Never Let You Go - Chapter 38; Part 1.

1.9K 15 9
                                    

<-- VOTE!

HELLLOOO!!! I'M BACK! AFTER SJFLAKJFLKSDJFLAFA YEARS! :DDDDDD 

Siguro umay na umay na kayo sa sorry ko. So hindi na ako magsosorry. Hahaha joke! Sorry na. Christmas naman eh. New Year pa. Wala munang away. Hahahaha. ^___^v

By the way. Tutok muna tayo kay Chase at Yana ngayon. So sa mga nabitin kay Spike, Ash and Eli.. stay put muna. Hehe.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Yana's POV]

December 20

"Yana, you're in charge of Spike muna okay? Your Oppa and I will be busy today sa pag-aayos ng papers natin."  Mother told me.

"I'm not a baby to take care of, Ma." Spike murmured. Magkatabi kami ngayon sa sofa. I am reading and he's watching TV.

Siniko ko na lang siya. Ilang beses na kasi siya pinagalitan ng nanay namin kakasabi niya na hindi raw siya baby para alagaan ng todo. Kaya ayun.

Naaawa rin ako dito sa kapatid kong to. Nung una kong nalamang may sakit siya, I acted like its not a  big deal for me. I know, ang sama ko noh? Nung time na yun kasi, problemado pa ako kay Chase.

There. Ughhh I said his name again!

I can't help it, really. I was trying to avoid thinking about him but I always end up posting statuses on Facebook that is related to him. -____-

Its been two months already. Two months and twenty-one days, to be exact. I changed my SIM, and I have been avoiding him on Fb or other sites.

It was me who chose to go, have time to think, and to have space.

Pagod na akong makipag-away sa kanya tungkol dun sa mga babae niya.

Oo! Tssh. Alam kong napag-usapan na namin yun noon, pero bat walang ngyare? He keeps on talking on to those girls. At yung mga babae naman, yun! Abot langit ang kilig. 

Mababaw ba? Tss. No way. Akala niya di ko alam na bumabanat siya dun sa mga babaeng gusto siya ng over the limit na? As in may nakita nun na over the limit yung banat!! Yun bang banat na parang 'sila' na. Kasi.. ah basta!! >.<

Bukod pa run, di na siya natuto. Napag-awayan na namin to noon eh. Tas nag-ayos. Pero sige, tuloy pa rin siya. Di pa ba ako sapat? 

Ayoko lang makipagtalo sa kanya sa isang bagay ng paulit ulit. Nung first weeks na di ko siya pinapansin, he keeps on asking me why. I'm like, hello? Can't he figure it out himself?! Ang masaklap pa dun, yung mga babae pa niya yung nagccomfort sa kanya. Geez.

"Nakakunot nanaman yang noo mo. Romance yang binabasa mo tas ganyan facial expression mo?" Said Spike. Binalik niya ako sa katinuan. Sheesh. "Him again?"

Never Let You Go (Book 1 - Complete!)Where stories live. Discover now