click here </3

1.4K 23 5
                                    

Iba iba ang mga experiences natin, hindi ko pwedeng ikumpara ang mga pinagdaanan namin sa inyo dahil iba iba ang tao at lahat ng relationship ay magkakaiba din. Isa lang pwede ko sabihin, lahat tayo ay nasasaktan, magkakaiba man ng sakit, bottomline: MASAKIT. Yung tipong ang sarap ng pagkain sa mesa pero kahit anung gawin mo wala kang gana kumain. Yung tipong parang gumuguho na ang mundo mo kasi iniwan ka na ng taong ginawa mong mundo for the longest time. Yung tipong lahat ng plano mo kasama sya pero ngayon nag paplano na siya kasama ang iba at ikaw naman nag paplano na lang mag isa. :( Well, gusto ko lang malaman mo, na hindi ka nag iisa, halos lahat ng nagmahal ng totoo ay nasasaktan ng mabigat sa hiwalayan. Hindi mo makakalimutan lalo na ang mga masasarap na ala ala at lalo naman hindi mo makakalimutan ang taong minahal mo ng sobra

MOVE ON ADVICEWhere stories live. Discover now