Chapter 2

1.4K 29 2
                                    

Girlfriend with Benefits
by...emzalbino

Dahil sa dami ng nakain ni Altaire sa bigay na palabok ni Issay ay nabusog na siya at hindi na nga siya kumain pa ng lunch at ng afternoon tea time ay tanging brewed coffee nalang ang ininom nito para makakain pa siya ng dinner sa kanilang bahay.

Alas singko palang ng hapon ay umuwi na si Altaire dahil wala naman siyang importanteng gagawin sa opisina, natapos na niyang lahat ang mga appointments niya ng araw na iyon.

Saktong paglabas niya sa may carpark ay nakita niya si Issay at ang pamilya nito na nag aabang na ng masasakyan pauwi sa kanilang bahay. Dahil nasa gawing tapat niya ang kinaroroonan ng dalaga at pamilya nito ay binuksan niya ang bintana ng kotse at kitang kita niya ang matamis na ngiting sumilay sa labi ng dalaga.

"Issay, salamat nga pala sa palabok" sabi ni Altaire sa dalaga at nginitian nito ang mga magulang ni Issay at ang kapatid nitong si Danica o "Ikay" na mas bata ng apat na taon kay Issay.

"Walang anuman, Labs!" medyo nilakasan ni Issay ang bises nito para marinig ni Altaire ang kanyang sinabi kaya napangiti lang ang binata sa sinabi ni Issay na LABS at nakita pa ni Altaire na napailing ang Inay ni Issay sa sinabi nito at pasimpleng kinurot ang dalaga sa tagiliran nito ngunit parang baliwala lang kay Issay ang ginawa sa kanya ng kanyang Inay.

Baka mas lalo pa nilang kagalitan si Issay kayq nagpaalam na si Altaire, kumaway nalang siya bilang pamamaalam sa mga mag anak at ng muling mapatingin siya kay Issay ay pasimple pang kumindat ang dalaga kaya napapailing si Altaire.

"Nakakatuwa talaga ang babaeng iyon, nakapa kikay niya at ni hindi alintana ang mga nagbabantang tingin ng kanyang Inay" nakangiting bulong ni Altaire sa sarili habang nagmamaneho ito pauwi sa kanilang malaking bahay.

Pagka baba ni Altaire ng kanyang kotse ay deritso siyang pumasok ng kabahayan at nakita niya ang kanyang mommy Aurelia na saktong tatayo naman ito.

"Good afternoon, mommy" bati ni Altaire sa kanyang mommy sabay halik sa pisngi ng ginang.

"Same to you, iho. Napaaga yata ang uwi mo ngayon ah?" nagtatakang tanong ni Aurelia sa anak.

"Maaga ko po kasing natapos ang mga paper works ko for today kaya maaga akong umuwi para makapagpahinga naman" sagot ni Altaire sa kanyang ina......"Where's dad, mommy?"

"Nauna na sa kusina dahil nagugutom na daw" sagot ni Aurelia kay Altaire....."Iwan mo nakang muna sa sala ang mga gamit mo at sabay na tayong kumain ng hapunan" wika pa ni Aurelia at agad namang tumalima si Altaire dahil medyo humihilab narina ng kanyang tiyan sa gutom.

"Hi dad!" bati ni Altaire sa amang si Thomas ng mabungaran niya sa may hapagkainan na saktong papaupo pa lamang.

"Oh anak, andiyan kana pala! Let's eat para sabay sabay na tayo" anyaya niya sa kanyang panganay na anak at ang bunso ay si Allona na seventeen years old.

"Si Allona po?" maya maya ay tanong ni Altaire ng hindi makita ang kapatid na bunso.

"Nagpaalam siya na pupunta daw sa bahay ng kanyang kaibigan at doon narin daw siya kakain ng hapunan" sagot naman ni Aurelia.

"Baka kung saan saan na nagpupunta si Bunso, mommy?" may pag aalalang wika ni Altaire sa kanyang ina na napangiti naman ang kanyang ama.

"Kilala ko naman ang pamilya ng mga kaibigan ng kapatid mo iho kaya no worries dahil mababait ang mga kaibigan ni Allona" sagot ni Thomas sa kanyang binatang panganay.

"I just worried, dad. Alam niyo naman ang mga kabataan ngayon, marami ang napapariwara dahil sa mga barkada" sagot naman ni Altaire saka umupo ito sa katapat na silya ng ama.

Girlfriend with Benefits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon