Jasper Managdayao

8.5K 322 17
                                    

Dedic ulit kay Rosalynne22. Sya nga pala ang gumawa ng cover ng book!! :) :) Yay !

On to the story!! :) :) PLEASE SPREAD AND COMMENT.

Picture of Jasper Managdayao on the right side: --------------------->

//////////////////////////////////////////\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

Jasper's POV:

Hay nakakainis late nanaman ako. Oh well, better late than never sabi nga ng iba.

Agad na akong nag-ayos at nag-almusal at lumabas agad ng bahay. Pumunta ako patungong garahe, syempre para kunin sasakyan ko. =____________=

Habang nagdi-drive magpapakilala muna ako. Ako nga po pala si Jasper Managdayao, 16 years old at ako'y nag-aaral sa New Valley High bilang isang 4th Year High School Student. :) :) :) Turing sa akin sa school ay Campus Heartthrob nga, pero sila na may sabi nun, at iritado ako dun. =______=

sabi nila ako daw ay: gwapo, mabait, matinik sa chicks, lapitin ng babae (kahit bakla nga daw eh), gentleman,matalino, mayaman, athletic at playboy.

Lahat naman yun halos totoo maliban lang talaga sa pagiging playboy. Di naman kasi ako ung tipong nakikipag-flirt sa babae, at pag nagmahal ako, totoo at stick to one. Hindi ako playboy, mapang-loko lang ako, mapag-biro ba? :) :) :)

Ewan ko ba kung saan nila napulot yang mga yan, basta ang alam ko, Campus Heartthrob ang turing nila sakin at wala akong paki dun.

Oops tama na muna kwento nasa school nako eh late pako. =______________=

Agad ko ng ipinark ang kotse ko at hinanap na ang room ko na nakapaskil sa may Bulletin Board. 

"Room 4-A.. Hmm.." sabi ko sa sarili ko habang hinahanap na ang room ko.

At ayun! Sa wakas nahanap ko na ang Room 4-A. Pagkapasok na pagkapasok ko, Oh, I forgot to mention, ang adviser pala namin ngayon ay...

"MR. MANAGDAYAO! BAKIT NGAYON KA LANG?! YOU'RE ALMOST AN HOUR LATE!!"

Si Mrs. Alonzo, siya ang pinakanakakatakot at nakakapanindig-balahibong terror teacher sa NVH.

"Ah.. Eh.. S-Sorry po maam, na-traffic po kasi ako pagpasok." Hoy totoo toh ah, wlang halong biro, maliban sa na-late nako, na-traffic pa ako.

Haay, mukhang kumbinsido naman si maam. "Is that so? Well then, you may take a seat wherever you want Mr. Managdayao ." 

Naghanap na ako ng mauupuan, ang kaso lang, kulang nalang higitin nila ako papunta sa kanila, makahawak sa braso ko eh wagas. =_________________=

"Jasper dito ka nalang!!!!"

"Hindi Jasper dito ka nalang!! Makikita mo pa yung board dito!!"

Aaaaaaah. Suko nako. At buti nalang...

"WILL YOU TWO SHUT YOUR STUPID MOUTHS?!"


First time ko masasabi toh pero, maam, thank you! ^______^V

Agad naman nagsibalikan sa mga ginagawa nila ung dalawang babae. May nahigit yung mga mata ko.. isang babae.. nakaupo siya sa may dulo ng classroom sa tabi ng bintana.

Napansin ko wala siyang katabi. Di kaya na-bully agad ito pagkapasok na pagkapasok niya? Alam kong transferee siya dito kasi ngayon ko lang nakita ang mukha niya at alam ko din na parang na-bully ito dahil sa hitsura niya. Kilala ko na itong mga kaklase ko, makakita sila ng taong naka-salamin, naka-braces at simple lang ang ayos eh kukutyain na nila agad ng 'nerd'. 'mahirap', 'panget', at kung ano-ano pang masasamang salita. Hmm.. 

Naglakad nalang ako at napag-desisyunan kong sa tabi nalang niya ako uupo. Hoy ah, di ako playboy tulad ng sinasabi nila, friendly lang ako kasi mag-isa lang siya dito. Mukhang di niya ata ako napansin, busy siya sa pagkopya eh.

"Hello." bati ko sa kanya with a smiling face.

**********************************************************************

Author's Paepal Note:

Yay andito na si Jasper! Hmm, ano kaya binabalak nitong si Jasper na toh? haha paki-antabayan po!!

New Rule:

Di po ako mag-U-UD hangga't wala akong nababasa kahit 5 or more comments man lang, kasi muntanga naman ako dito diba? Post ng post wala palang nagbabasa. :( :( :(

PLEASE SPREAD AND COMMENT. :) :) :)

Behind the Nerdy Look [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon