Chapter 9

1K 34 4
                                    

Girlfriend with Benefits
by...emzalbino

Chapter 9..

"Do you agree of my opinion? Or I mean is, do you accept my offer for you?" seryosong tanong ni Altaire kay Issay na nakatitig ito sa dalaga.

"Gulong gulo ang isip ko ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung tama ba o mali ang bawat binibitawan kong mga salita?" napahugot ng malalim na hininga si Issay sabay hawak nito sa kanyang noo at ipinilig ng ilang ulit ang ulo nito na para bang ginigising niya ang kanyang sarili dahil pakiwari niya'y isa lang itong panaginip.

"Issay, hindi ko ginugulo ang isipan mo. Instead, I offer you my help and also you can help me that way too". giit ni Altaire sa dalaga.

"Bakit, wala nabang ibang babae na pwedeng ipakilala sa lola mo? Sa pagkakaalam ko ay mas may maraming babae naman na kakilala mo na mas angat sa buhay na pwede mong ipakilala sa Mamang Esperanza mo ah!?" sagot ni Issay.

"Yes, you are right! But ayaw ko sa kanila dahil ayaw ko na after the show ay ayaw na nilang bumitaw sa akin. At saka mas tiwala ako sa iyo dahil mas lubos na kitang kilala at mas panatag ang loob ko sa iyo na ikaw ang makakasama ko" ani Altaire na para bang nagmamakaawa kay Issay.

"Pero may usapan na kami ni Estong na magsisimba sa linggo at nakakahiya naman kung hindi ko siya sisiputin eh matagal na niya akong niyaya na magsimba?".

"I knew it but marami pa namang pagkakataon na pwede mo siyang makasama sa pagsisimba. And yet, mas isaalang alang mo pa ba ang napag usapan ninyo ni Estong kesa sa kaligtasan ng iyong itay? I won't pressure you, Issay but I just giving you the option that will be mutually help us both. Please, Issay! Nagmamakaawa ako na pumayag kana sa alok ko because it's all for our sake. Hindi lang naman ako ang makikinabang sa planong ito kundi pati din ikaw. You will save your father's life at hindi na mahihirapan pa ang iyong inay sa pag iisip kung saan siya manghahagilap ng perang gagamitin para sa iyong itay. I don't underestimate you but I'm also worried for your father" mahinahong pahayag ni Altaire.

Hindi makapagsalita si Issay dahil litong lito siya. Nagdadalawang isip siya dahil para bang nasasaktan siya sa isiping isang palabas lang ang gagawin niya sa lalaking kanyang mahal ngunit ang inaalala naman niya ay ang kalagayan ng kanyang itay. Sandaling katahimikan ang namayani hanggang sa biglang dumating ang doctor na tumitingin kay Mang Samuel.

"Excuse me ma'am and sir, kayo po ba ang kamag anak ng pasyente?" anang doctor na palipat lipat ang tingin kina Issay at Altaire.

"Opo doctor! Itay ko po iyong pasyente" kinakabahang sagot ni Issay......."Bakit po doctor? May update na po ba kayo sa kalagayan ng aking itay?" sunod sunod na tanong ni Issay sa doctor.

"Iha, itatanong ko lang kasi kung kailan ninyo ililipat ang itay mo sa Makati Med dahil parang lumalala ang lagay niya. Wala kaming sapat na gamit dito at saka humihina ang pintig ng kanyang pulso kaya sinuri namin at napag alaman namin na may sakit sa puso ang iyong itay ngunit hindi pa naman ito gaanong malala. Kung maililipat siya doon ay may posibilidad na maagapan agad ang kanyang kalagayan" paliwanag ng doctor na siyang ikinagulat ni Issay at napahagulgol ito.

"Shhh tahan na" pang aalo ni Altaire sa dalaga at kinabig niya ito pasandal sa kanyang dibdib at doon ay humagulgol na ng humagulgol si Issay dahil sa nalamang kalagayan ng kanyang itay.

"So, ano ang desisyon ninyo? Hinihintay nalang namin ang iyong pagpapasya upang maisagawa na namin ang mga papeles na inyong kakailanganin" wika ng doctor na nakatingin kay Issay.

"Doc, please do it now if what is good for him. Ililipat na namin siya right now" biglang sagot ni Altaire sa doctor kaya naman napatingala si Issay kay Altaire ngunit hinawakan at pinisil naman nito ang palad ng dalaga......"Just leave it to me" bulong nito kay Issay saka muling tumingin sa doctor.

"Are you sure, sir?" paninigurado ng doctor kay Altaire.

"Yes, doc!" mariing sagot ni Altaire.

"Kaano ano niyo po ba ang pasyente?" muling tanong ng doctor kay Altaire.

"I'm not related with the patient but his daughter is my girlfriend" determinadong sagot ni Altaire na napatingin pa kay Issay at kita nito ang pagkabigla sa mukha ng dalaga ngunit binaliwala nalang niya dahil maging siya man ay naaawa din sa kalagayan ni Mang Samuel.

"Ah okay po! Sandali lang po sir at aayusin nalang namin ang mga papers ng pasyente para ma e discharge na namin siya agad" nagmamadaling turan ng doctor at agad na nagtungo na sa kanyang opisina upang asikasuhin ang dapat na asikasuhin.

Nang makaalis na ang doctor ay humarap si Issay kay Altaire na para bang nagtatanong. Nang hindi kumikibo si Altaire ay.

"Bakit mo sinabi iyon eh hindi pa naman ako pumapayag sa alok mo?" medyo nairitang tanong ni Issay kay Altaire dahil para bang inunahan siya sa pagpapasya nito.

"It's not time to argue about it dahil  buhay ng itay mo ang nakasalalay ngayon. Don't waste time that will make you regret afterwards" sagot ni Altaire......"And besides, I have a doctor cousin that working there, so he can help your father for looking and check his condition" dagdag pa nito kay Issay.

"Papaano namin mababayaran ang pagkakautang sa iyo" tanging nasabi ni Issay sa walang masabi dahil alam niyang  hindi birong halaga ang gagastusin ng kanyang ama sa Makati Med.

"You paid it all already. Wala na kayong alalahanin pa maging sa therapy at sa mga gamot ng itay mo ay ako na ang bahala doon. Pagkalipat niya mamaya sa Makati Med ay kakausapin ko ang aking pinsan na siya ang titingin sa iyong itay para masiguro ang kanyang kaligtasan. So, don't stress yourself to much at bukas ay may pupuntahan tayo. Susunduin kita sa bahay niyo around nine o'clock in the morning" saad ni Altaire sabay hawak nito sa kamay ni Issay.   

"Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ni Issay ngunit hindi niya alam kung para saan ang kabang iyon dahil kung ilang ulit na hinawakan at pinisil pisil ni Altaire ang kanyang kamay at ng kaninang kinabig siya nito sa kanyang dibdib ay amoy na amoy niya ang pabango ng binata at kahit na panay ang iyak niya ay nakatatak parin sa utak niya na ang lalaking yumakap sa kanya at pilit na nagpapatahan ay ang lalaking laman lagi ng kanyang isipan at puso na kahit na anong sakit sa kanyang puso ang ibigay nito'y hindi niya kailanman magawang kamuhian.

Anong mangyayari sa pangpapanggap ni Issay bilang nobya ni Altaire? At papaano ipapaliwanag ni Issay kay Estong ang hindi nito pagtupad sa kanilang usapan?

Abangan....

Girlfriend with Benefits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon