Chapter 16

2.6K 66 35
                                    

Girlfriend with Benefits
by...emzalbino

Chapter 16..

Medyo inip na Si Estong sa paghihintay kay Issay dahil alas singko pasado na ay wala parin ang dalaga. Ilang oras narin siyang naghihintay ngunit wala parin.

"Aling Tina, baka gabihin kaya si Issay sa pag uwi niya?" hindi nakatiis nitong tanong kay Aling Tina.

"Hi-hindi ko alam, Estong" sagot ni Aling Tina na parang naawa sa tagal ng paghihintay ng binata.

"Babalik nalang po ako bukas. Paki sabi nalang po sa kanya na mga alas siyete ay susunduin ko nalang siya dito sa ospital o kaya ay tatawagan ko nalang siya bago ko siy sunduin para sa pagsisimba namin" saad ni Estong na hindi nito napansin ang pagkabalisa ng ginang.

"Huh! Ah eh! Si-sige sasabihin ko sa kanya pagdating niya" kanda utal utak na sagot ni aling Tina dahil sa hindi malamang isasagot kay Estong.

"Mauuna nalang po ako at salamat po Aling Tina" paalam nito sa ginang.

"S-salamat din Estong at ingat ka sa pag uwi" ani Aling Tina na hinatid pa sa may pinto ang binata saka bumalik ito pagkatapos makaalis ni Estong.

"Inay, nakaalis na si Kuya Estong?" agad na tanong ni Ikay na nagtulog tulugan upang hindi siya kausapin at baka usisain pa sa kanya kung nasaan si Issay.

"Kaaalis lang niya" malungkot na sagot ni Aling Tina.

"Inay, papaano na iyan? May lakad sila bukas ni kuya Altaire tapos may lakad din sila ni Kuya Estong? Ano na ang gagawin ni ate Issay?" parang nalilitong tanong ng dalagang kapatid ni Issay.

"Ewan ko anak, pati nga rin ako eh kinakabahan na nababahala kung papaano lulusutan ni ate mo Issay ang problemang ito!" buntong hiningang sagot ni aling Tina.

"Inay, baka magkagulo iyong dalawang lalaki?" kinakabahang tanong ni Ikay sa ina nito.

"Sana ay hindi naman anak dahil ngayon palang ay alalang alala na ako!" hindi mapalagay na sagot ni aling Tina........" Nasaan na kaya ang ate mo at wala pa siya hanggang ngayon?" palakad lakad na tanong ni Aling Tina sa bunsong anak.

"Baka may pinuntahan lang sila ni Kuya Altaire" sagot ni Ikay sa ina nito sa nagtungo ito ng banyo.

....

Samantalang si Issay ay inayos nito ang sarili pagkaalis ni Altaire saka inilagay sa kwarto nila ni Ikay ang mga damit na binili sa kanya ni Altaire. May binili din si Altaire para kay Ikay na dalawang dress kaya nilagay nalang ni Ikay sa may ibabay ng kutson para makita ito ng kapatid.

Saktong alas sais ay umalis na siya ng bahay. Nagmamadali siyang sumakay ng taxi dala dala ang mga pagkaing binili ni Altaire para sa kanila. Alas siyete na ng makarating siya ng ospital at saktong nagsasalo ang kanyang inay at kapatid sa pagkain.

"Mano po inay" ani Issay sabay abot sa kamay ni Aling Tina at humalik sa pisngi ng kanyang inay at nilapitan nito ang gising na ama at hinalikan sa pisngi.

"Ate, bakit ngayon ka lang? Kanina pa naghihintay sa iyo si Kuya Estong ngunit nainip kaya umuwi na siya" agad na sabi ni Ikay kaya biglang kinabahan ito.

"Na-nagpunta dito si Estong?" gulat na tanong ni Issay.

"Oo at ang tagal niyang naghintay. Muntik na nga ring malanta ang ang dala niyang bulaklak eh!" wika ni Ikay habang magana ito sa pagkain.

"Nagdala siya ng bulaklak? A-anong sabi niya?" parang namumutla sa pag aalala si Issay dahil sa nalamang pagpunta ni Estong at noon din ay naalala niys ang sinabi sa text messages ng binata kagabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girlfriend with Benefits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon