Part 27

21.8K 857 84
                                    

Dinala ako ni Sir Benj sa Jollibee para mag ice cream. Tahimik pa rin ako at walang sinasabi, pero si Sir Benj nakatingin lang siya sa'kin at pinagmamasdan.



"Sure ka bang iiwan mo muna si Butchok doon sa taas?" tanong niya.



"Ayoko sana pero ayokong makita sila mama at papa eh"



"Hmmm... Sige, kainin mo na lang 'yang ice cream mo." utos niya.


"Wala akong gana eh."


"Walang gana? Sige, susubuan kita." tumabi naman siya sa'kin at sinusubuan nga ako. Ayoko pa sana kaso pinipilit niya ako, napapangiti naman ako sa ginagawa niya kaya sumunod na lang ako.



"Oh di'ba? Kailangan mo lang ng matamis sa loob ng katawan mo tapos ako naman mag pprovide ng sweetness sa labas ng katawan mo" ngumiti siya at patuloy siya sa ginagawa niya. Mabuti na lang talaga at nandito si Sir Benj.



Maya maya, may tumawag naman kay Sir Benj at napansin kong nagbago 'yung reaction niya.



"Uhm, wait lang ah? Sagutin ko lang 'to" tumayo siya at lumabas. Normally naman, hindi siya aalis sa tabi ko pero mukhang importante 'yun kaya umalis siya.



Iniisip ko pa rin 'yung kapatid ko, sobra talaga akong naiistress. Mamaya pa lalabas 'yung final results niya at saka ko pa malalaman kung anong mangyayari. Kung ooperahan siya, siguradong malaking pera 'yung kailangan para mabayaran.



Iniisip ko pa lang, nalulula na ako. Alam kong tutulungan ako ni Sir Benj at ni Sir Jack sa gastusin pero hangga't maari, ayoko sanang mainvolve ang pera sa pagitan namen.



"Hey, anong iniisip mo diyan?" sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala uli si Sir Benj.



"Ahh... Wala...." pero nagsisinungaling ako. Naiisip ko rin 'yung kapatid ko sa labas, hindi lang siguro isa 'yon baka marami pa. Sobrang nakakainis talaga! Sobra akong naiinis sa mga magulang ko!


"Oh, ice cream uli!" sinubuan na lang uli ako ni Sir Benj.



"Salamat at nandito ka..." bulong ko.


"Ano ba, hindi kita iiwan sa mga ganitong pagkakataon. Dito lang ako, pangako" sabi niya pa.

Tumingin muna ako sa paligid at nung napansin kong walang nakatingin, hinalikan ko siya sa pisngi.



Dahan dahan siyang tumingin sa'kin na nakangiti.


"Magnanakaw ka ng halik ah!" iba 'yung ngiti niya. 'Yung ngiti ng kilig na kilig.



"Salamat nga kasi." sagot ko.


"Aba, gusto ko sa lips din"


"Tama na. Isa lang" sagot ko.



"Ang daya ehh... Isa pa..."



"Sino muna kausap mo kanina?" tanong ko na lang.


"Ahhh... Wala 'yon, sa office lang." sagot niya. Mukhang hindi totoo sinasabi niya o baka ayaw niya lang talaga pag usapan 'yung tungkol doon kaya hinayaan ko na lang.



"May tanong pala ako sa'yo" bigla kong sabi.


"Yes?"


"Hmmm... What if nalaman mong may kapatid ka sa labas? Anong gagawin mo?"




My Super Hot Straight Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now