PANIMULA

92K 1.5K 239
                                    


"Tell me about yourself"

Shet. Eto na nga. Nagsisimula na ang bagong yugto sa buhay ko. Goodbye school, Hello real world na talaga.

"I'm Ethan James Aguilar, 20 years old from Makati" pakilala ko.

Nakasalamin na babaeng matanda yung nag iinterview sa akin. Mukha siyang mataray pero okay naman din, hindi naman ako kinakabahan kasi may piso ako sa loob ng sapatos ko.


"I already know all of that. It's written here in your resume. Tell me something that I don't know"


Shet. English, buti na lang at napaghandaan namen 'to ng bestfriend ko.


Pero bago ako magpakilala sa kanya, biglang may kumatok sa pinto.

"Ma'am? 20minutes...."

"I know, I'm busy here, can't you see?" mataray nga siya.

Wala naman nasabi yung lalaki at umalis na siya kaagad.

"I'm sorry about that...." hindi ako nagsalita habang binabasa niya yung resumè ko. "...Well, you have an outstanding vitae..."

"Thank you Ma'am"

Bigla niyang nilapag yung papel ko at tumingin siya sa akin ng masinsinan.

"So, How much salary are you expecting?"


+++

"Ganun ganun lang? Walang ibang tanong?!" tanong saken ng bestfriend kong si Jaycee. Siya ang pinaka nakakatawang bakla sa lahat. Minsan pilosopo, minsan bastos, pero madalas masaya at sanay na sanay na ako sakanya.


"Oo, ganun lang. Simpleng tanong lang tapos ayun! Hired kaagad. Final interview then pipirma na raw ng kontrata" paliwanag ko.


"Sabi ko sa'yo e! Mahiwaga ang piso sa sapatos!"

Ang pormal pa ng suot ko pero etong si Jaycee, naka Tshirt at short lang sa ibaba ng company.

"Haha salamat bes!"

"Walang anuman bes. Halika na sa bahay niyo para makakain na tayo. Siguradong tuwa tuwa na yang muji mo pag uwi mo!" si Jaycee yung baklang mukhang lalaki. Kaya kapag nagapalaki siya ng boses, natatawa ako ng sobra.



"Ayaw mo sainyo?" tanong ko.

"Bes ano na. Edi pilit na pilit na naman galaw ko. Alam mo naman si Father superior, sundalo, kapag sa bahay, pak, lalaking lalaki. Oh, hirap magpanggap!"


"Haha sorry sige tara na samen!"

"Wala kang choice bes, 'dun talaga tayo sainyo!"

Si Jaycee na pinang drive ko dahil excited na excited na akong ibalita kina mama na may trabaho na ako.

"Bes, tapos na yung ginagawang bahay sa tabi namen!" sabi ko habang nag ddrive siya.


"Salamat naman! Infairnes sa nagpatayo sa tabi niyo ah, ayaw magpatalo. Gusto malaki rin ang bahay!"

"Hindi naman ganun kalaki bahay namen"

"Tigilan mo ko Ethan James Aguilar baka sampalin kita ng titing galit ah! Kung tutuusin hindi mo na kailangan mag trabaho eh, pak na pak naman kayo sa pera eh!"

"Hindi naman kasi forever na manghihingi ako ng pera di'ba?"

"Patunayan mo yung forever diyan bes!"

My Super Hot Straight Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon