumutugtog?" tanong ko. Obvious ba Jasper? Siya nga lang ang tao dito eh.

"O-Oo. Sige, aalis na ako." sabi niya sabay pupunta na sana sa kabilang exit ng biglang...

"Sabi ko na nga ba sayo Charles si Lyka yun eh! LYKA!" sigaw ng isang babae kay Lorelei. Pero, bakit Lyka? Lyka? Angelica? Parang parehas lang yun ah.


Hindi nila ako napansin dahil agad silang pumasok at tumakbo papunta kay Lorelei. Teka, si Charles yung lalaki na yun diba? At yun yung nililigawan niya, yung kasama niyang babae, si Sabrina ba pangalan nun?

"Sabi ko na eh, ikaw lang naman ang nag-iisang estudyante sa school na toh ang magaling tumugtog ng piano eh. Teka, yung tinutugtog mo kanina, para ba yun sa 2nd Round ng Battle of the Bands? Ang ganda ha? Ba't di mo agad sinabi samin?" tuloy-tuloy na pagsasalita nung Sabrina. Teka, anong Battle of the Bands? Anung 2nd Round?

"Angelica! Ano ba yang ginagawa mo! Diba kabilin-bilinan satin bawal tayo tumugtog dito o kahit saang public place! Pano nalang pag nabosesan ka nila? Pano nalang kung makilala ka nila? Jusko naman Angelica! Pinapahamak mo kami pati sarili mo! Pano kung malaman nila kung sino ka ha? Anong gagawin mo?" tuloy-tuloy din na sabi ni Charles. Kelan pa nakapagsalita ng tuloy-tuloy toh? At ano ang mga narinig ko?

Nabosesan? Sino ba siya? Nakilala? Sikat ba siya? Malaman kung sino talaga siya? Eh sino nga ba talaga siya? At Angelica? Angelica din ang pangalan niya? Takte gulong-gulo na ako!

"T-Teka l-lang? Ano yung mga pinagsasasabi niyo?" sumingit na ko sa usapan. Nung may narinig silang ibang boses, para bang nagulat sila. Na dapat walang makarinig.

"T-Teka, JASPER?! IKAW YAN?!" sigaw bigla sakin ni Charles. "Patay Charles, yari tayo. Bunganga kasi natin walang preno ta's di pa natin napansin na may tao pala. Bistado tayo." bulong ni Sabrina sakanya pero narinig ko naman. 

"Ano yung mga narinig ko tungkol kay Lorelei?" pagtatanong ko. Sh*t naguguluhan ako.

"Ah.. Yun ba.. He-he-he... Wala yun!" awkward niyang ngiti. Halata ka masyado Charles. Higit sa lahat, ayoko sa taong manloloko at sinungaling. Kahit kaibigan o importente pa siya sakin.

Behind the Nerdy Look [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon